Chapter 16 -The ROYAL WEDDING-

2.9K 79 10
                                    

PRINCE' KISS

( Book 2: Betty and the Prince )

written by: Lorna Tulisana

Makalipas ang dalawang buwan,ginanap ang pinakahihintay na kasalan ng taon. Sa Manila Cathedral,bakas na dito ang pagiging engrande ng okasyon. Naging usap-usapan ito sa loob at labas ng bansa. Tinalo pa kasi nito ang kasalang Kate at Prince Williams ng England.

Nangalap ang wedding planners ng mga kalalakihan na ngayon ay nagkalat sa paligid. Nakasuot ang mga ito ng balute na ang ilan ay nakasakay sa mga puting kabayo habang ang iba naman ay nakapuwesto sa bukana ng simbahan tangan ang kanilang sibat.

Sa loob ng simbahan,aakalain mong napunta ka sa ibang panahon. Ukupado ang lahat ng upuan. Makulay ang kasuotan ng mga naroon. 

Ang buong entourage ay nakasuot ng mga ball gown. Ang principal sponsors ay may mga suot na kapa at nakaputong sa kanilang ulo ang mga kumikinang na korono.

Sa harap ng altar naroon ang groom. Matikas sa suot nitong Royal Suite na lalo pang pinaguwapo sa korono at kapa nito. 

" You look like a real prince,anak! ", puri ni Marta.

" And you too,Ma! Walang sinabi si Queen Elizabeth! ", balik-puri ni Prince sa ina.

" Tumama rin ang sinabi ko noon,bro! ", wika ni Jemar.

" Na ano? ".

" That once cupid hit you,ewan ko lang kung hindi ka mabaliw! Paano n'yo namang naisipan ang ganitong conccept? ".

" Bro,we both loved fairytales! At isa pa,it will mark history dahil wala  pang may ganitong concept sa kasaysayan ng kasalan dito sa bansa! ", nakangiting kindat nito sa kapatid.

" Dumating na ang bride! ", sigaw ng isa sa mga wedding planner.

Pinapuwesto na ang buong entourage para sa pagsisimula ng seremonya.

" Excited ka na ba,anak? ", tapik ni Carlo sa bunso.

" Halos hilahin ko na nga ang oras,Pa! ".

" Ganyan na ganyan ako noong ikasal kami ng Mama mo,halos maihi ako sa salawal sa sobrang kasabikan! ".

Nagkatawanan ang buong pamilya.

" I'm always proud of you,son! ", ginagap ni Carlo ang kamay ng anak.

" Salamat,Pa! ".

----

Sa labas ng simbahan pumuwesto na rin ang mga kawal na nakatanod sa bukana. Itinaas ang kanilang mga sibat kung saan dadaan ang bride.

" Anak,handa ka na ba? ", tanong ni Mang Alvin.

PRINCE' KISS (Book 2: Betty and the Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon