Chapter 1: She's Coming

2.1K 89 18
                                    

Third Person's POV

Makikita sa isang bench sa garden ang isang dalagang nakaupo. May hawak itong ballpen at nakatingin sa librong nakapatong sa lapag ng naturang bench.

Si Andrea Raffit ang dalagang iyon, ang tanging anak nina Laizel at Simon Raffit, ang pinakamagagaling na X.O.S user mula sa extraordinary world, partikular sa X.O.S Academy, ang paaralan para sa mga gumamit ng kakaibang lakas o kapangyarihan.

Masipag mag-aral ang dalagang ito, pinag-aaralan nito ang mga tinalakay sa kanilang klase kaninang umaga.

Lumakas ang hangin at nabubuklat ang mga pahina ng librong kaniyang tininingnan.

Sa 'di kalayua'y biglang sumulpot ang isang matandang babae na may hawak na basket at natatakluban ang suot ng isang itim na balabal na umaabot na sa lupa. Nagmumukha itong isang matandang hukluban o mangkukulam dahil sa kaniyang kasuotan.

Naglakad ito papalapit sa kinaroroonan ng dalaga.

"Hija," sambit nito ng tuluyang makalapit.

Biglang napaharap ang dalaga at bahagyang napaiktad dahil sa gulat.

Kumuha ng isang kulay lilang prutas ang matanda sa dalang basket at iniabot sa dalaga.

"Tanggapin mo ang mansanas na ito."

Naramdaman ng dalaga na tila may kumokontrol sa kaniyang katawan.

Unti-unting umaangat ang kaniyang kanang kamay at tila aabutin ang prutas na hawak ng matanda.

"Sige, ganyan nga Andrea, tama yan," paanas na sambit ng matanda.

"Blaserr Fitrus,"

Mas lumakas ang hangin at napapayad na ang matanda. Nabitawan nito ang hawak na prutas.

"Santrixima!" (Bwiset) sambit ng matanda.

"Sino ka?" tanong naman ng babaeng dumating, ang ina ni Andrea, si Laizel Raffit.

Hindi sumagot ang matanda bagkus ay bigla na lamang itong naglaho.

Bigla namang bumalik sa normal ang dalagang si Andrea.

"Ma, anong nangyari?" tanong nito.

"Wala anak, sige na, pumasok ka na, papalubog na ang araw," tugon ng kaniyang ina.

Iniligpit na ng dalaga ang mga gamit niya at pumasok na sa kanilang tahanan.

Ang ina naman nito ay nakatingin pa rin sa pwesto ng matanda kung saan ito naglaho.

"Hindi ka na ligtas sa lugar na ito, Andrea. Panahon na siguro upang pumunta ka sa lugar kung saan mapoprotektahan ka ng maayos," sambit nito at pagkatapos ay pumasok na rin sa kanilang tahanan.

***

Nasa silid na n'ya si Andrea at nakahiga na sa kaniyang kama.

Pumasok naman ang kaniyang ina sa silid na iyon kaya napilingon siya.

"Anak," bungad nito.

"Hmmm...,"

"Bukas, pupunta tayo ng bagong school, kasi sa isang linggo do'n ka na mag-aaral,"

"Ha? Bakit naman po?"

"Dahil mas madami kang matutunan sa paaralang 'yo'n"

"Pero okay lang naman po ako sa school ko ngayon ah, madami rin naman po akong natutunan,"

"Balita ko marami daw bumubully sa'yo sa school mo ngayon, wag kang mag-alala maganda do'n sa lilipatan mo, sige na matulog kana, bukas pupunta na tayo sa bagong school mo, okay?"

"Okay," sagot na lamang ng dalaga.

Lumabas na ang kaniyang ina at natulog na siya.

Sa kalagitnaan ng gabi'y bumangon si Laizel, naglakad ito papunta sa silid ng kaniyang anak, nang makarating siya sa tapat ng pinto nito ay dahan-dahang pinihit ang door knob at pumasok.

May inilabas itong patpat ng makalapit sa kaniyang anak, tinatawag na power wand ang patpat na iyon.

Itinapat ng ginang ang patpat na iyon sa ulo ni Andrea at sinambit ang mga katagang

"Dleflexis Staminatie,"

Isa iyong mahigawang kataga na magdadala sa paniginip ng dalaga sa lugar kung nasaan ang portal papasok sa extraordinary world.

Itinapat din ng ginang ang patpat sa kaniyang ulo at muling sinambit ang katagang iyon, sa ganoong paraan masasamahan n'ya ang kaniyang anak upang makapunta sa extraordinary world at sa X.O.S Academy.

Tulog ang kanilang pisikal na katawan ngunit ang kanilang diwa ay magkasamang naglalakbay papunta sa lugar na iyon.

Mawawala ang katawan nila sa ordinaryong mundo at sasama na ito sa kanilang diwa sa oras na makapasok na sila sa extraordinary world.

***

Nadatnan ng diwa ni Laizel ang diwa ni Andrea sa isang kakahuyan na malapit sa isang bangin na may hanging bridge. Ang tulay na iyon ang nagsisilbing daan upang makatawid sa kabilang dako ng bangin.

Nakatayo lamang doon ang diwa ni Andrea at nakatitig sa kaniyang ina.

"Ma, nasa'n tayo?" tanong ng dalaga.

"Nasa isang panaginip tayo, ang panaginip na ito ang magiging daan upang makarating tayo sa bagong paaralan na iyong papasukan," sagot naman ng ginang.

Bahagyang kumunot ang noo ng dalaga dahil sa isinagot ng kaniyang ina, tila hindi ito maiproseso ng maayos ng kaniyang utak.

"Alam kong naguguluhan ka pero darating din ang araw na masasanay ka at maiintindihan ang lahat,"

"Sumunod ka na sa akin, Andrea," dagdag ng ginang at naglakad na sa hanging bridge.

Nang makarating sa kabilang dako ng bangin ang ginang ay humakbang na rin ang dalagang si Andrea sa tulay na iyon.

Naguguluhanan pa rin siya at hindi namaipokus ang atensyon sa pagtawid, ito ang naging dahilan ng unti-unting pagkasira ng tulay na iyon hanggang sa hindi niya napansin na malapit na s'yang maabutan ng pagkasira nito.

Naalerto lamang s'ya ng maramdamang tila malalaglag s'ya.

Tumakbo s'ya ng mabilis upang marating ang kabilang dulo ngunit tuluyan ng nasira ang tulay.

Sumigaw siya ng sumigaw ng tuluyan s'yang malalag. Nasa ere s'ya at bumubulusok paibaba. Kahit diwa lamang niya ito ay nakararamdam siya ng pagkahilo.

"Fley Flis,"

👌
Let me know if your enjoying the story by voting and through sharing your thoughts on the comment section!

Enjoy Reading!

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon