James' POV
Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang humarang sa akin. Isang lizarakegon. Nanlilisik ang mga mata nito at nakalabas ang mga pangil.
Bigla itong nagpakawala ng isang fire ball mula sa bibig kaya agad akong tumalon pataas pero hindi ko inaasahan na sesegundahan nito ang kaniyang pag-atake. Muli itong nagpakawala ng fire ball na direkta sa direksyon ko. Dahil nasa ere ako hindi ko magawang umiwas, nagmamadali akong kinuha ang aking power wand.
"Ice Wevelium."
Nagliwanag ang dulo ng power wand ko at nakita ko na lang na na repel ng ice wave na ginawa ko yung fire ball nung lizarakegon.
"Ice Bellarium."
Agad kong sinundan ang atake ko ng lumapag na ako sa lupa.
I released an ice ball directly to it's head. Masyadong mabilis ang lizarakegon kaya sa puno lamang tumama ang ice ball na ginawa ko.
Hindi ko inaasahan na susugod ito sa akin at magbabadyang sakmalin ang aking ulo, nakaiwas ako pero nakagat naman nito ang paa ko, napangiwi ako dahil sa sakit. Hinawakan kung maigi ang power wand ko at inipon ang buo kong lakas.
"Ice Wevelium"
Tumama ang ice wave dun sa lizarakegon kaya napabitaw ito sa pagkagat sa aking paa at tumalsik.
Umaagos ang dugo mula sa aking paa pero hindi ko ito ininda.
Tumayo ako at agad na sinugod ang lizarakegon na kakatama lang sa isang malaking puno.
Sinugod ko ito habang pinapatamaan ng mga ice spike.
Bumabagsak lamang ang mga ice spike sa lupa dahil sa makapal na balat nito, pero habang papalapit ako ng papalapit unti-unti itong bumabaon sa katawan ng lizarakegon hanggang sa tuluyan nang bumaon ang isang ice spike sa katawan nito at parang bumaon din ang dulo nun sa puno.
Napaungol ito.
Humarap pa ito sa akin at sinusubukang magpakawala ng fire ball pero binawian na ito ng hininga dahil sa sunod-sunod na pag-atake ko.
Napa-upo ako sa lupa dahil sa pagod.
Hindi pa ako sanay na makipaglaban kahit pa masyado nang advance ang mga spell na pinag-aaralan at nagagamit ko.
Advance na ang mga spell na pinag-aaralan ko pero hindi iyon itinuturo ng mga professor sa akin, ako mismo ang nagreresearch para doon. Bakit ko yun ginagawa? Simple lang, gusto kung protektahan at ipagtanggol ang mga taong malapit sa akin, lalong lalo na si... Andrea.
Tumayo na ako dahil malapit ng lumubog ang araw. Naglakad ako, masakit ang aking paa pero ayokong iinda yun.
Maya-maya pa'y nakita ko ang batis na nagtataglay ng crystal water, meron doong makikitang tubig na maaaring inumin kaya lumapit ako dun.
Umupo ako at ipinansadlok ang aking dalawang kamay ng tubig at ininum yun.
Sumadlok pa ako ng tubig, iinumin ko na sana ang tubig subalit naagaw ang atensyon ko nang mapatingin ako sa gitna ng batis. May roong isang magandang sirena na nakaupo sa malaking bato at natatamaan ito ng liwanag mula sa papalubog na araw.
Shit! Ang ganda n'ya.
I don't know pero bigla na lang akong tumayo at naglangoy papalapit sa sirena.
Hinawakan nito ang aking pisngi ng makalapit ako sa kanya.
Tinitigan ang aking mata at bigla akong hinalikan.
Shit! Hindi 'to pwedeng mangyari.
Nakaramdam ako ng pagkahilo.
Inilubog ako nito sa ilalim ng tubig.
BINABASA MO ANG
X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)
FantasyDo you want to study in X.O.S Academy? An academy in an extraordinary world? A world that no one think exist. A world where you are obliged to play an important role? An important role where you need to kill an evil and greed person to give piece an...