[23]The Last Silent hours pt:1

542 5 0
                                    

...Meet Drake 20 isang college student. 

simple lang naman siya pero ang tingin sa kanya ng iba ay isang nerd, dahil sa pagkabusy niya sa pag-aaral.

 at wala siyang sinasayang na oras sa pagbabasa ng mga libro sa isang malaking library ng sa tabi ng kanilang school.

Kaya minsan lang siya gumigimik kasama ang mga kabarkada niya.

sa busy niya hinde niya na iniisip ang love lyf niya... talagang 0% as in kase palaging basted . kaya ganun na lang kung minsan halos magalit siya sa mga babae dahil doon mas itnuon niya nalang sa pagaaral ... mayaman ang pamilya ni Drake kahit ganun marunong pa rin naman siya makisama sa iba... at kahit bugtong na anak siya hinde siya spoiled brat ng lumaki.

Sa Lunch Break:

"Pare, halos sa magkakabarkada kayo nalang ni Kail ang single..- pero balita ko may pinopormahan ata si Kail" sabi ng isa sa kaibigan niya.

"Pass, muna ako dyan pare, masaya na ako single- sadyang walang matinong babae ngaun na magseseryoso sakin!. "

"Ganun ba Drake, pero sana isipin mo hinde lahat ng mga babae ganun :)"

Ngumiti lang si Drake sabay umalis na ito..


-

Kinabukasan, Nasa library si Drake at halos iyon na ang tambayan niya kaya naman kapag may isinama siya ng iba maiinip lang sila... - Boring ba??? oo sinasabi nga yan kapag sa tuwing may kasama siya. kaya naman , habang nasa library siya isosoli niya na ang mga librong nahiram niya...

*oo kase boring na tao ako, isa pa sinu bang mag tyatyaga na babae sa tulad ko?* ayon sa isip niya.

"Ang bilis mo naman matapos ito? iho?" sabi ng isang librarian .

"Opo, Mam Suzette. pero gusto ko po ulitn ang librong hawak ko po... puwede po bang extend ito?"

"Pero nabasa mo na ito ng 3x??? "

"Ok lang po hilig ko talaga sa mga history books" ang sambit ni Drake.

"Ibang klase ka talaga hanga nga ako sau iho, buti ka pa libro inaatupag mo kase ngaung h-tech na tayu nakakalimutan na ng mga kabataan ang kahalagahan ng pagbabasa ng libro sa halip internet at games inaatupag."

Ngumiti lang si Drake."Thank u po!"

kaya naman matapos ng kausapin niya ang librarian , ay aksidente niyang nabanga ang isang babae. nahulog niya tuloy ang mga pahina, at mga papel. at kahit pa ayaw nyang tulungan ito pero may anung puwersa na dapat niya tulungan sa pag pulot ng mga papel. at nakita niya ang isang pahina ng mga nota....

"Mahilig ka sa music?!" habang pinupulot ang bawat pahina .

ngunit yumuko lang ang dalaga. na tila nag sabi ng "OO" subalit hinde makita ni Drake ang mukha ng dalaga. habang pinupulot ang mga papel at ng matapos na ay tumayo sila... ngunit nanatiling nakayuko parin ang dlaga at natatakpan ng mahaba nyang buhok ang kanyang mukha at sinabing mahinhin na.

"Salamat..." sabay umalis ito.

"Mam, Suzette?,"

"Anu yun Iho?"

"Kilala niyu pu ba ang babae , nanabangga ko??, parang bago lang sakin ang mukha niya?"

"Ah yan si Milldred, oo bago lang siya dito, pero may pagkamysteryosa..., bakit mo natanong?"

"w-wala po." habang sinundan niya rin ng tingin ito ang dalaga habang nakatalikod at palabas ng pinto.

- At simula nun hinde niya na maalis sa isip niya ang babae kanina , hanggang sa pagtulog, nakaramdam siya ng kaba at kilabot... at taka.

.... at kinabukasan ulit sa school kinausap ng kaibigan niya siya ,

"Drake, pare! (sabay tapik sa balikat) pansin ko kanina ka pa wila sa ulirat ok ka lang ba baka may sakit ka na niyan??, at ang lalim ng iniisip mo??" sabi ni Kail.

"Pare, ewan ko ba there something wrong pare na ngaun ko lang naramdamn eh, "

"Ang alin tungkol sa babae na bangga mo?"

"Panu mo nalaman?"

"Pare naman eh ilang beses mo na kase naikukuwento e, baka naman inlove k???"

"*Scoffs* imposible! (bahagyang tawa nito), kahapon ko lang siya nakita inlove agad? isa pa ang weird niya...."

"Katulad mo?, "

"Hinde naman! grabe k naman, ah basta iwasan ko na isipin iyon , eh ikaw bakit parang nakakasilaw ang mood mo??"

"Kase sinagot na ako ni Clariza!!!finaly after 2 yrs nanligaw ako sakanya!!"

"Wow!, huh congrats! buti ka pa !"

"don't worry pare soon makakahanap ka ng para sayo! (sabay akbay sa balikat)

"I hope so."

----

Akala ni Drake, ganun na lang ang iwasan maisip ang mysteryosang babae, ngunit hinde pala ng lalo makasalubong niya ito at sabay sila pumasok sa pinto ng library ng isang araw. 

pero nagbulagbulagan si Drake at deresto ito pumasok. pero hinde niya parin maalis sa isipan ang babae dahil dun nawawalan na siya ng konsentrasyon sa pagbabasa. 

at ng nakuha niya na ang libro dahil sa nagmamadali ng babae ay nahulog niya ang isang pahina , kaya naman agad sinundan niya na ito ang dalaga. 

matapos mang hiram ng libro ang dalaga ay palihim namang sumunod sa pupuntahan ang dalaga na nakayuko pa rin . ang naglakad na tila'y nag mamadali. at nakita niya ang isang bahay na may 2 palapag at simple lng ito, at napansin niyang hinde nya isinara ang gate at ang pinto.

- hawak ang isang pahina, napalunok si Drake at naglakas loob pumasok sa bahay ,

"Tao po?"

habang naglalakad siya ngunit walang sumasagot sa halip. nakarinig na lang siya ng isang tugtugin na ginagamitan ng isang piano, isang malungkot na musika. sinundan niya ito ... dahan dahan at nagmumula ito sa taas. inakyat niya ang hagdan. at sumilip.

sa pinto nakita niya ang dalaga naka side view at kulay puti ang kanyang kasuotan.(nakapagtataka, naiba niya agad ang pananamit niya) sa isang kuwarto na tumutug tog ng piano na siya lang mag isa, kahit hinde mahilig si Drake sa musika ay magandang pakinggang ang musika nya.


at habang sumisilip siya ay biglang tumigil sa pag tugtog ang dalaga at sabay nun dahil sa kaba napaatras siya at nadali niya ang vase at dun humarap bigla sakanya kun san siya sumisilip.

dahil doon nakaramdam siya ng sobrang takot. lalo na ng sinabing.

*CLANG* dabog sa piano.

"SINONG NANDYAN!!!" sigaw nito.

sabay nagtago si Drake, at sinabing."pasensya ka ni miss, bukas ang pinto mo kaya pumasok ako. naiwan mo ang isang pahina mo." nanginginig pa.

"pasensya na tinakot ba kita?, at salamat pala tumigil ako sa pag tugtog dahil nawawala pala isang pahina." mahinhin bigla ang sinabi "Wag ka na magtago, hinde kita sasaktan"

lumabas ng dahan dahan at nakayuko si Drake at habang nakaangat namn ang braso niya na inaabot ang papel sakanya. kinuha naman ito ng dalaga. at dahan dahan itinaas ang ulo nya kasamang kaba at tila ayaw niya makita ang babae na kaharap nya ngayun Pero bumulaga siya sa nakita nya sa babae, matapos niya idilat ang mga mata niya.

"Ako nga pala si Milldred, anu pangalan mo?"

PINOY HORROR  SHORT STORIES (Updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon