Chapter 9

2.2K 45 1
                                    

PRINCE' KISS

( Book 2: Betty and the Prince )

written by: Lorna Tulisana

" Talagang kailangan sa iba ko pa malaman?".

Napatigil sa pagnguya at pagsubo si Betty at tumingin ito sa kaharap na matalik na kaibigan na si Tessa. Nasa mukha at tono nito ang pagtatampo.

" Brugo kwo srugoton rang tra......".

" Puwede ba lunukin mo muna  'yang nasa bibig mo dahil hindi kita maintindihan?!".

Mabilis namang nginuya at nilunok ni Betty ang isinubo. 

Dinala siya ng kaibigan sa isang maliit na karenderya. As in KA-REN-DER-YA! Sa mahigit ilang buwan nilang hindi pagkikita dahil sa pagiging abala nito sa bagong buhay nito bilang may asawa,ay talagang hindi man lang ito pumili ng lugar para man lamang sa get-together nila. Pero,in fairness,masasarap naman ang luto kaya okay na rin.

" Bago kita sagutin d'yan sa tanong mo,gusto ko munang malaman kung bakit kung kailan ka yumaman saka mo naman ako binitbit sa ganitong kainan? Buti pa noong sales lady ka lang,tuwing sahod mo kumakain tayo sa KFC o Max! ".

" Sis,nami-miss ko ang mga lutong-bahay! Lagi na lang kasi kaming kumakain ni Jemar sa labas! ".

" Sosyal! ", sinabayan ito ng pagsubo.

" Sosyal ? Kumakain kami sa labas kasi nga hindi ako marunong magluto! Well,may alam naman ako,pero hanggang pritong itlog lang o mga simple dishes! ".

" Bakit ba kasi hindi pa kayo kumuha ng katulong? Kunin mo si Althea para naman kahit papaano ay mabawasan ang sakit ng ulo ko sa babaing  'yon! ".

Sumasakit talaga ang ulo niya sa kapatid sa tuwing nadadalaw sa bahay si Prince.  Panay kasi ang pa-picture nito kasama ang binata. At talagang kinuha pa siyang photographer. Kung minsan naman ay nagyaya pa ito ng mga kaibigan sa bahay. Balak talaga yatang totohanin nito ang sinabi nitong magtatayo ito ng fans club,ang " PRINCE FOREVER FAN CLUB ".

" Gusto nga rin ni Jemar kaso ayoko kasi.......teka! Huwag mo ngang ibahin ang usapan! Ang gusto kong malaman ngayon ay kung ano ang nangyayari sa inyo ni Prince ? ".

" Ano ba ang sinabi ni Jemar ? ".

" Marami! Pero,gusto kong manggaling sa'yo! ".

" Well,kung marami siyang sinabi,ito lang ang sa akin.....WALA! MAGKAIBIGAN LANG KAMI! PERIOD! ".

" Pero,nanliligaw sa'yo si Prince ?".

" Hindi ko alam! ".

" Paanong hindi mo alam,e lagi daw kayong magkasama at lagi daw siyang dumadalaw sainyo! ".

PRINCE' KISS (Book 2: Betty and the Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon