Chapter 8

2.4K 48 2
                                    

PRINCE' KISS

( Book 2: Betty and the Prince )

written by: Lorna Tulisana

Matagal-tagal na ring nakakaalis ng bahay si Prince,ngunit hindi pa rin mawala ang namumuong pagdududa kina Mang Alvin at Althea,habang pasulyap-sulyap ang mga ito dito at kung minsan ay magbubulungan pa.

" Puwede ba,tumigil nga kayo!", sita ni Betty sa dalawa na halos hindi na makakain dahil sa inaasal ng mga ito.

" Magtapat ka na kasi,ate! Sasabihin mo lang naman kung may sinalihan kang reality show.....", pinaikot pa nito ang mga mata sa apat na sulok ng kanilang maliit na kusina para masiguro na walang camera dito, ".....para naman hindi ako magmukhang engot kapag pinalabas na ito sa tv! ".

Bigla tuloy naalala ni Betty noong araw na napadpad siya sa Kaharian ng Bernalia,akala niya ay palabas lang ang lahat. Pero,wala mang nakakaalam,tiyak niya na napunta siya dito at nagmahal at minahal ng isang prinsepe. Hindi man niya maipaliwanag ang nangyari sa kanyang buhay,masaya siya na minsan ay naging makulay ang kanyang buhay pag-ibig. At si Prince,ito kaya ang prinsepe na minahal niya noon? Ewan! Basta ang alam niya may espesyal siyang nararamdaman dito. Isang damdamin katulad ng naramdaman niya noon kay Prinsepe Yulo. 

"  Tigilan mo nga ako,Althea,d'yan sa kalokohan mo! ".

" Ang damot mo naman! Gusto mo ikaw lang ang sumikat?!", humaba pa ang nguso nito sa pag-irap sa kapatid.

" Betty......".

Napatingin ang dalaga sa ama na gumuhit sa mukha pagiging seryoso.  Ganito ito kapag may problema o may nararamdamang pangamba.

" Pinalaki ka namin ng nanay mo sa mga kagandahan asal lalo na ang pagkakaroon ng takot sa Diyos! Alam mong labag sa isang Kristiyano ang paggamit ng gayuma! Umamin ka,dumayo ka pa ng Ongpin para lang bumili no'n? Alam mo ba kung.....".

" Itay......", pinipigil ni Betty ang matawa, "....isang linggo kitang hindi bibigyan ng pangtaya mo sa Lotto dahil sa pag-iisip mo sa akin ng ganyan! At ikaw,Althea,maghanap ka ng pera para pang-tuition fee mo ngayong semister! Ang dudumi ng utak n'yo! ".

Mabilis na tumayo si Althea,at niyakap sa may likuran ang kapatid, " Ate,naman! Hindi ka na mabiro! Alam mo naman na sumikat ka man o hindi,you're still the best sister in the whole wide world! At saka nasa lahi natin ang mga magaganda kaya natural lang na maging habulin tayo ng mga lalake! ", panunuyo nito, " Pero,paano ka nga ba napili na leadinglady ni Kuya Prince? ".

" Tumigil ka nga! ", sabay hampas nito sa kapatid.

" Anak,alam mo noong makita ko si Prince,naalala ko 'yong kabataan ko! ".

" Guwapo ka noong kabataan mo,'tay? ", pang-uuyam ni Althea.

" Aba,syempre!Nagkakandarapa sa akin ang mga babae noong araw,pero no'ng makilala ko ang nanay ninyo,pakiramdamam ko natagpuan ko na ang babaing mamahalin ko at makakasama ko habangbuhay! Hindi naman kagandahan ang nanay n'yo noon pero......".

PRINCE' KISS (Book 2: Betty and the Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon