Chapter 38: Flood of Blood

176 10 2
                                    

Third Person's POV

Dinaanan nila James si Vedal, pagkatapos ay muli silang naglaho at napadpad sila sa bukana ng kagubatan ng Licoma.

Hindi sila basta-basta makakapagteleport papasok sa academy dahil sa barrier na bumabalot dito.

"Floaths Ecertia."

Lumutang silang lahat at mabilis na pinayad ng hangin papunta sa labas ng X.O.S Academy.

Agad naman silang pinagbuksan ng tarangkahan ng mga gwardya.

"Guards, please double the security." utos ni Samantha dahil baka sundan sila ng mga Vestarian.

Muli silang nagteleport.

Nakarating sila sa clinic.

"Ms. Flowria, gamutin mo si Mrs. Raffit, kukuha lamang ako ng healing potion at tatawagin ko na rin si principal Climbdow." utos ni Samantha.

Tumango naman si Rose.

Nagsimula s'yang gamutin si Laizel.

Medyo nahirapan s'ya dahil hindi basta-basta simpleng paso ang natamo ni Laizel, malubha ito.

Nawalan din siya ng napakaraming enerhiya dahil doon at dahil na rin sa pakikipaglaban.

Dumating na si Samantha at ang punonggurong si Sarina.

"Mr. Aeromix, do I told you to look for Andrea?" tanong ng punongguro.

Umiling si James.

"Then, why did you look for her?" tanong muli ng punongguro.

Hindi sumagot si James.

"Principal, huwag n'yo na po silang pagalitan, malaki po ang naitulong nila sa pagkuha kay Andrea." saad ni Samantha.

Napatingin ang punongguro kay Andrea.

"But look at her professor Godsman, she's froozen. 'Yo'n ba ang naitulong nila?" saad ng punungguro at napabuntong hininga.

"Pagbibigyan ko kayo ngayon, bumalik na kayo sa mga dormitory n'yo at magpahinga." saad nito.

Umalis na sila Ella, Rose at Glein, naiwan naman si James.

"Mr. Aeromix?" sambit ng punongguro.

"Hihintayin kong magising si Andrea." seryosong saad ni James.

Muling napabuntong hininga ang punongguro.

Pinainom na ni Samantha ang kulay berdeng potion kay Laizel.

Hindi nagtagal ay nagising na ito.

"Andrea," sambit ni Laizel.

"Mrs. Raffit, pasens'ya na po pero kaya n'yo na bang gamitin ang extraordinary strength n'yo?" tanong ni Samantha.

Tumango naman si Laizel.

"Tagkalin n'yo na po ang spell na nakabalot sa anak n'yo. Kayo lang ang maaaring gumawa no'n." sambit muli ni Samantha.

Tumayo si Laizel at kinuha ang kaniyang power wand.

"Goneioumas."

May lumabas na puting liwanag sa power wand ni Laizel at tumama ito kay Andrea.

Nagliwanag ang buong silid at napatakip ng mata si James, si Laizel, ang propesor, ang punungguro at maging ang dwendeng si Vedal.

Nawala ang liwanag at wala na ring yelong bumabalot sa katawan ni Andrea.

Napaubo si Andrea.

Nilapitan naman ito ni Laizel.

"Ma-mama!" nagagalak na saad ni Andrea.

Ngumiti naman si Laizel. Bigla siyang niyakap ni Andrea at may tumulong luha mula sa mata nito.

"Uhmm... Andrea, inumin mo muna ito." saad ni Samantha.

"Inumin mo muna ang potion na yo'n anak. Maibabalik no'n ang lakas mo." saad ni Laizel.

Kumalas sa pagkakayakap si Andrea at kinuha kay Samantha ang kulay asul na potion.

"Ayos na ba ang pakiramdaman mo?" tanong ng punongguro matapos inumin ni Andrea ang potion.

Tumango naman si Andrea.

"Sige Laizel, lalabas muna kami para makapag-usap kayo ni Andrea." saad ng punongguro.

"Hindi na muna," saad ni Laizel.

Tumingin ito kay Andrea.

"S'ya muna ang kausapin mo," dugtong ni Laizel sabay turo kay James.

"Pero mamaya magkukwento ka sa'kin ha." dugtong ni Laizel sabay ngumiti.

"Ang gwapo ng boyfriend mo anak." komento ni Laizel.

"Ma!" saway naman ni Andrea sa nanay n'ya.

"Oh sige na, lalabas na muna kami." saad ni Laizel at lumabas na kasama si Samantha, Sarina at Vedal.

Tumayo si James at agad na niyakap si Andrea.

Natawa naman si Andrea dahil parang isang bata si James na iniwan ng kaniyang ina at sabik na sabik mangyakap dahil ngayon lamang muling nakita ang ina.

Humarap si James kay Andrea at tinignan ito sa mata.

"Why are you laughing?" tanong ni James."

Mas natawa pa si Andrea dahil sa tila takang takang ekspresyon ng mukha ni James.

Napakunot naman ang noo ni James.

"Wala." sambit ni Andrea.

"Wala?" tanong ni James.

"Wala." sagot ulit ni Andrea.

"Wala talaga?" tanong muli ni James.

"Wala nga." nakangiting sagot ni Andrea.

"'Pag 'di mo sinabi, hahalikan kita." sambit ni James.

Hindi nagsalita si Andrea at dinilaan lang niya si James.

Dahan-dahan namang inilapit ni James ang kaniyang labi sa mapulang labi ni Andrea.

Hindi nila napansing biglang sumulpot sa likuran ni Andrea si Vedal.

Nagbago ito ng wangis, mula sa isang duwende hanggang sa ito'y maging si Gilbert Roosflix.

May lumabas na espada sa kamay ni Gilbert at itinapat sa kanang likod ni Andrea.

"Mo cenea'ma devetrum pritea nai vasum Andrea!" (Hindi ka makakawala sa aking kamay Andrea!) sambit nito at inihanda ng itusok ang espada sa likod ni Andrea.

Ngunit hindi ito tumusok sa likod ni Andrea kundi sa dibdib ni James dahil naitulak niya si Andrea bago pa dito tuluyang tumusok ang espada.

Napuno ng dugo ang damit ni James at bumagsak ito sa sahig ay tila bumaha ng dugo.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon