Pure Love

895 17 0
                                    

(a/n: mas bata dito si meme. Mas kyuut kasi eh pag mas bata si meme hahaha. BTW, love ko pa rin si daddy terr.💓)

*Vice*

"Tyang amy? Ano matatagpuan ko sa labas?" Tanong ko sa lagi kong kasama, sya si Tyang amy, simula baby ako sya na lagi ang kasama ko, pero ang alam ko lang hindi sya ang sarili kong pamilya, pero pamilya na rin ang turing ko kasi mahal ko sya...silang lahat dito

"Marami, magagandang tanawin," sabi niya sakin.

"Sana makapag gala ulit ako kapag sinama ako ni kuya Terrence." Sabi ko kay tyang Amy. Bibihira kasi ako makalabas ng bahay, palagi lang akong nasa kwarto, marami pa kong mga lugar na hindi pa napupuntahan.

"Makakalabas ka ulit ng bahay sa susunod." Sabi niya sakin at ngumiti. Mahina kasi ang pangangatawan ko, lalo na yung puso ko... May sakit kasi ako sa puso at hindi ako pwede mapagod...

"Oh princess, tulog na ha." Sabi sakin ni Tyang Amy at hinaplos muna ang buhok ko bago umalis ng kwarto ko.

Tinatawag nila akong princess dahil ako lang ang batang babae dito sa Mansyon na ito, nakakabilib nga eh, kasi itong Mansyon nasa parang bundok? Hindi ko din alam basta ang paligid nito kapatagan at tanaw mo ang malalayong tanawin.

Lumabas ako at pumunta ako sa Terrace ng kwarto ko. Pinagmasdan ko ang kalangitan, ang ganda...ang ganda ganda... Ang daming bitwin,.

"Hindi ka pa natutulog?" Nalingon ako sa likuran ko, si kuya Terrence pala. Ngumiti ako sa kanya at lumapit.

"Kuya, salamat sa pagpapasyal sakin ha? Ang swerte ko talaga sayo." Sabi ko at niyakap ko sya sa bewang, ang liit ko kasi at ang tangkad nya.

"Walang ano man my little pattoottie."sabi nya at ginulo nya ang buhok ko na hindi kagaya ni Tyang Amy ay hinaplos lang ito.

"I'm not a little patottie na po, Like duh, 11 years old na ko. I'm big enough." Sabi ko sa kanya at tinawanan lang ako!? Mhmp! Hindi ko sya pinansin at sinangkal ko na lang ang braso at mukha ko sa rails.. niyakap naman nya ako.

"Hahaha ang kyut mo talaga my little patottie., Tska nagtatampo ka pa kay kuya? Kapag nagtampo ka pa hindi na kita maigagala bukas at sa susunod pang mga araw." Sabi nya sakin kaya napalingon ako.

"Ba-bakit kuya? Igagala mo ulit ako bukas?" Nahihiya kong tanong at tumango sya. Lumawak naman ang ngiti ko at niyakap ko sya at nagsabi ng thank you.

Ilang oras din ang tinagal ng kwentuhan namin ni kuya terrence, yung iba ka tawa ako ng tawa sa kwento nya, lalo na yung takot sya sa aso hahaha . Hinabol nga daw sya nuong maliit pa lamang sya eh.

11 years old ako at sya naman, 16 years old. 5 years ang agwat naming dalawa.,

"Tapos nung 12 years old ako, nakilala ko si Anne,." Sabi nya sakin na nakangiti. Si Ate Anne, yung girlfriend nya ngayon?. Ngumiti na lang ako. Pero hindi ko alam parang nakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib ko, hala anong tawag dun?

"Nagkahiwalay kami nung 13 years old kami, tapos nangako kami sa sarili namin na pagbalik nya, kami na... Girlfriend ko na sya...." Sabi nya pa ng nakangiti. Teka, 8 years old pa lamang ako noon ah. Ang bata ko pa pala nun, at hanggang ngayon sila pa rin?

"Naging kami pero parang switch na lang din ng ilaw ngayon ... On and off." Sabi nya at pinitas nya yung dahon ng puno na nasa gilid ng rails at tinapon nya.

"Ah bakit?" Tanging tanong ko. Ngumiti sya sakin.

"Kasi nawawala na yung pagmamahal namin sa isa't isa." Sagot niya sakin at nakita ko yung luha nya. Teka, umiiyak sya? Umiiyak ang kuya ko?. Nakaramdam ako ng paglabo ng mata ko at bigla na lang akong humikbi. Hindi ko alam ung bakit, pero bakit ako umiyak ng makita ko syang umiiyak?

VIRENCE ONE SHOTS STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon