Chapter 15 -The ROYAL PROPOSAL-

2.3K 52 1
                                    

PRINCE' KISS

( Book 2: Betty and the Prince )

written by: Lorna Tulisana

" Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? ".

" Hinding-hindi na,sis! Tuloy na tuloy na talaga 'to,wala ng atrasan! ".

Nasa isang kainan ang magkaibigan. Tinawagan ni Betty si Tessa para makapag-bonding sila bago ang paglipad niya kinabukasan.

" Mami-miss talaga kita,sis! ", mangilid-ngilid ang luha na wika ni Tessa.

Napaangat ng mukha si Betty mula sa pagkain at tinitigan ang kaharap, " Para kang sina tatay at Althea kung makapg-drama! Sa Japan lang ang punta ko,hindi sa ibang planeta! ".

" Siguro hindi mo ako mami-miss? ", humaba pa ang nguso nito sa pag-irap sa kaibagan.

" Tumigil ka nga d'yan! Lahat kayo mami-miss ko,pero kailangan ko talagang umalis! Walang dahilan para hindi ako matuloy! ".

" Si Prince? ".

Natigilan si Betty.

" Iiwan mo na ba talaga siya? ".

Ibinalik ni Betty ang atensyon sa pagkain, " Ako ang iniwan niya! At isa pa......".

" Mahal ka niya,sis! ".

" Ang totoong nagmamahal hindi nang-iiwan ng minamahal ng basta-basta na lang! ".

" Ginawa n'ya lang iyon para sa mga magulang niya! ".

Naikuwento na ni Tessa sa kaibigan ang lahat-lahat ng sinabi sa kanya ng asawa tungkol sa pakikipagbalikan ni Prince sa dating nobya na si Anne para lang hindi matuloy ang pagkalas ng ama nito sa kompanya.

" At ginawa niya 'yon ng hindi man lang niya sinasabi sa akin! ", sinalubong ni Betty ang tingin ng kaibigan, " Kung sinabi niya lang sa akin ang totoo,mas maiinindihan ko siya,pero 'yong iwan na lang niya ako sa ire ng wala man lang pasabi,'yon ang ikinagagalit ko! Pinagmukha niya akong tanga! ".

" Siguro may dahilan siya! ".

" Puro na lang dahilan! Ang sabihin niya,mas gusto niya ang Anne na  'yon dahil maganda at mayaman! At ako.....".

" Ikaw ang mahal niya! Alam ko 'yon! ".

" Buti ka pa alam mo! Ako,hindi! ".

" Kasi nga binubulag ka ng galit mo! Kung titingnan mo lang siya sa mga mata,mababasa mo  'yong lungkot na iba ang kasama niya at hindi ikaw! ".

" Hindi tayo lumabas para pag-usapan ang lalaking  'yon! Kaya puwede let's change the topic! ".

PRINCE' KISS (Book 2: Betty and the Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon