[38:2] The Crying Lady

575 9 0
                                    


... Ang lahat ay nag kakasiyahan ng gabing iyun n naganap at halos malasing na ang mga kaibigan ni Vien. Si Josh na ang talagang masama na ang tama kaya wala silang magawa kundi umuwi ng maaga dahil hindi na kakayanin ni Josh nakainum ng marami. Samantalang si Ben hindi masyado at si  Vien naman ay halos isang shot lang.

"Paano ba yan ikaw na ang mag drive Ben." ani ni Vein. "Bagsak na si pareng Josh ei"

"Oo kaya ko pa naman mag maneho tara ipasok na natin yan hay naku... "sabi ni Ben.

"MADAYA KA VIENNNNEEY! HINDI KA MAN LANG UMINOOMM.. HIKK!" ani ni Josh na laseng na laseng.

"Grabe! alam mo naman ikaw ang driver di ba?" ani ni Vien. "haysst... ang dami mong nainom."

"WHOOO SUS! ANG WEEKkk (weak) mooo...." ani ni Josh.

Samatalang bahagyang natawa lang si Ben habang patulog sa pag ungot si Josh hanggang sa ilang segundo lang nakatulog na ito. Inilagay ni Vein at ben si Josh sa backseat at pumasok na si Ben sa loob.

At ng isasara na ni Vien  ang back seat ng pinto ng kotse, bigla niya nanaman nakita mula sa side mirror ---Ang babae nakaitim! at nakatayo ito sa likuran niya!

Natigilan siya saglit at tumingin agad sa likod niya--- ngunit wala namang tao.

"Pare, huy? ano bang ginagawa mo dyan? dalian mo't  lalakas na ang ulan, pumasok ka na!" sabi ni Ben.

"O-Oo sige eto na papasok na!" 

Habang nasa biyahe...

"sino bang tinitignan mo kanina?"

"ahh, wala baka sabihin mo lang baliw na ako."

"Konti lang naman ang nainum mo, pero parang lakas ng tama mo haha!" ani ni Ben.

Pero nanatiling walang imik si Vien habang nakatingin sa bintana ng kotse --- isang maulang gabi.

"Uhh, Ahem! S-sorry sa sinabi ko. May problema ba?... Ok makikinig na ako." natauhan si Ben matapos niyang mapansin na sobrang tahimik ni Vien.

"Wala naman, masyado lang ako madaming iniisip ngayun, Ok lang ako." dahilan ni Vien para hindi magalala si Ben. "Hahaha! oo nga, tama si Josh mahina talaga ako sa inuman mabilis sumakit ulo ko sa alak e."

"Hmm, o-okay."

Nag buhos  nang malakas na ulan ang kalangitan ng gabing iyon hindi rin sila makapagkuwentuhan ng maayos. Kaya naman pahirapan ang magadjust sa daanan na madulas at ns napaka dilim lalo ns dadaan ps sila sa tapat ng simbahan.

"Dahan dahan naman pre gusto mo bang madisgrasya tayo? alam kong nag mamadali tayo pero kontin bagal lang madulas ang daan." Ang pag alala ni Vein.

"Cool ka lang pre alam kong ginagawa ko...Ugh!" ani ni Ben.

Maya maya lang nang nasa tapat na sila ng simbahan ng biglang tumigil ang kotse nila.

"Damn! -- bakit ngayun pa to nag loko, manang mana talaga tong kotse kay Josh!"(sabay hampas sa manibela) asar ni Ben.

"Sige na nga, mainit ang ulo nito ako na ang magchecheck!" sabi ni Vein na bahagyang natawa. 

At lumabas siya hawak ang payong tinignan niya ang mga gulong maayus naman pati makina,  tsaka isinara niya ito.

 Bigla siyang napatingn sa taas matapos  biglang tumunog ang kampana kasabay pa ng kulog at liwanang ng kidlat. Ang dilim ng lugar na iyon tanging ilaw lang ng kotse ang nagsilbing liwanag. Saglit na ilaw mula sa kidlat naaninagan niya ang babaeng kakaitim na nakatayo sa tabi ng kampana mula sa taas at tila tatalon ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PINOY HORROR  SHORT STORIES (Updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon