Sa ospital...
"HAPPY 16TH BIRTHDAY SA AMING UNICA IHA!!!" (habang hawak ang camera) wika ng Ina ni Janessa.
"happy birthday anak!!! at sabay natin celebrate ang successful na operasyon ng mga bagong mong mata!!!" (habang hawak ng Ama niya ang cake niya).
"opo! maraming salamat po sa lahat ..." ang ngiti ni Janessa.syempre kasama ng mga magulang niya ang kababatang kaibigan niyang si Pia.
Isang doktor ang ama ni Janessa at samantalang ang ina niya ay isang Interior designer. Kaya plageng abala sa trabaho ang mga magulang niya. Lumaki si Janessa na malabo ang kanyang paningin hanggang sa bumigay at ito rin nagging sanhi sa kanyang tuluyang pagkabulag. Mabuti na lang may nag donate ng mata kay Janessa.
At ng isang gabing iyon ay pinakamasayang araw ni Janessa.
Kinaumagahan ...
Nag kasalubong sila ni Pia. At nag lalakad sila papuntang school kase malapit lang sila dito nakatira.
" So Janess back to school ulit tayo ahh .. mabuti na lang nag excuse ka sa teacher natin dahil sa opersayon mo -- siya nga pala kamusta na ang mata mo?" ani ni Pia.
"Ito kailangan pang mag adjust... hehe pero nakakakita naman ako ng malinaw " sabi ni Janessa.
"ganun ei bakit ang weird mo at kailangan ba talagang naka shades ka?"
" Eh k-kase naman ang sakit sa mata ng sinag ng araw .. "paliwanag ni Janessa.
"naku masasanay ka rin una lang yan , wag mong sanayin ang mata mo sa madilim na shades, masama yun sa paningin!" (sabay tinanggal nya ang shades sa mata ni Janessa)
"owww!!!" (bumigla sa kanya ang liwanag ng araw, at dahan dahan iminulat ang mga mata niya)
"Oh di ba?! sanayin mo lang. "
Naglalakad na sila sa daanan ng puro nag tataasan na talahib at mga kakaunting puno. at meron matatanaw sa malayo ang dinimolished na isang sementadong bahay na matagal na inibandona. Ngunit mayroon nang nagmamayari sa malawak na bakanteng lote doon. Sa umaga masarap doon mamasyal at mag lakad lakad dahil sa mahangin pero, pag sa gabi napakadilim talaga. At tanging makikita mo sa paligid ay mga ilaw na maliliit gawa ng mga alitaptap. At pag sa gabi bihira lang ang mga taong dumadaan doon, dahil bali-balita ay may nagaganap na karahasan tulad
ng holdap at rape, kahit ang mga sasakyan ay bihira dumadaan.
Ng naimulat ni Janessa
ang mga mata niya ay nanlalabo parin ito at inaadjust ang paningin niya makakita ng malinaw kaya medyo Malabo pa ang kanyang paningin habang kinakausap siya ni Pia napansin ni Janessa naaninagan niya na tila may maliit ba batang babae sa likuran ni Pia, ngunit hinde niya maaninagan ng malinaw kung anu itsura at kung sino siya,nakayuko ito ayon sa imahe. Mahaba ang buhok at tila putikan matapos ay pumikit saglit ang mata niya at ng nabuksan niya muli malinaw na ang paningin niya - ngunit wala na ang batang babae.
"Pia me kasama ka ba kanina? "
"huh? okay ka lang tayo lang dalawa lang kaya nuh - naku baka me konting diperensya ang mga mata mo?" ang sabi ni Pia.
" hinde kase nakita ko sa likod mo m-may batang babae kanina pero hindi malinaw kung ano itsura niya?" taka ni Janessa. "oh baka nga namamalikmata lang..."
"...tara na nga! tama na yang trip mong panakot, wala akong nakita ( matapos lumingon sa likuran) pumasok na tayo baka guniguni mo lang isa pa 'nu oras na? alam ko maaga pa tayo?" tanong ni Pia sabay tumingin sila relo na suot ni Pia.
![](https://img.wattpad.com/cover/121414283-288-k227195.jpg)
BINABASA MO ANG
PINOY HORROR SHORT STORIES (Updated)
HorrorTAGALOG here's an another short story that creep the hell out of you... a stories ever told, related from work,school and home. as the midnight falls. [NEW COMPILATION OF DIFFERENT STORIES IN EVERY PARTS] Written by: Ms.Black [T/N: GUYS , SOME OF T...