[6] The Talisman

1.6K 9 1
                                    

  Ako si Errol, 25
at bagong lipat sa isang lumang apartment...
kailangan dahil galing probinsya, inisip ko na mag trabaho, pero una sa lahat ang maghanap ng maayus na matutuluyan,

Mura naman yung rent. at maayus naman ang kuwarto malinis , kung sinuswerte ka nga naman.
hindi na ako nag taka kung bakit wala masyado umuupa dito basta, mura ok na sa akin yun.
sunod ang sa isip ko nun ang maghanap na ng ma-applyan para bukas.
kaya sa kinabukasan... maghapon ako naghanap. nakakapagod pero tiyaga lang ... matiyaga talaga akong tao.
kaya ng gabing iyun ... sa sobrang pagod ko ay diretso ako sa kama ko at sabay hiniga ang pagod na pagod na katawan.
pinikit ko saglit ang mata ko (para makarelax)

ng pagdilat ko napansin ko na sa may kisame ... tila may nakadikit na piraso na papel. at may nakasulat ngunit hindi ko maintindihan ang ibig sabihin.
kinuha ko iyun kahit suko na ang katawan ko pilit ko para tangalin iyun tsaka tinapon agad ... sabay bagsak at natulog ako.
ang tanging sa isip ko nun ... "parang hindi ko ata napansin na may papel dun?, hayss bahala na nga!" pagod na ako e

ayaw ko na magisip nun ng mga weird na bagay ... kaya pinalipas ko nalang,
pero mas malala pa sa inaakala ko mangyayari,
pag gising ko nakita ko ulit ang papel this time dalawa na sila!
"ANO!?"
"sino ang gumawa nito?"

bumangon agad ako na pa-inis tsaka ko pinag tatanggal ang papel sa kisame. at paglabas ko sa aking apartment sabay ko tinapon ang papel sa sa basurahan malapit sa gate.
matapos nun bigla ako nakaramdam ako na tila may nagmamatyag sakin.

Sa tapat ng apartment na tinitirhan ko may isang bahay up and down ito at sa bintana sa taas ay napansin ko na may babaeng nakatayo. sa tabi ng kurtina.
nangtitigan ko mabuti nakatingin din ito sa akin.

" a-ang weird niya." nakaramdam ako ng konting nyerbyos. at agad na umiwas ng tingin, " wala ka nalang nakita, yun isipin mo Errol" na parang tanga lang na nagsasalita magisa.

pero hindi lang pala natatapos ang bangungot na nangyayari sa buhay ko.
ang bintana na mula sa kabilang bahay ay tanaw din sa binata ng apartment ko. napansin ko ng paguwi ko nakatayo parin siya sa bintana niya. nag madali ako pumasok sa kuwarto ko.

natatanaw ko na nakatingin parin siya sakin matapos ko sumilip ng bahagya mula sa bintana ko.kahit gabi na.
kaba na ako... pero sa kabila ng pangyayaring iyun pinilit ko pa rin matulog ng maayus at kalimutang ang nangyari ngayung araw na 'to
nagtaklob ako ng kumot.

ng kinaumagahan nagulat ako, nakita ko na halos matakluban ng papel na tinadtad ang buong kisame ko.
inis at kaba ang halo ng pakiramdam ko. habang pinagpupunit at nililinis ko ang kisame ko ... at hindi ko maiwasan hindi mapansin ang babae sa bintana ... na hanggang ngaun bawat kilos ko tinitignan ako.

na babahala na ako at halos makalimutan ko na ang mga plano at mga pakay ko simula ng tumira ako sa apartment na to.
dahil sa kakaibang pangyayaring ito. na hindi na mawala sa isip ko.
pero ng isang araw ... maaga ako umuwi. bago ako pumasok sa apartment napansin ko na wala na ang babae sa bintana.
dahil doon bahagya ako nakahinga ng maluwag.

sa pag aakala ko na magiging normal ulit ang buhay ko,

ng makarating ako at papasok na sa pinto ng kuwarto ko napansin ko na nakabukas ang pinto dahil hindi gumana ang susi ko.
"nakalimutan ko ba i lock ang kuwarto?"
napalunok ako at dahan dahan pumasok sa kuwarto ko sabay binuksan ko ang ilaw.

gumibal sakin at nabitawan ko ang bag ko sa takot ...dahil nagkalat ang mga papel sa buong kuwarto ko!, sahig ,kisame, at bawat ding ding pati gamit ko!
puwera lang ang kama... napansin ko yun
lalo na tila may kaluskos... at nanggagaling iyun sa ilalim ng kama ko.

at lumuhod at at tinignan dahan dahan sa ilalim ...
tsaka napasigaw sa takot sa nakita.

Sumunod nun tumawag agad ako ng pulis...

at hinuli ang isang weirdong babae sa kasong trespassing... na nakakatakot na itsura.
payat ito at malaki mata... hindi ko ma explain ee parang mukha nya hindi kumain ng 1 taon napakaputla at mahaba ang buhok. nakita ko siya pinasok sa kotse ng pulis nakatingn parin siya sakin mula sa bintana ng backseat. nangingisay ngisay at nakanganga .. at parang may sinasabi ito sakin.

ngunit hindi ko narinig gawa ng salamin ng kotse. sabay umalis ang sasakyan.

"ok! tama na yun at least wala na siya makakatulog na ako ng maayus... pero..."(nakahinga saglit)
putol ko habang naglilinis ako ng hatinggabi sa kuwarto ko...at nasa isip ko ang naiwan ng weird na babaeng iyun na isang malaking tanong.

"bakit kaya niya ginagawa ang mga ito sa kuwarto ko?" (habang hawak ko ang papel)
ayaw ko na mag isip kung bakit , inisip ko nalang na baliw lang siya, basta
matyaga kong nilinis ko ang lahat at sinigurado kong wala nang bakas na iniwang kalat ang babaeng iyun inisip ko na makakapag pahinga na rin ako ng maayus at kalimutan ang bangungot.

na akala ko talagang tapos na...
kinabukasan iyun din sumagot sa iniwan niyang katanungan sa akin.

AYAW ko na kahit sa matiyagang taong tulad ko hindi magtitiis tumira sa apartment na iyun.
naalala ko pala ang silbi ng weird na papel na iyun. tila talisman o anting anting
mula nang nawala ang weird na babae.
palagi na ako nakakakita ng mga taong walang mukha. sa kuwarto ko.
ayun raw sa kuwento... isang pamilya daw ang pinatay sa kuwartong iyun at hindi na naresolba ang kaso.

kaya napilitan ako umalis ng alanganin sa apartment na iyun.

END  

PINOY HORROR  SHORT STORIES (Updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon