Isa siyang ordinaryong lalaki na nangangarap din na magkaroon ng maayos na buhay.
ngunit sa kasamaang palad hindi niya ito nakamit. simula nang pinanganak siya panay kamalasan ang patuloy na dumarating sa kanyang buhay hanggang sa kanyang paglaki.
pinanganak siya sa kanyang kapangitan na itsura at ang mga magulang niya ay ikinahihiya siya. wala din siyang mga kaibigan noong kabataan niya dahil nilalayuan siya o di kaya'y binubully.
at hanggang sa paghahanap ng trabaho ay hindi niya matanggap at kahit anong pagsisikap niya ay hindi siya makahanap ng disenteng trabaho.
at ang kanyang naalala bigla ang sinabi ng kanyang ina.
"kung hindi ka makahanap ng maayos na trabaho. ay magasawa ka na lang! dahil hindi ko na matiis na palamunin ka habang buhay! kay lalaking tao talaga naman kahit kailan ka WALANG SILBI!"
at iyon nga ang ginawa ng lalaki,balak manligaw siya sa isang babae. at niyaya niya itong makipag date sa isang restaurant.
(long silence)
tinitignan ng lalaki ang dalaga habang ang babae ay nakatuon lang ang attensyon nito sa kanyang phone. Samantalang ang lalaki ay sobrang natotorpe at halos hindi makapagsalita sa sobrang hiya lalo na nakaharap siya sa isang sexy at magandang dalaga. (kikay type)
"Uhm?... uh?" sabi ng lalaki na sinusubukan kumuha ng lakas ng loob makapagsalita dahil 1st time niya manligaw.
ngunit hindi parin siya pinapansin ng babae sa kanyang harapan. dahil abalang abala ito nakikipag-chat gamit ang kanyang phone,
"uhm Miss..."
"What?! puwede bang magsalita ka nalang? naririnig naman kita eh." agad na sabi ng dalaga. na tila nasisimula nang mairita.
"I-I'm sorry ka-kase... gusto kong malaman kung ano ang gusto mo? ako kasi mahilig akong magbasa ng mga libro. ito nga ohh ipakita ko sana saiyo ang isa sa libro na nabasa ko na at..."
"...Hey! Hey! look in case your forget. nasa resto tayo di ba? at wala tayo sa library. and also don't give a damn thing like that! you freaking geek. dahil hindi ako nagbabasa ng mga libro! UGH! so boooring! Oops! I didn't mean that. sorry gotta go now... bye!" (rolls eyes) sabi ng babae sabay tumayo siya sa kanyang kinauupuan at agad na umalis.
"T-teka Miss ... I." sabi ng lalaki na balak niya sanang pigilan ang babae ngunit natigilan siya. dahil nakalabas na ito sa resto.
umupo nalang siya mag isa sa resto, naginom ng beer at nanatili hanggang sa inabot na siya ng gabi (closing hours)
"I'm sorry sir, pero magsasara na po kami." ani ng isang waiter na ginigising siya.
umalis din siya sa resto at naglalakad na sawi dahil mas malakas parin ang tama at sakit na nararamdaman niya kaysa sa tama ng inunom niyang alak.
habang inaalala ang lahat at sinasariwa ang mga paghihirap niya simula ng pinanganak niya. maluha luha siya at unti-unti nawawalan ng pagasa. hanggang sa naisipan niya na magpakamatay.
Habang patuloy sa kanyang paglalakad nakarating siya sa isang tulay kung saan walang masayadong tao at sasakyang dumadaan lalo na kapag gabi.at tumigil siya tsaka tumingin sa ibaba ng tulay at wala siyang makita sa ibaba kung di ang kadiliman sa kawalan. at handa na rin siyang tumalon ngunit, bigla nalang siya natigilan matapos makaramdam ng kakaibang lamig mula sa ihip ng hangin banda sa kanyang likuran.
Agad siyang lumingon patalikod at nakita niya ang isang matandang babae na ang suot ang halos punit na punit na damit at may kalumaan. kasabay nun ang paghawi ng mga ulap sa kabila ng kadiliman kung saan natatakpan ang liwanag mula sa bilog na buwan. umanilag bahagya ang ilaw at liwanag ito sa matanda na sobrang kulubot ang mukha nito at nakangiti sa kanya.

BINABASA MO ANG
PINOY HORROR SHORT STORIES (Updated)
TerrorTAGALOG here's an another short story that creep the hell out of you... a stories ever told, related from work,school and home. as the midnight falls. [NEW COMPILATION OF DIFFERENT STORIES IN EVERY PARTS] Written by: Ms.Black [T/N: GUYS , SOME OF T...