Leave Your Lover

605 16 5
                                    

Panibagong araw na naman, kailangan kong maagang kumilos dahil baka magalit ang boss namin, tutulungan pa naman namin yon sa paggawa ng Christmas decoration sa kompanya..

After ko maligo, nagbihis na ako agad. Yung halos ipaligo ko na ang pabango sa buong katawan ko.

Pagdating sa kompanya, masisigla ko silang binati. "Good morning guys," bati ko sa kanila at ang iba ay nakipag chest bump pa.

"At goodluck din sayo."Dianara.

"Ha?" Tanong ko na naka kunot noo.

"Hinahanap ka ni Boss." sagot naman ni Bea sakin.

Nilapag ko na ang bag ko at nagtungo sa office.

" Uh, good morning po, hanap nyo daw po ako?" Nakangiti kong sagot.

"Come in." Lagot. Hindi man lang ngumiti. Anong problema nito?

Pagkaupo ko pa lamang, may inabot na sya saking folder. "Here's your presentation... hindi ko nagustuhan yan. You have three days to change your idea and make it more presentable.."

"Pero po, ilang araw ko na itong---

"Mr. Romeo, you should know the consequences kapag sinunod natin yan. Dapat alam mo ang mangyayari kung yan ang susundin natin,,at ang daming pera ang magagastos dyan..." Napabuntong hininga ako at tumayo.

Palabas na ko ng office nya ng tawagin nya ulit ako. "Romeo.."

"Yes po?"

"Alam kong kaya mo yan, may three days ka pa to change it,." Sabay ngiti nya sakin, at napanatag naman ako bigla.

"Salamat, Ms. Vice."




Lumabas ako ng office na may ngiti saking labi. Sya ang boss namin, Vice Viceral, isa siyang bakla na nagmamay ari ng tatlong companya at may sariling restaurant dito sa Pilipinas.

Babae na ang turing ko sa kanya, since may pusong babae naman sya, at yon na ang nakasanayan ko.





"Bro, nandyan ba si Vice?" Napatigil ako sa ginagawa ko ng may tumapik sa balikat ko.

"Yes sir, nasa office nya." Sagot ko at nagpasama naman sya sa office. Hindi ba nya nakita na may ginagawa akong presentation?

*Knock knock*

Binuksan ng sekretarya nya ang pinto. "Ma'am, si mr. Romeo po."

Lumingon saglit sakin si Vice at ngumiti bago humarap ulit sa laptop. "Come in." Sabi niya at sinara nya ang laptop.

"Ah Ma'am, wala po kong sadya dito, pero itong kasama ko po, meron." Sabay ngiti ko at napa kunot noo syang tanong. Tinawag ko yung lalaki at pinalapit ko.

"Hi, Babe." Sambit ng lalaki at inabutan pa ng bulaklak si Ma'am Vice.

"Babe! Thank you for this." Sabi naman ni Ma'am vice at hinalikan sya sa labi nung lalaki. Ah so boyfriend nya pala yon.

"Ah, ma'am.. sir, una na po ako." Paalam ko. "Sige, bro. Salamat." Tumango na lang ako at lumabas na ng office.



After three days, naipasa ko na ang presentation...at tinanggap naman nya.

At ng magkaroon ng pag uusap tungkol sa business, ito ay naging successful at hindi ko akalain na yayakapin nya ako.

"We made it!!" Sabi nya sabay yakap sakin.

"Congrats po." Yun lang ang sinabi ko at nginitian ko sya.

"Congrats Ma'am." Sabay sabay na sabi ng mga kaopisina ko.

VIRENCE ONE SHOTS STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon