[4] A Message for you

3.2K 23 0
                                    


"isang bakasyon grande, na nagging isang bangungot ko habang buhay."


Lumaki ako sa isang siyudad, at nag mula sa mayamang pamilya, pero dahil sa nagging pasaway ako...

Sa pilitan ako Inilipat sa probinsya namin... kaisa isa nilang ako anak. Na lalaki kaya gusto nila na maging responsible ako kaya nila nagawa iyun, hinde na ako nag reklamo dahil na cucurious ako kung anu ang buhay sa isang probinsya at isa pa, Im adventurous person iniimagine ko nalang na parang nagbakasyon narin ako, isa pa summer naman ngayun.

Im 25 yrs old and yet, parang binababy pa rin ako ng mga parents ko , malaki na ako para magisip ng idedecide sa mga gusto ko. pero mahilig talaga sila mangealam, kaya pumayag narin ako na pumunta sa probinsya para hindi sila mangulit sa akin, isang private at peaceful place for me— sa isang probinsya may isang rest house kami doon.

At may kalayuan sa bayan, ang bahay ay napapalibutan ng mga tanim na maisan, kaya madadaanan mo sila palabas nang bahay. Karerenovate lang din ng bahay dahil binili ito ng mga magulang ko sa murang halaga, dahil old style ito noon.
Nang nakarating ako sa probinsya at takip silim na halos, nililibot ko ang bawat sulok ng bahay at pati labas, habang tinutulungan ako ng isang care taker ng bahay na iakyat ang mga gamit ko sa taas (up and down ang bahay)
"ayus na rin hindi naman masama." Sabay nilanghap ang simoy ng hangin mula sa terece.
"uhm sir may kailangan pa poba kayo?" ani ng isang care taker na isang binata.
"ok lang sige – ibaksak mo nalang ang gamit ko at makakaalis ka na!" )sabay tinapon ang kanyang sarili sa kama.)
"tumango lang ang binata at sabay sinara ang pinto ng kuwarto ko.
"HAAAYYY KAKAPAGOD!" habang tumitingin sa kisame. Nakaramdam ako ng uhaw.
"ahh, nga pala Pre!, puwede mo ba ako pag timpla ng juice?, este tubig nalang?" sabay napabangon pero wala sumagot.nang bumaba ako nakita ko na wala na ngang tao – kung hindi ako.

"ganun , hinde man lang nagsabi na aalis na siya ?" sabay napakamot ako sa ulo ko.
Hinde ko nalang inisip iyun kung bakit kaya, nag tungo ako sa kusina at uminom ng tubig..
Malapit ang kusina at dining area sa living room. Kaya tanaw ko ang labas mula sa bintana.

Habang umiinom , nakatingin ako sa bintana ko mula sa labas... napansin ko na may tila tao sa labas, sa hindi kalayuan, hindi ko maaninagan dahil bukod sa bahagyang nahaharangan ng mga maisan, wala pang street light. At hindi rin abot ng ilaw ng bahay sa labas.

Tinitigan ko mabuti... habang dahan dahan ko ibinababa ang baso sa mukha ko. Napansin ko na tao base sa imahe niya na tila may kapayatan at matangkad kulay itim ang imahe mula sa malayo pero sa kinikinilos niya ay parang hindi siya mapakali. Pabalik balik lang ang lakad... tapos biglang tumakbo palayo... na napakabilis tila patalon ang takbo.
Sa una akala ko yung care taker naming pero hindi...
Naisip ko nabaka pagod lang ako...
Kaya kung anu anu na ang nakikita ko, kaya hindi ko na binigyan pansin iyun.

Kinabukasan... nung umagang iyun dala ko ang bike.
Ito ang simula nang paglibot ko sa lugar na ito matapos ang bahay.
Pero bago pa ako makalayo sa bahay, napansin ko ang isang mailbox, na hindi ko napansin kahapon,
"talagang old style... naman?" sabi ko "good! Kung walang signal dito,(Sighs*)

why not try ang makalumang mailbox?!" sabay pinaglaruan ko tila nakausling flag nito na pinaikot ikot ko. Pero napansin ko na tila may pulang likido na lumabas mula sa mailbox, kasunod nun ang masangsang na amoy...patay?

"pulang amoy kalawang...???(habang inamoy ko) HUH! HINDE KAYA ? HINDE AKO MAGKAKAMALI DUGO ITO!"
sabay madali ko binuksan ang mailbox, at sa nagtagpuan ko , agad ako napayuko at nag susuka,nang natagpuan ko sa loob , ang isang kawawang patay na ibon na wakwak ang lamang loob na nagkalat sa loob ng mailbox.
Kasama pa nun gang isang kapirasong papel... na bahagayang nabahiran ng dugo, may nakasulat na gamit ay dugo.
"REGALO KO ITO , SANA NAGUSTUHAN MO. " AT may smiley face, na nakadrawing.

PINOY HORROR  SHORT STORIES (Updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon