Chapter 45: Captured

174 9 0
                                    

Andrea's POV

"Nandito na sya," sambit ni principal Climbdow ng makita nya akong pumasok.

Nandito ako ngayon sa principal's office, gusto raw akong makita ng X.O.S council.

"Have a seat, Andrea," utos sakin ng isang lalaking naka-tuxedo.

Pinagmasdan ko ito bago ako maupo. Pormal na pormal syang tingnan at nag-uumapaw ang autoeidad sa kanyang aura. Sa tingin ko ay nasa mid-40's na ang edad nya, ngunit matipuno pa rin syang tingnan.

Sunod kong pinagmasdan ang dalawa pa nyang kasama. Isa pang lalaki at isang babae na sa tingin ko'y hindi nalalayo ang edad sa kaniya. There also wearing formal suits and just like the man who ordered me to sit, their aura were also oozing with great authority.

"Ah, of course, magpapakilala kami," saad ng babae nang mapansin nyang pinagmamasdan ko sila.

"I'm Sabrina Climbdow - Morfil, X.O.S council body from Arclyd clan and Sarina's younger sister," pagpapakilala ng babae. Kaya pala kahawig nya si principal Climbdow.

"Ako po si An-"

"No need to introduce yourself, kilala ka namin,"

Hindi ko na natapos ang pagpapakilala ko ng sabihin iyon ng lalaking nag-utos sa aking umupo.

"I am Nathaniel Valler, X.O.S council body from Colere clan," pagpapakilala niya.

"And I'm Xandro Armstrong, X.O.S council body from Zeyal clan," pagpapakilala nung isa pang lalaki.

Tumango ako sa kanila bilang paggalang.

"Naparito kami dahil we've been hearing a lot about you Andrea, lot of things happened at ngayon ay nakuha pa ng mga Vestarian ang La Levre Howe de Prix Mena Esmro Ornerya Pon Setre ('How To Get Her Extraordinary Strengths and Powers' book.)" saad ni Mr. Valler.

"And we're so worried, baka kung ano ang gawin ng mga Vestarian. You're not secure and safe here anymore," dagdag ni Mrs. Morfil sabay tingin kay principal Climbdow.

Napayuko na lang si principal Climbdow. Marahil ito ang sinisisi nila dahil ito ang may obligasyon sa seguridad at kaligtasan ko dito sa Academy.

"Wala pong kasalanan si Principal Climbdow," kusa iyong lumabas sa aking bibig.

"Hindi naman namin sinisisi si Sarina, hija. Sadyang lumalakas lang ang pwersa ng mga Vestarian kaya napagdesisyonan namin na isama ka sa X.O.S Council Edifice, to give you higher security and safety. Isa pa we need to asses your capability and teach you everything that you should learn," paliwanag ni Mr. Armstrong.

"You need to be well prepared Andrea because sooner sayo aasa ang lahat para sa kaligtasan ng mundong ito," pagtatapos ni Mrs. Morfil.

It was a thorough responsibility. Naaalala ko pa noon, nong nasa normal na mundo pa lang ako, nong normal pa ang takbo ng buhay ko, hindi ganito kabigat ang obligasyon ko. Pakiramdam ko ngayon ay sa akin naka-atang ang lahat ng problema ng mundong ito. Napakabigat niyon ngunit kailangan kong iaangat. Importante ang papel na ginagampanan ko sa mundong ito at hindi ako dapat mabigo, hindi ako maaaring mabigo pero pakiramdam ko hindi ko kakayanin kung ako lang mag-isa.

Napahinto ako sa pag-iisip nang biglang huminto ang sasakyan namin. Nasa kalagitnaan na kami ng aming lakbayin patungo sa X.O.S Council Edifice. Bumaba ang mga royal guards at tiningnan kung ano ang nangyayari. Bumaba na rin ang tatlong X.O.S council body at sumunod na rin ako.

"Howe eta mia la cuncilla X.O.S?" (Kumusta kayo, konseyo ng X.O.S?) hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay narinig ko na ang pamilyar na boses na iyon.

"Sandra, Sandra Smith?" gulat na tanong ko ng tuluyan na akong makababa.

Umuusok at may apoy pa ang unahan ng aming sasakyan at tiyak akong siya ang may kagagawan niyon.

"Protektahan ang itinakda," utos ni Mrs. Morfil na agad namang tinalima ng mga royal guards.

Pinalibutan ako ng mga ito.

"Anong kailangan mo Sandra?" tanong ni Mr. Valler.

"Kinukumusta ko lang kayo, bwahahaha," nakaka-insultong sagot ni Sandra at pagkadaka'y nagpalipad ng bumubulosok na apoy patungo sa tatlong X.O.S council body.

Agad namang inilabas ng tatlo ang kanilang power wand at sinangga ang atake ni Sandra.

"This is a serious act of discourtesy, Sandra!" galit na sambit ni Mr. Valler.

"I don't care Mr. Valler, just to remind you, we were not under your rule, not anymore," pauyam na sagot nito saka nagcast ng spell.

"Sentarium Rudellium,"

Unti-unting nagkaroon ng isang malaking fire ball na mayroong black fire bomb sa loob.

Mabilis yo'ng bumulusok papunta sa tatlong X.O.S counsil body ngunit maibilis lamang iyong naiwaksi ng tatlo.

"We?" nagtatakang tanong ni Mrs. Morfil.

"Yes, we," sagot ni Sandra at kasabay niyon ay ang biglaang pagsulpot ng napakaraming Vestarian.

Hinanap ko mga Vestarian na iyon si Gilbert pero hindi ito nakita. Hindi nila kasama si Gilbert. Katakataka.

Nawala sa akin ang atensyon ng mga royal guard nang mag simulang umatake ang mga Vestarian.

Nakipaglaban sila. Sa kabila ng matinding labanan ay may nakita ako sa aking peripheral vision. Si mama.

Agad akong sumunod sa tinatakbuhan niyang gubat.

"Ma," pagtawag ko.

"Mama," muli kong pagtawag.

Hindi ko na sya makita.

"Andrea, anak,"

Narinig ko ang kaniyang boses pero hindi ko pa rin sya makita. Sinundan ko ang direksyong pinagmulan ng boses nya. Nagulat na lang ako ng makita ko syang nakadapa sa lupa.

Bumuhos ang ulan, napakalakas.

Agad na naging maputik ang lupa.

Lumapit ako sa kanya at inalalayan syang tumayo. Miss na miss ko na sya. Ilang buwan na rin ang nagdaan ng huli ko syang makita. Ni hindi ko sya nakasama nong pasko at nong bagong taon. Hinanap namin sya dahil alam kong nasa panganib sya. Tiningnan ko sya, pinagmasdan. Mukha namang ayos ang itsura nya. Dapat ay masaya ako dahil nasa ayos lang sya pera lubhang nakapagtataka, gayunpama'y niyakap ko siya ng mahigpit. Sandali akong nakiramdam, hindi ko maramdaman ang saya, hindi nawawala ang pananabik ko sa kanya gayong narito na sya at yakap yakap ko. Bumitaw ako sa pagkakayakap.

"Sino ka?" hindi ko inaasahang itatanong ko iyon.

"Anak," sambit nya. Kakaiba ang pagkakasabi niya noon.

Hindi ko mawari.

"Anak," muli ay sambit nya ngunit hindi niya iyon boses.

"Gilbert?"

Agad akong lumayo. Nag-iba ang kanyang anyo.

Tama ako. Si Gilbert nga.

Agad kong kinuha ang power wand ko at itinutok sa kanya pero bago pa man ako makapagcast ng spell ay naunahan na niya ako.

"Miesa," sambit nya kasabay ng pagkawala ng aking malay.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon