Andrea's POV
"Nasa kanya ang mala-alamat na kakayahan, ang ghost ability. Paano nangyari yun?" tanong ng isang matandang lalaking sobrang payat.
"Anong gagawin natin?" tanong ng isang babae.
"'Wag kayong magpadala sa pagkalito n'yo, sya pa rin ang itinakda kaya dapat syang mamatay, dapat s'yang patayin!" sigaw naman ng isa pang matandang lalaki.
"Tama! Dapat s'yang patayin!" pagsang-ayon nung isang bilanggo.
"Tama!" sigaw ng isa pa.
"Patayin! Patayin!" halos sabay-sabay nilang sigaw.
Lumapit sila sa akin at inihaya ang mga kalawanging bakal na hindi ko pa rin alam kung saan nila kinuha.
Lumapit pa sila sa akin ng lumapit hanggang sa mapalibutan na nila ako.
Ihinaya na nila ng tuluyan sa akin ang mga hawak nilang bakal at parang bumagal ang oras. Unti-unti kong ipinikit ang aking mata pero bago pa tuluyang sumara ang talukap ng aking mata nakitang kong tumalsik ang mga bakal na hawak nila at maging sila ay napatalsik ng kaunti.
Iminulat ko nang tuluyan ang aking mata.
Kinusot ko pa yun dahil parang ang labo ng paligid pero narealize ko na may nakapaligid sa aking ice barrier. Kahit na malabo ang paligid ay nakita ko pa din si James sa isang maliit na burol na gawa sa yelo, wait, what? gawa sa yelo? Tama gawa nga sa yelo. That was impressive huh.
"HOY! ANO PANG GINAGAWA MO D'YAN? UMALIS KA NA, LUMABAS KA NA DITO!" sigaw ni James dahil medyo may kalayuan ang pwesto nya mula rito.
"PAANO AKO MAKAKALABAS DITO KUNG MAY NAKAHARANG NA ICE BARRIER SA PALIGID KO?" sigaw ko rin sa kanya.
"NAPAKA-IGNORANTE MO TALAGA! DI'BA NA SA'YO ANG GHOST ABILITY? BAKIT HINDI MO GAMITIN YUN?" so, nakita nya yung nangyari kanina, ibig sabihin kanina pa sya dito. Ano namang ginagawa nya dito? Haysss... nevermind.
"PAANO KO MAGAGAMIT YUN KUNG HINDI KO ALAM KUNG PAPAANO?"
"ARGHHH... ISIPIN MO LANG NA PARANG NAGLALAKAD KA LANG SA ISANG BAKANTENG LUGAR!"
Sinubukan ko naman yung sinasabi n'ya, ipinikit ko ang aking mata at nag-isip ako ng bakanteng lugar na walang kahit anong nakaharang. Naglakad ako papalabas dun sa barrier pero naramdaman ko lang yung malamig na surface noon.
Sinubukan ko ulit pero hindi ko talaga magawa.
Nakailang subok pa ako hanggang sa nagawa ko din sa wakas.
Nakalabas ako sa ice barrier pero dinumog naman ako nung mga bilanggo. Nadampot na pala ulit nila yung mga kalawanging bakal.
Inihaya ulit nila sa akin kaya napapikit na naman ako. Naghintay ako sa tatamang bakal sa anumang parte ng aking katawan pero wala akong kahit anong naramdaman.
Pagmulat nang aking mata nakita kong lumampas na naman yung mga bakal na yun sa katawan ko.
Haysss... siguro dapat na akong masanay.
Lumakad lang ako ng lumakad kahit na madaming mga nakaharang sa daan. Lumalampas lang naman ang katawan ko sa kanila eh.
Hinahampas pa rin nila ako at medyo napapapikit pero mukhang masasanay naman na ako.
Dederetso na sana ako palabas pero napansin kong may matulis na bakal ang tatama kay James.
"JAMES!" sigaw ko.
Nakita nya yun at agad na nagcast ng spell.
"Icespixies."
Bigla namang may lumabas na ice spikes sa power wand nya pero hindi naman natamaan yung bakal dahil ang bilis ng pagpunta no'n sa direksyon niya.
BINABASA MO ANG
X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)
FantasyDo you want to study in X.O.S Academy? An academy in an extraordinary world? A world that no one think exist. A world where you are obliged to play an important role? An important role where you need to kill an evil and greed person to give piece an...