Chapter 15: Secrets
Third Person's POV
Sinalubong ni Andrea at James ang bagong taon habang kanilang pinagsasaluhan ang matatamis nilang mga halik.
Isang napagandang tagpo ngunit isa ring magandang tyempo para kay Jovert Alejandrino, ah hindi, mali, para kay Profesor Alfred Limetre, hindi, mali pa rin, para kay Gilbert Roosflix.
Tama, ang wangis ng tunay na Jovert Alejandrino ay ginaya lamang ni Gilbert Roosflix.
Pinatay muna niya ang tunay na Jovert Alejandrino bago niya gayahin ang wangis nito.
Pinatay niya ito noong isa pa lamang itong duwende.
Isang mahabang salaysayin ng kasamaan ng pinuno ng mga Vestarian ang ukol dito.
Masyadong mahaba kung tatalakayin pa.
Tulad ng naisaad, isang magandang tyempo para kay Gilbert Roosflix upang makuha at guluhin si Andrea.
Kawangis parin ni Gilbert Roosflix si Jovert Alejandrino.
Lumapit ito sa pwesto ni James at Andrea.
Walang ano-anong kinontrol niya ang katawan ng dalawa, pinaglayo sa isa't isa na siya nilang ikinagulat.
"'Wag mong ibigay ang iyong labi sa isang taong nagsinungaling sa'yo."0sambit ni Jovert o ni Gilbert.
Napataas naman ang kilay ni Andrea dahil sa sinabing iyon ni Jovert.
Ngumiti si Jovert at nagpalit ng anyo bilang si Gilbert Roosflix.
Nakita ng punonggurong si Sarina Climbdow ang pangyayaring iyo'n.
Agad nitong ginamit sa kaniyang sarili ang basic spell na 'Malcarium' upang marinig ng lahat ang boses n'ya.
"All students, back to your dormitories!" sigaw ng punong guro.
Nagsitakbuhan ang lahat ng mga estudyante maliban kay Andrea, James, Rose, at Ella.
"Anong pinagsasabi mo?" tanong ni Andrea kay Gilbert.
Ngumiti muna ang pinuno ng mga Vestarian bago magsalita.
"Nagsinungaling sa'yo ang lalaking yan," sambit nito at pagkadakay tumingin kay James.
"Sinabi n'ya sa'yo na ligtas na si Laizel 'di ba?" tanong nito kay Andrea habang kay James pa rin nakatingin.
Hindi sumagot si Andrea.
"Well, ang totoo patay na si Laizel,"
"Hindi totoo iyan," sambit naman ni Sarina Climbdow na nakalapit na sa kanila. Normal na rin ang lakas ng boses nito.
"Totoo ang sinasabi ko, patay na si Laizel, nagsisinungaling kayo kay Andrea para hindi s'ya masaktan, tama ba?" saad muli ni Gilbert.
"Totoo ba ang sinasabi n'ya?" tanong ni Andrea.
"Hindi, 'wag kang maniwala sa kaniya, siya ang nagsisinungalin." pahayag ni Sarina.
"Ikaw ang nagsisinungaling!" sigaw naman ni Gilbert kay Sarina.
"Patay na si Laizel. Hahaha. Patay na s'ya." dugtong nito.
"Hindi patay si Laizel!" sigaw din ni Sarina.
"Malubha lang ang kalagayan n'ya at dahil 'yon sa'yo Gilbert. Dahil yo'n sa walang kwentang ritwal na muli n'yo pang isinagawa!" sigaw muli ni Sarina Climbdow habang tumutulo na ang luha.
"Bakit ba sobrang sama mo Gilbert? Bakit pati si Laizel na nag-aruga sa sarili mong anak nagagawa mong saktan. Alam mo bang inalagaan at minahal n'ya si Andrea kahit hindi naman talaga s'ya ang tunay n'yang ina? Nagawa n'yang mahalin at alagaan si Andrea, pero ikaw nagawa mo ba yo'n? 'Di ba hindi. 'Di ba mas gusto mo pa s'yang patayin kaysa mahalin. Bakit? Dahil ba s'ya ang nakatakdang pumatay sa'yo? Kung minahal mo sana s'ya hindi matutupad ang propesiya, alam mo 'yan pero mas gusto mong patayin na lang si Andrea."
BINABASA MO ANG
X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)
FantasyDo you want to study in X.O.S Academy? An academy in an extraordinary world? A world that no one think exist. A world where you are obliged to play an important role? An important role where you need to kill an evil and greed person to give piece an...