Pansamantala

338 8 0
                                    

"Hi everyone, I'm Jose Marie Viceral but you can call me Vice."

Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya'y nagpapakilala sa harapan hanggang sa matapos sya magpakilala ay sinusundan ko sya ng tingin.

"Type mo?" tanong ng kaibigan ko na si Mike. Nilingon ko sya at ngumiti ako, "Hindi. Gago."

"Eh bakit ka ganyan makatingin? Ganyan mo rin tignan si Dia-

Tinignan ko sya ng masama at tumigil naman sya bago ako tawanan.

Nag poke sya kay vice at nilingon naman sya nito.
"I'm Mike." sabi nitong ugok na katabi ko.

"Nice to meet you." bago sya nakipag kamay.

"May gusto lang akong itanong Vice. Taken ka na ba? May nagpapa tanong kasi." sabay tingin sakin ni Mike. Binatukan ko nga. Tumingin sakin si vice at ngumiti sya.

"Hindi pa naman masasabing taken, pero parang kami nga." Vice.

May nanliligaw sa kaniya?

"Ah sige vice, salamat."Mike. Nilingon ko si Mike bago sya nagkibit balikat sakin.

" M.U sila bro. Paano ka na?"Mike.

"Gago. Hindi ko sya gusto." sabi ko kay Mike.

Simula nung araw na yun, sinimulan ko na sya asarin. Nakakatuwa syang pikunin, namumula ang ilong kapag naiinis na sakin.

"Romeo, sinasabi ko sayo.. kasakop ba kita sa budget ko ah? Hingi ka ng hingi ng papel."Vice. Pft. Nakasalubong na naman ang kilay nya.

"Sorry na, bukas bibili na talaga akong papel. Salamat dito, payat." pang aasar ko pa kaya sinabunutan nya ko.

"Aray ko Vice! Masakit yang sabunot na yan! Aray ko! Titigil na nga!" binitawan nya yung buhok ko at nakatingin sya sakin ng masama.

"Vice! Terrence! Second Warning!" Teacher.

"Sorry po ma'am." Vice. Sabay yuko niya at nagsulat na.

Tumayo ako at nag bow. "Sorry po ma'am. Ako po talaga may kasalanan, inaasar ko po si vice." umupo na ulit ako at tinignan ko sya.

"Sorry." sabay ngiti ko sa kaniya.

"Vice! Saan ang punta? Uuwi ka na ba? Hatid na kita? " tanong ko ng makita ko sya na may hinihintay. Isasabay ko sana sya sa motor ko.

"Ah hindi na. Salamat. May hinihintay lang ako." nakangiti pa nyang sagot sakin..

"Sino naman?" tanong ko habang inaayos ko ang helmet.

"Ah, si Ion susunduin kasi ako ngayon. May pupuntahan lang kami saglit." sagot niya sakin. May narinig naman ako na nag busina at huminto na sasakyan.

"Ayan na pala, Rence. Sige, salamat ha? See you tomorrow!" tumango na lang ako habang sinusundan ko sya ng tingin..

"Ingat ka, Payat!" sabi ko bago nag wave naman sya..

"Kumain ka na? Parang hindi kita nakitang maraming binili." sabi ko sa kaniya habang inaabot ko yung sandwich sa kaniya.

Umiling sya at yumuko, nag sighed pa. "Wala akong gana, rence. Sige na, kain ka na dyan." nag sulat na sya ng lecture nya. Kanina pa sya ganyan, walang kinakausap. Pati malamlam ang mata nya.

"May problema ba?" tanong ko ulit. Umiling sya sakin at ngumiti. "Wala ah. Sige na, kumain ka na. Tatapusin ko lang tong sinosolve ko."

Hindi ko na muna sya kinulit, baka mas mapikon pa. Nag ring ang phone nya, pero nag decline sya. Ilang beses pang nag ring pero paulit ulit na dene-decline.

VIRENCE ONE SHOTS STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon