Chapter 24: Gilbert Roosflix

299 18 1
                                    

Andrea's POV

"Patayin ako? Para hindi matupad ang propesiya, ano bang nangyayari dito?"

Napalingon sila sa'king dalawa dahil sa pagpasok at pagtatanong ko.

"Ms. Raffit, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Principal Climbdow pero hindi ko 'yo'n sinagot.

"Anong nangyayari dito! Bakit may balak na pumatay sa akin?" sigaw ko dahil sa pagkainis.

"Ms. Raffit, calm down," saway ni madam Cynthia.

"Sagutin n'yo ang tanong ko!" sigaw kong muli at sa pagkakataong ito ay sobrang naiinis na ako.

Biglang nagyelo ang sahig ng silid na ito at humangin ng sobrang lakas, pero pakiramdam ko ay sobrang init. Maya-maya pa ay nagkaroon ng apoy sa paligid ng aking katawan.

"Sa-sa-sarina, ang mga kapangyarihan n'ya, inilalabas n'ya ng hindi pa alam kung paano kontrolin."

"Ms. Raffit, please calm down, sasabihin ko na sa'yo ang katotohanan," bumuntong hiniga muna si Principal Climbdow bago magpatuloy.

"Ito na rin siguro ang tamang panahon para malaman mo ang lahat,"

Huminto ulit s'ya at humarap kay madam Cynthia, kinuha naman ni madam Cynthia ang bolang kristal n'ya at nag cast ng spell, may lumabas do'n na parang video, 'yo'n 'yo'ng nasa library ako at binabasa ang librong 'The Prophecy'. Binabasa ko sa libro na 'yo'n 'yo'ng mga nakasulat do'n. Pinapaalala lang sa akin ng bolang kristal na 'yan ang mga bagay na natuklasan ko noon. Na ako ang magiging dahilan ng pagkasira ng mundong ito.

Matapos kong mabasa ang tungkol doon noon ay umalis na rin agad ako, pero ang hindi ko alam ay kasabay ng pag-aalis ko ay ang pagkahulog ng walang buhay na katawan ng dating librarian, ipinakita rin ng bolang kristal ang pagbabago ng nakasulat sa librong 'The Prophecy'.

'La mere scala et ponder de eser X.O.S, Simon et Laizel Raffit al me er offe sprang de menar al conner matt esmro ornerya wondra delar Vester.'

'Yan ang mga katagang napalit sa nakasulat sa librong yo'n.

"Ang nabasa mong propesiya noon ay peke lamang, ang totoong nakasaad sa propesiyang iyon ay ikaw ang nakatakdang magligtas sa mundong ito laban sa mga masasamang Vestarian." paliwanag ni principal Climbdow.

"Bakit naman ako gustong patayin ng sinasabi n'yong Gilbert?"

"Dahil naka--"

Biglang sumakit ang ulo ko at nawala rin ang apoy na nakapaligid sa aking katawan, maging ang yelo sa sahig. Huminto rin ang malakas na hangin at dumilim ang buong paligid.

- - - - - -

Third Person's POV

Nawalan ng malay si Andrea dahil sa labis na enerhiyang nawala sa kanya dahil sa pagpapalabas ng sobra-sobrang kapangyarihan.

Agad na pinahinto ng punong guro ang oras upang makapitan ang katawan ni Andrea bago pa ito bumagsak sa sahig.

Muli nitong pinaandar ang oras at ipinatawag sa orakulong si Cynthia ang ilang mga gwardya at ipinag-utos din sa kanya na sabihing pigilang umalis si James dahil nasisiguro ng punong guro na maraming Vestarian ang nakapaligid sa X.O.S Academy maging sa bayan ng Certania (ang bayang sumasakop sa X.O.S Academy) upang maghasik ng lagim. Isa pa kailangan mapigilan ang binata dahil sa isang bagay na nakumpirma ng punong guro.

Ngunit tila huli na, nakalabas na ng tarangkahan ng akademya ang binata, kasalukuyan nitong tinatahak ang daan papunta sa bayan ng Certania ngunit biglang may humarang sa kanya.

Nakasuot ito ng itim na balabal at may dalang basket.

Ang matandang hukluban.

"Saan ka patutungo iho?" malumanay at tila nangyayamot na tanong nito sa binata.

"Ah, alam ko na, pupunta ka na sa inyong tahanan dahil pinalayas ka na sa Academy, tama ba?" dugtong nito ngunit parang walang naririnig ang binata.

Pasimple nitong kinuha ang kaniyang power wand na nakasingit sa kaniyang baywang.

"Bakit hindi ka na lang umanib sa akin? Ayaw na nila sa'yo, ginamit ka lang nila para makita ang itinakda,"

"Tumigil ka!" sigaw ng binata.

Napangiti naman ang matandang hukluban dahil sa ipinapakitang tapang ng binata kahit alam nitong wala siyang laban sa kaniya.

"Aalis na ako Professor Limetre, nagmamadali ako," dugtong ng binata.

"Hahaha, kilala mo na pala kung sino talaga ako," sagot nito at biglang nagbago ang anyo. Ang anyo ni ng propesor na si Albert Limetre.

"Magaling at hindi magaling," makahulugang sambit nito at muling nagpalit ng anyo. Naging isang matangkad at nakakatakot na lalaki ito.

"Gilbert Roosflix?" hindi makapaniwalang tanong ng binata.

"Ako nga, ang dati at kasalukuyang pinuno ng mga Vestarian," sagot nito.

"Bakit ka nagpapalit ng ibang anyo ng X.O.S user, hindi ba't mahipigpit na ipinagbabawal na gawin ang bagay na 'yan"?

"Bakit, anong gusto mo? Sundin ko ang mga patakaran n'yo? Ako ang dapat masunod at ako ang dapat na mamuno sa buong extraordinary world kaya't umanib ka na sa akin,"

"Hindi ako aanib sa'yo," madiing sambit ng binata at mabilis na itinapat ang power wand sa itaas.

"Vifr Safriley,"

Unti-unting nabuo ang isang ice vortex at umikot ito ng napakabilis, kapagdaka'y huminto ito sa pag-ikot at nagkaroon ng matutulis na yelo sa bawat gilid.

Napangiti ang pinuno ng mga Vestarian dahil sa iniisip n'yang kabaliwan ang ipinakikita ng binata.

"Hindi mo ba alam bata?...," putol na sambit nito.

Naramdaman ng binata na parang may kumokontrol sa kanyang kamay maging sa buo niyang katawan. Unti-unti n'yang itinututok sa sarili ang power wand, pinipigilan n'ya ito pero hindi n'ya makaya.

"... na isa akong body manipulator at mind controller?" pagtatapos ng pinuno ng mga Vestarian sa kaniyang sinasabi.

Kasabay nito ay ang tuluyang pagkakatutok ng power wand sa sarili ng binata at bumulusok ang matutulis na yelo sa pwesto ng binata at tumusok ito sa katawan nito na s'yang naging dahilan ng mabilisang pagbagsak nito sa lupa.

"Sayang ang lakas at tapang mo bata, kung umanib ka sana sa akin hindi ka magkakaganyan," sambit ng walang awang pinuno ng mga Vestarian habang nakatitig sa nakahandusay na katawan ng binata sa lupa.

May kumaluskos sa isang puno malapit sa lugar na iyon, nakinig iyon ni Gilbert ngunit hindi niya pinansin. Naglaho ito at pinabayaan ang nakahandusay na katawan ni James sa lupa.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon