Natutulog ako nang naalimpungatan ako, nakaramdam din ako ng panlalamig.
Nang nagising ako tanda ko ang oras nang agad ako napatingin sa aking digital alarm clock, na nakasabing oras 12:51 am.
Napansin ko na may tila nag bukas ang closet ko magisa sa natatandaan ko sinara ko ito...
Matapos may isang hinding kilalang nilalang na lumabas. Na may mahahabang kuko at daliri. Agad agad itong lumabas at ang bilis na pangyayari hindi ko nakita ang mukha at ayoko pang malaman habang nakarinig ako na gumagapang ito sa sahig. Sa takot ko nag taklob ako ng kumot na nanginginig sa takot, iniisip na sana mawala siya.
Pero nararamdaman ko na, nakaakyat ito sa kama ko... palapit sa akin. Habang itinataas ko naman ang mga paa ko para hindi niya abutin... pero palapit na palapit siya, nang malapit niya na mahawakan ang paa ko bigla siya tumigil... kasabay nun ang paglaho ng presensya niya.
Kahit ganun ayaw ko parin malaman , dahil maaring nandyan parin siya ... ngunit nag lakas loob ako na ibaba ang kumot para silipin na kung na andyan pa rin siya.
At iyun ang
Pinakamalaki kong pagkakamali at huli ko nang pinagsisihan...
Bago ako tuluyan mawalan ng malay, nakita ko na may hawak siyang puso...( puso ko dinukot niya)
Gamit ang mahaba niyang kuko ... at nakita ko na siya ay kalahati (wala ang pambaba niyang bahagi ng katawan) mahaba ang buhok at pula ang bilugan na mga mata... at nakangiti ito sa akin.
***
Matapos agad ako bumangon mula sa aking higaan... at na realize ko na, mabuti nalang isa lang bangungot iyun..
naka hinga ako ng maluwag. Dahil nagising ako mula sa matinding bangungot... hinde ko halos maisipan isa lamang iyun sa panaginip, na parang totoong totoo...
pero iniisip ko na
sana nga lang
sana nga lang...
manatiling panaginip iyun..
nang napansin ko na sa aking alarm clock na nababasa 12:50am, sumunod nun ang dahan dahan pagbukas nang kusa,a ng closet ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/121414283-288-k227195.jpg)
BINABASA MO ANG
PINOY HORROR SHORT STORIES (Updated)
HorrorTAGALOG here's an another short story that creep the hell out of you... a stories ever told, related from work,school and home. as the midnight falls. [NEW COMPILATION OF DIFFERENT STORIES IN EVERY PARTS] Written by: Ms.Black [T/N: GUYS , SOME OF T...