Si Ivan ay isang pilosopo, makulit, mabait, pero sa ibang tao may pagka suplado at maraming nagkakagusto sakanya ng mga babae sa barrio nila, ganun din namn si lalaine ag magandang babae sa lugar nila halos perfect match nga ei ng dahil sa isang malungkot n pangyayare na iyun ang nakapaghiwalay sakanila...
Si Ivan At si Lalaine ay mag kaibigan , mula pagkabata at sa isang probinsya sila lumaki, at halos sila lmg plage ang mgkaksama, noong bata pa sila...
nangako sila sa isa't isa na hinde maghihiwalay...isang araw naglalaro sila, "Ivan promise mo ahh , wlang iwanan!" (may taling tela na kulay pula sa hinliliit niya)
"Anu ka ba lala? anu ba yang pauso mo?, anu ba ang ibig sabihin ng taling iyan?"
sabay sumimangot si Lalaine...
"O siya, siya, sige na kung hinde lang kita bestfriend eh, anu bang ibig sabihin yan?"
"Ito (ngumiti) ang tanda ng pangako sabi ng lolo ko , ito pa nga oh meron ka rin, (sabay itinali rin ni Lalaine ang tela sa hinliliit ni Ivan) "
"ahh ganun ba syempre naman PROMISE KO YAN SAYO hinde tayo maghihiwalay, palage tayong magkasama..."
"talaga!!"
"oo, malakas ka sakin lala " (ngumiti sinabi)
"ikaw rin!!! (sabay niyakap niya si Ivan)"
nabigla si Ivan kay lalaine "ok n huy , puwede mo na akong bitwan hinde ako makahinga, Oa m namn , kung makayakap ka parang hinde na tayo magkita ei"
"ito naman wala namang basagan ng moments" tawa ni Lalaine "basta bff tau ahh"
"oo na ang kulit mooo!!!! " (pangigil ni Ivan).
at MAKALIPAS NG 20 TAON lumaki ang dalawa,
at hinde rin nagtagal naging magkasintahan... at yun ang ikinainggit ng iba sakanila perfect couple sila,
at palageng nadalaw sa bahay ni lalaine si Ivan hanggng isang araw,
nagkaroon ng isang malaking problema, ng dahil sa kahirapan at baon sa utang nagpasya ang ama ni Lalaine n ipakasal sa isang mayaman n heredero n si Hector , at siya rin ay lihim na umiibig kay lalaine simula ng nagbakasyon ito sa probinsya ng una niyang nakilala si lalaine na agad na bighani sa kagandahan ng dalaga...
"Inay! ayoko magpakasal kay Hector hinde ko siya mahal! si Ivan mahal ko!"
"wala na tayo magagawa ayaw man namin ng ama mo , ito na lang ang paraan, dahil kung hinde tayo magbabayad ng utang nila kukunin nila ang lupa natin!" ng iyak ng ina."patawad anak."
"Ayoko ko!!!, hinde niyo ako mapipilit sa gusto niyo"
"Anak patawarin mo ako ng ikaw ang naging dahilan ng bayad sa utang ko, isipn mo nalang para samin ito ng mama mo o sana maintindihan mo para rin namn ito sa kinabukasan mo upang maganda ang buhay mo kapag siya ang napangasawa mo!- iyun ang isipn mo" ang paliwanang ng ama.
"Mabait naman si Hector anak, at halos laki na ng tulong niya satin" sabi ng ina.
Matapos nun nagkulong sa kuwarto si Lalaine sa hinde niya matnggap ang mga nagyayari. Kaya isang araw kasama nya si Ivan nakaupo sila at nakasilong sa isang punong mangga.
"Anu ba problema m ,? kanina ka pang tulala at ang layo ng tingn mo..." ang taka ni Ivan.
"Hinde na ako magpapaligoy ligoy pa sasabihn ko ito sayo , pinipilit ako magpakasal sa iba kay don Hector hinde ko siya gusto ikaw gusto ko at bukas na bukas na rinig ko pinaguusapan nila ikakasal na ako kinabukasan! anung gagawin ntin!..."
BINABASA MO ANG
PINOY HORROR SHORT STORIES (Updated)
HorrorTAGALOG here's an another short story that creep the hell out of you... a stories ever told, related from work,school and home. as the midnight falls. [NEW COMPILATION OF DIFFERENT STORIES IN EVERY PARTS] Written by: Ms.Black [T/N: GUYS , SOME OF T...