[38] The Crying Lady

1K 7 0
                                    

Intro ...

Hindi sinasadya na nabasa ni Vien ang diary ni Mariana...

Dear Diary : 

Ang buhay talaga ay sadyang malungkot para sakin, at wala nang nagmamahal sakin. Hindi ko na kayang magisa pa at wala na akong luha na mailuluha pa. Ang gusto lang naman may magmahal sakin ngunit lahat ay iniwan ako kaya naman wala saysay ang buhay ko. Hanggang dito na lang ako paalam kung sakaling may nakabasa nito, handa ka bang umiyak para sakin?

-- Mariana.

***

Isang linggo at simbang gabi.

"Ding Dong , Ding Dong ding dong!!!!" tunog ng kampana.

Maraming taong nagsisipasok labas sa pinto ng simbahan, mga tindera na pagkaingay, at lahat ay masaya dahil disperas na ng pasko.
Ang mga pulis at tanod ay nagkalat sa bawat paligid sa pagpapatrolya, at ang iba naman sa loob ng simbahan nagmamadali humanap agad ng puwesto ng upuan dahil mahirap na baka maagawan pa, at ang pari at mga sakristan ay naghahanda na.

Sa kabila ng maraming tao isang binatilyo Si Vien 25 na anyos at isa sa parokya ng simbahan at madalas na siya nagsisimba lalo na kung wala siyang pasok sa kanyang trabaho.

Kaya naman ganun na lang ang close niya sa pari na si Fr. Valerio Gomez. Sa kabila ng siksikan papasok na si Vien at nagmamadali siya dahil ayaw niya mahuli sa loob at nagbabakasakaling makakahanap pa siya ng puwesto, nang hindi niya sinasadyang mabangga ang isang babae.
Nakabelo ito sa ulo at kulay itim, hindi maanigan ang mukha nito bukod sa nayuko na natatakpan pa ito ng kanyang mahabang buhok.
Pero napansin niya ng konti ang mga mata lang niya na tila parang lumuluha, at may hawak pa itong kandila.

"P-pasensya na po ale!...sige po mauna na kayo."sabi ni Vien.

Ngunit hindi ito kumibo at nanatiling nakayuko na dinaanan lang siya nito at diretso sa loob, na tila nagmamadali din.

Sa una hindi niya nalang  ito binigyang pansin ang babae, kaya nagpatuloy siya pumasok at nang nakapasok na siya sa loob.
Masuwerte na lang nakakuha pa siya ng upuan kahit na sa hulihan, pero bago siya umupo bigla niyang napansin ang babae na naka itim na belo at nakatabi niya ito na kanina lang ay nakabangaan niya.
Napansin niya din na umiiyak ito habang pasulyap niya tinignan, nagtaka naman si Vien hinde niya alam ang gagawin pero may kung anung puwersa na kailangan niyang kausapin ang babae.

"Ale, ok lang po ba kayo?" pabulong ni Vien.

Dahil nasa gitna na kase ng katahimikan ng misa.
Samatalang hindi naman kumibo ang babae ni hindi rin ito tumingin sa kanya o kausapin man lang, patuloy lng ito sa pagluha.

"lahat tayo maghawak ng kamay para sa pagpupugay sa kapakanakan ni hesu Cristo!!!"sabi ng pari.

Pero nagaalinglangan si Vien at nakaramdam siya bigla nalang ng kaba at panlalamig, pero naisip niya baka dahil lang  sa panahon, kaya siya nanlalamig. At hindi niya naman malaman kung bakit siya kinakabahan, imbes na hawakan niya ang kamay ng babae binigyan niya lang ito ng panyo.
Bigla nalang tumigil ang babae sa kakaiyak, ng nakita niya na iniabot ang puting panyo sa kanya.
Dahan dahan at mahinhin ito tumingin kay Vien na parang robot patigil tigil ang galaw,
dahil doon lalo kinabahan si Vien at lumakas ang tibok ng puso tila natatakot siya pero bakit? Biglang napatawa siya ng bahagya. Sa isip niya pero hinde naman siya makatingin ng diretso sa babae, dahil nakatingn siya sa iba habang iniabot nito ang kanyang panyo mula sa kanya. Nang naramdamn niya na lang na kinuha ng babae ang panyo at sinabing pabulong na.

"sa-sa-salama-t!"

Habang nakayuko pa rin sabay nagpunas ito ng mga luha niya at tsaka ibinalik pa sa kanya.

PINOY HORROR  SHORT STORIES (Updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon