GGV : Special Guest

848 37 34
                                    

Hi! Request ni @VirenceeForever .. heheh Pagtiyagaan mo na to hahaha.

------------------------------------

----------------------------

--------------------

-----------

-----

"hindi porket nagkakatampuhan tayo, papabayaan na kita.." nilapag nya yung tray na may mangkok at may plato.

"Kumain ka" sambit pa nya. Tinignan ko lamang sya at umiling ako.

"Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo." Sabi pa nya at inamba nya yung kutsara na may kanin at ulam.

"Ayoko nga diba?" Pandedeadma ko at humiga ako sa kama.

"Tsk. Dahil na naman ba don sa kanina?" Tanong nya sakin.

"Hayaan mo muna ako, umuwi ka na." Pandedeadma ko ulit at nagtalukbong akong kumot.

----

Ilang araw na kaming di nag uusap ng harapan. Hanggang text at call lang, pero hindi pa rin sweet. Hanggang "oo.." "hindi..." "Okay." Lang ang sagot ko.

---

"Gandang gabi kapamilya!" Bati ko sa mga audience ko at bumati rin naman sila sakin.

"Sumainyo ang kagandahan!"

"At sumaiyo rin..." Audience.

"Ayan, ganyan dapat. Kapag sinabihan kang 'ang ganda mo' sabihin mo Thank you at sympre, sundan mo ng Ikaw rin ang ganda mo...." Sabi ko at nag upuan na ang mga audience ko.

At kapansin pansin ang mga audience ko ngayon, may mga dalang banner yung iba,. Yung iba naman nakasuot ng T shirt na may VT ang nakalagay at sa ibaba non, may Green heart.


"Ngayong gabi... M-makikilala.... ang.. sorry direk." Sabi ko. Ewan, di ako mapakali ngayon, may kakaiba akong kaba na nararamdaman.

Naka ilang take na kami at gumagabi na... Napansin ko yung audience kong parang tumatamlay na.

"Jackie, water please.." sabi ko at matapos akong abutan nag pa ayos muna ako kila Archie at Buern.

"Mga bakla, pakibilisan ng konti. Yung mga audience ko, kawawa naman..."

.

.
Basta vice. Relax lang... Wag mo muna isipin ang problema, mag pasaya ka muna...

.
.
.

"Makakasama ntin ngayong gabi ang magagaling sa Basketball at talaga namang hinahangaan ng mga kababaihan.. sina Mike, RR at Kim Lo!" Introduce ko at bumungad na sina Kim Lo at nkipag beso ako.

"Gandang gabi..." Bati ko sa kna isa isa.

"Gandang gabi vice." Sila.

.
.
Habang nasa kalagitnaan kami ng taping, iniba ni mike ang topic.

"Vice, may sinabi sya sakin."Mike. Binaba ko yung mic ko at tinanong ko sya.

"Anong sabi? Oy mike umayos ka ha." Sabi ko na ntatawa.

"Nagkakatampuhan daw kayo?"sagot nya ng naka mic.

Nagtilian naman yung mga audience...

.
.
.

"Hindi mo daw sya pinapansin... Nagtatampo na yung mahal mo."Mike.

Ngumiti ako at pumikit. Nasaktan ko ba sya?

VIRENCE ONE SHOTS STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon