Chapter 37: Escape Plan

175 12 0
                                    

Third Person's POV

"Andrea, anak. Tara na, sumama ka na sa akin, babalik na tayo sa X.O.S Academy." sambit ni Laizel habang inilalahad ang kamay sa anak.

Hindi umimik si Andrea.

"Hindi s'ya susunod sa'yo aking kapatid dahil kontrolado ko ang isip at bawat galaw n'ya." sambit ni Gilbert mula sa likuran ni Laizel.

Napangiti naman si Laizel at dahan - dahang humarap kay Gilbert.

"Kung gano'n ikaw pala ang dapat kong talunin at hindi si Andrea." saad ni Laizel.

"Kung matatalo mo ako." sambit ni Gilbert at biglang naglaho.

Nagpakawala naman ng ice spikes si Andrea papunta kay Laizel.

Gumawa naman si Laizel ng ice barrier kaya nalaglag lamang ang mga ice spikes na mula kay Andrea.

"Magpakita ka Gilbert, labanan mo ako ng mata sa mata!" saad ni Laizel.

Bigla namang sumulpot sa harapan ni Laizel si Sandra Smith.

"Kung ako na lang kaya ang labanan mo ng mata sa mata? Pinakamagaling na X.O.S user laban sa isa pang pinakamagaling na X.O.S user." saad ni Sandra.

Nagpakawala na naman ng ice spikes si Andrea, yumuko si Laizel at nadaplisan naman sa balikat si Sandra.

"Ganyan ba ang isa sa pinakamagaling na X.O.S user?" seryosong tanong ni Laizel.

"Wala kang pakialam, labanan mo na lang ako." iritableng sagot ni Sandra.

Biglang sumulpot si Leila sa tabi ni Sandra.

"O ako na lang kaya ang labanan mo, matandang X.O.S user."

"Huwag kang magyabang Leila, lumaban ka lang sa ka-level mo." tinig mula sa likuran nila Sandra at Leila.

Humarap si Leila sa likuran, si Ella ang nagsalita. Kararating lamang nito kasama si James, Glein at Rose.

"Excuse me, hindi kita ka-level." saad naman ni Leila.

"Oo nga 'no. Nakalimutan ko mas magaling nga pala ako sa'yo." mapang-asar namang sambit ni Ella.

Tila umusok naman ang ilong at tainga ni Leila dahil sa inis.

"Oo nga, tsaka maganda si Ella. Pati ako maganda rin, tingnan mo yang sarili mo. Ang itim-itim mo tapos ang pangit-pangit mo pa. 'Di ba guys. 'Di ba Glein maganda ako." todo ngiting saad naman ni Rose.

Mas nairita pa si Leila dahil sa sinabi ni Rose.

Nagsimula itong gamitan ng kung anu-anong spell ang dalawa.

Tumakbo naman si James papalapit kay Andrea.

"Sentarium Rudellium." pagcast ni Andrea ng spell bago pa tuluyang makalapit sa kaniya si James.

"Ice Sleria." pagcast din ni James ng spell.

Nabalot s'ya ng sobrang kapal na ice barrier bago pa tumama sa kaniya ang pinagsamang fire ball at fire bomb na mula kay Andrea.

Napuno ng alikabok ang paligid ni James ng tumama ang atake ni Andrea sa ice barrier.

Napansin nitong tila nanghihina si Andrea.

Napatingin naman s'ya kay Laizel dahil parang sinambit nito ang kaniyang pangalan.

Nakita n'yang nabalot ng yelo ang paa at kamay ni Sandra.

Humarap sa kanya si Laizel.

"'Wag mong sasaktan si Andrea, wala s'ya sa sarili n'ya dahil kontrolado ni Gilbert ang isip niya." sambit ni Laizel.

Tumango naman si James bilang sagot.

Nawala ang yelong bumabalot sa kamay at paa ni Sandra.

Nagpakawala ito ng napakalaking fire ball direkta kay Laizel.

Hindi naman ito napansin ni Laizel dahil kinakausap pa n'ya si James.

Malapit ng tamaan si Laizel mabuti na lamang at dumating ang propesor na si Samantha at kinontra ang atake na 'yon ni Sandra.

Napalingon si Laizel kay Samantha at nakitang hirap na hirap na ito, hangin lamang ang ipinangpipigil nito sa pinagsamang fire ball at fire bomb na mula kay Sandra.

Agad na tinulungan ni Laizel si Samantha.

Nakaisip naman ng paraan si James kung paano makukuha si Andrea ng hindi ito masyadong nasasaktan.

Pinuntahan n'ya si Glein na noo'y nakikipaglaban sa mga Vestarian at sinabi ang plano niya.

"Invistas." sambit ni James at alam n'yang hindi na s'ya nakikita ng sinuman sa paligid.

Naglakad s'ya palapit kay Andrea na kinakalaban ang kaniyang inang si Laizel.

Kumuha ng tyempo si James.

"Bultrae Fatsiey." sambit ni Andrea.

"Frost Luxidos." sambit ni James habang nakatutok ang power wand kay Andrea.

Nabalot ng yelo ang buong katawan ni Andrea.

"Andrea!" sigaw ni Laizel.

Hindi na napansin ni Laizel ang fire ball na pinakawalan ni Andrea noong hindi pa ito nagyeyelo.

Natamaan siya noon at bumagsak sa si lupa, agad na tumakbo papalapit dito si Samantha.

Inaalis naman ni James ang invisibility shield n'ya. Hindi n'ya inaasahan na ganoon ang mangyayari pero kailangan n'yang ituloy ang plano.

Itinaas n'ya ang power wand n'ya at nagcast ng spell.

"Cearria Flaiszer."

Nag-umpisang pumatak ang n'yebe, senyales na kailangan ng akitin ni Glein si Rose at Ella papunta sa kinaroroonan nila James.

Naintindihan naman iyon ni Rose at Ella.

Dali-dali silang nagtungo sa kinaroroonan nila James.

Naiwan si Leila na nakabaon ang kalahating katawan sa lupa, nakadipa ito dahil may baging na humihila sa tigkabilang kamay niya.

Galit na galit ang itsura ni Leila dahil sa ginawa sa kaniya ni Rose at Ella.

May mga Vestariang humaharang kay Ella, Rose at Glein, ginawa nila ang lahat para mapatumba ang mga ito ng mas mabilis.

Nakarating na sila sa kinaroroonan nila James.

Nakapag-usap na rin si Samantha at James.

Alam na ng lahat ang plano.

Kinapitan ni James ang nagyeyelong katawan ni Andrea. Si Samantha naman ay hawak ang walang malay na si Laizel. Ikinapit ni James ang kaliwang kamay n'ya sa balikat ni Samantha. Si Ella ay kumapit sa isa pang balikat ni Samantha, si Rose at Ella naman ay kumapit sa tigkabilang balikat ni James.

Lumabas si Gilbert at sinubukang pigilan sila James pero tuluyan ng nakapaglaho ang mga ito.

Napasigaw sa galit si Gilbert at tila umalingawngaw ito sa buong Urettia.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon