Andrea's POV
Tatlong araw na ang nakalilipas simula nung mapadpad kami dito sa Urettia.
Hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si Rose.
Sinubukan na rin ni Ella na maghanap ng halamang gamot pero wala din s'yang makita.
Bakit kasi hindi pumasok sa isip ko na magpatulong kay Vedal? Magagamot siguro n'ya si Rose at kung hindi man baka matulungan n'ya kaming makahanap ng gamot.
Naging alert ako nung may napansin akong paggalaw dun sa mga tuyot na halaman malapit dito sa pwesto namin.
Tulog si Ella at ayaw kong bulabugin s'ya kaya kaylangan kong lakasan ang loob ko para tingnan yun.
Tumayo ako at lumapit doon, hinawi ko agad yung mga tuyot na halaman at bumungad sa harapan ko ang isang maliit na hayop, kulay grey yoon at parang oso, definitely it's a Koala bear. Mukhang hindi naman s'ya masamang creature.
Bumalik ako dun sa puno, kailangan ko nang gisingin si Ella para makasiguradong hindi talaga masama o mabangis yung koala na yun.
"Ella, Ella, gising."
Nagmulat s'ya nang mata pagkatapos ay kinusot-kusot n'ya yun.
"Hmmm... Bakit?" tanong niya.
"May koala bear dun oh." sambit ko pagkatapos tinuro ko yung pwesto nung koala.
"Ha, talaga?" parang gulat na gulat na tanong ni Ella.
"Oo, tara, halika." sagot ko pagkatapos hinatak ko s'ya papunta dun sa koala.
Hinawi ko ulit yung mga tuyot na halaman nung makalapit kami do'n.
Nakita naman n'ya yung koala kaya agad ko siyang tinanong.
"Ella, hindi ba nagiging mabangis na creature yan?"
"I think that's a natural koala kaya hindi yan nagiging mabangis na creature."
"Ibig mo bang sabihin may unnatural koala at yun ang mababangis?" tanong ko ulit.
"Bingo! You've exactly got it right. But by the way kung may natural koala dito, ibig sabihin may mga buhay na halaman pa rin dito sa Urettia." paghihinuha ni Ella.
Napansin ko namang tumalikod yung koala at naglakad ng kaunti pero huminto ulit yun at humarap sa amin.
"Ella, look." sambit ko sabay turo don sa koala.
Tumingin naman agad s'ya dun sa direksyon nung koala.
"Parang gusto n'yang sumunod tayo sa kanya." sambit ko ulit.
"Pero hindi natin pwedeng iwanan si Rose at hindi rin naman pwedeng ikaw mag-isa ang sumunod d'yan sa koala." saad naman ni Ella.
"Ah... alam ko na." dugtong n'ya pagkatapos inilabas n'ya yung power wand n'ya at itinapat dun sa pwesto ni Rose.
"Soleria Coverra."
Nagkaroon ng lupang nakapalibot sa paligid ni Rose hanggang sa di ko na s'ya nakita.
"Sigurado ka bang wala nang mangyayaring masama kay Rose?" tanong ko naman kay Ella.
"Traperia" pagcast n'ya ng spell imbis na sagutin yung tanong ko.
Pagkatapos n'yang icast yon, bigla na lang nagkaroon ng napakalalim na hukay sa paligid nung puno na kinaroroonan ni Rose tapos nagkaroon yun ng manipis na lupang taklob at mga tuyong dahon.
Sa tingin ko 'pag may umapak don na kahit sobrang gaan na hayop ay malalaglag yun don.
Nagcast pa s'ya nang isang spell tapos nagkaroon ng mga matutulis na lupa don sa nakacover na lupa kay Rose.
"Let's go." sambit ni Ella.
Sumunod kami ng sumunod do'n sa koala at naglakad ng sobrang layo hanggang sa lumusot sa masukal na puro tuyot na halaman yung koala.
"Andrea, ikaw naman ang magpailaw ng palad mo... eerrr... hintuturo pala." sambit ni Ella pagkatapos pinatay na n'ya yung ilaw sa palad n'ya at hinawi yung mga tuyong halaman na nakaharang.
Agad kong pinailaw yung hintuturo ko at tinanlawan si Ella.
Lumusot na sya don sa hinawi n'yang mga tuyong halaman kaya sumunod na ako agad.
Wow... a tree with a lot of fireflies.
Hindi s'ya yung puno na katulad nung nakikita ko simula noong napadpad kami dito sa Urettia kundi yung puno na buhay na buhay, kulay berde ang dahon at sumasayaw dahil sa ihip ng hangin.
Hindi lang isa yung buhay na puno na yun kundi marami, pati yung mga halaman buhay rin.
Malayo itong lugar na ito dun sa napuntahan ko nung isang araw dahil opposite nung direction na yun ang lugar na ito, sigurado rin ako na malayo din dito yung lugar na pinaghanapan ni Ella ng halamang gamot.
Speaking of Ella, parang na-amaze rin s'ya dito sa nakikita namin, akala ko naman ako lang yung na-a-amaze, akala ko kasi ini-expect n'ya na, na makakakita kami ng mga buhay na halaman.
Para namang natauhan s'ya nung mapansin n'ya na nakatingin ako sa kanya.
Naglakad na ulit s'ya kaya sumunod na ako.
Nakarating kami sa isang puno na hitik na hitik ng bunga malapit do'n sa puno na may maraming alitaptap.
Parang ayaw ni Ella kumain ng ganitong prutas dahil nilampasan n'ya lang ito.
Hindi ba sya nagugutom? Puro tubig lang kasi ang ini-intake namin simula noong isang araw, dun lang namin yun kinukuha sa maliit na balon na ginawa ni Ella gamit pa yung power wand n'ya.
Pumitas ako nang isa at akmang isusubo ko na yun pero lumapit sa akin yung koala at pinaghahampas yung binti ko.
Gusto n'ya rin ba ng ganito or what?
Napatingin tuloy si Ella dahil don sa ginagawa nung koala.
Bigla namang nanlaki yung mata n'ya nung mapokus sa akin ang atensyon n'ya.
"'Wag na wag kang magkakamaling isubo yan. Itapon mo yan!" sambit ni Ella.
"Ha? Bakit naman? Naiinggit ka ba? Oh, sayo na, kukuha na lang ulit ako ng sakin. Catch!" tugon ko naman sabay hagis ko sa kanya nung bunga na hawak ko.
"Waaaag!" sigaw nya.
Ang O.A naman n'ya.
Umiwas agad s'ya at lumayo.
Napatingin na lang ako sa lupang pinagtamaan nung bunga dahil bigla yung nag-spark kaya agad ko dung itinapat yung hintuturo ko. Nakita kong mas naging dry yung lupang pinagtamaan nung bunga.
Napatingin ako kay Ella at iritadong-iritado yung mukha n'ya.
Lagot ka Andrea! Ella's masungit mode is on na! Lagot talaga ako.
"Hindi mo ba alam na bunga ng aconite yung balak mong kainin at yung inihagis mo sa akin!" bulyaw ni Ella.
"Hindi." mahina kong tugon.
"Alam mo bang nakakalason yun?"
"Hindi." tugon ko ulit sabay yuko.
"Sa susunod 'wag ka nang pipitas ng kung anu-ano, okay?"
"Okay." sagot ko na lang.
"Let's go!" sambit n'ya.
Umuna sa kanya yung koala at sumunod na rin ako.
BINABASA MO ANG
X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)
FantasyDo you want to study in X.O.S Academy? An academy in an extraordinary world? A world that no one think exist. A world where you are obliged to play an important role? An important role where you need to kill an evil and greed person to give piece an...