Andrea's POV
Napaurong si Gilbert. Tiningnan nito ng masama si madam Cynthia.
"H-hindi ko akalaing ginamit mo lang ako, pinatay mo ang tunay na ako at ipinagkait mo sakin ang mabuhay ng payapa kasama ang anak ko. Napakasama mo at ako naman itong si tanga na hindi man lang naramdaman na anak ko talaga si Andrea," napailing ito, nababasa ko sa mga mata nya ang pagkadismaya sa kanyang sarili.
"Pareho lang tayong masama Gilbert, hindi mo naramdamang anak mo si Andrea dahil binubulag ka ng galit mo at tama lang iyon. Hayaan mong ang galit ang maghari sayo. Sige na Gilbert, tapusin mo na ito,"
She's crazy. She really is.
"Mali ang lahat ng ito at kailangan ko itong itama,"
"Hindi ako makakapayag!" sigaw ni madam Cynthia. Kumawala ito sa akin at agad na inagaw ang espadang hawak ko.
Mabilis nya iyong nakuha dahil sa labis labis na sakit na nararamdaman ko na syang nagpapahina sa akin. Sinubukan kong agawin ang espada pero huli na ang lahat. Mabilis syang nakalapit kay Gilbert at sinaksak ito sa dibdib. Ni hindi nagawang umilag ni Gilbert dahil sa pagkagulat. Maging si mama at si Principal Climbdow ay walang nagawa dahil rin sa pagkagulat. Mabilis na umagos sa dibdib ni Gilbert ang dugo.
Sa loob lang ng isang gabi ay dalawang mahalagang tao ang nawala sa akin. Hindi man niya na iparamdam sa akin na ama ko sya at wala man kaming magandang pagsasama ay hindi iyon dahilan para hindi madagdagan ang sakit na aking dinaramdam lalo pa ngayong alam ko ng biktima lang din sya.
Napakasama mo Anastasia, ipinagkait mo na nga saking makagisnan ang tunay kong mga magulang ay nagawa mo pa ngayong alisin ang pagkakataong makasama ko ang tunay kong ama at ang pagkakataong makabawi sya sa akin.
Gustuhin ko mang isigaw yun kay madam Cynthia ay hindi ko na magawa dahil pakiramdam ko ay ubos na ang lahat ng lakas na meron ako at kahit pagbulong lang ay magiging dahilan na ng pagbigay ng aking katawan.
"Tama si Sarina, may paraan pa para mabawi sayo ang kapangyarihan ng itinakda, ang patayin ka. Pero hindi mo ibabalik kay Andrea ang kapangyarihan niya, sambitin mo ang mahihiwagang kataga, ipasa mo sakin ang kapangyarihan!" mariing sigaw nya kay Gilbert.
Nahihirapan man ay pinilit magsalita ng huli."S-sapat na ang lahat ng nagawa kong pagkakamali, at hindi na ako gagawa ng isa pa," sambit ni Gilbert.
"Na mi'esa vera, du've alfeu Andrea.
Deixar lieven lena ve'mis James,"Lumalabas na mula sa bibig nito ang dugo ngunit pilit pa rin nitong inusal ang mga kakaibang salita na iyon. Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya tanging mga pangalan lang namin ni James ang alam ko don.
"Hindi! Hindi mo maaaring ibalik sa kanya ang kapangyarihan nya! Bawiin mo ang sinabi mo!" nagsumigaw si madam Cynthia pero hindi nya nakuha ang atensyon ni Gilbert.
Tinitigan ako ni Gilbert, namuo ang luha sa kanyang mga mata.
"Sana ay mapatawad mo ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko Andrea, anak."Nakita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata bago sya tuluyang bumagsak sa sahig.
'Pinapatawad na kita' sambit ko ngunit walang boses ang lumabas sa aking bibig.
Umangat mula sa dibdib nya ang kulay pulang liwanag at unti-unting nabuo ang simbolo. Tumapat sa akin ang simbolo, ang hugis bilog na may roong hugis tatsulok sa loob. Dahan-dahan itong bumaba. Nasa gitna na ako ng hugis trianggulo at naramdan ko ang unti-unting pagpasok sa aking katawan ng kakaibang enerhiya. Bumalik na ang extraordinary strengths ko.
Muling umangat ang simbolo, tumingala ako at umasang muli iyong gagalaw at pupunta sa direksyon ni James para ibalik ang buhay nito.
Hindi ko man naintindihan ang mga kakaibang salitang inusal ni Gilbert kanina na karugtong ang pangalan ni James ay sigurado akong para iyon sa kanya, para iligtas sya, para muli syang mabuhay. Or I was just assuming? Nanginig ang tuhod ko. Is he really leaving me? Iiwan na ba talaga nya ako?
BINABASA MO ANG
X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)
FantasyDo you want to study in X.O.S Academy? An academy in an extraordinary world? A world that no one think exist. A world where you are obliged to play an important role? An important role where you need to kill an evil and greed person to give piece an...