Jowa

686 25 18
                                    

( I got an idea from Meme Vice haha. Talking about Jowa and issuementals.😂 A short ud this. HAHAHA.)

-----------

"Baby boy, busy ka today?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi po. Pati po bukas hindi. Bakit po?" Sagot nya habang nag susuot ng T-shirt. Kakagaling nya kasing practice at nag diretso dito sa bahay ko.

"Mmhm.. kabagot kasi dto sa bahay eh, gala tayo?" Sabi ko sa kanya at niyakap ko sya from the back.

"Saan, sa condo ko?" Sagot nya.

Napa pout ako. Bakit kasi ang hirap kumilos eh, ang dami kasing taong mapang husga.. wala naman kaming ginagawang masama, pero may issue agad.

Naalala ko tuloy yung topic namin kanina sa Tawag ng Tanghalan, yung mga taong may issuemental.

Tao rin naman kami, ang mga babae nag bibigay regalo sa lalaki, ang lalaki nag bibigay regalo sa babae.. eh bakit kami? Di ba pwedeng bilhan ng damit ang jowa namin?

"Baby , tulala ka na." Tinapik nya ako sa may pisngi kaya nabalik ako sa ulirat.

"Sorry, sorry. .. sa mall tayo?" Sabi ko sa kanya at halatang gulat sya.

.
.
.
"Oh bakit?" Nakangiti kong tanong.

"Wala naman, sigurado ka ba talaga, mahal?" Tanong nya sakin habang nakangiti.

"Opo. Sa mall ang tungo natin ngayon. Tara na?" Pag aaya ko at sabay kaming lumabas ng bahay.

Kasama namin ang driver at may guard rin akong kasama.


"Hello baby?" Bungad ko sa phone call.

.
.
"Oh baby, saang mall ba tayo?" Tanong nya.

" Basta sundan mo itong sasakyan ko." Sambit ko.

"Sige sige. Kita na lang tayo sa mall mahal, "

"Opo. Love you." sagot ko bago ko i end ang phone call.

.

.

.
Iisang mall ang pupuntahan namin pero hindi kami magkasabay. Ilang beses ko na gustong gawin to dito sa Pinas, ang lumabas at gumala kasama sya kaya lang di pwede dahil pinoprotektahan ko sya, mas gugustuhin kong ako ang lait laitin ng mga tao araw araw, ako ang pagsalitaan nila ng di magagandang salita, wag lang ang taong mahal ko,..wag lang yung taong dahilan ng bawat pag ngiti ko.

I told him to use a cap and shades, mag disguise sya.

.
.

Habang ako, nag tanggal ako ng make up at nag cap na lang ako..

.
.

Pag dating ko sa mall, nakita ko na rin ang pag stop ng sasakyan nya. Nauna na sya sa loob ng mall habang ako nagpahuli.

Sa ibang way sya habang ako sa ibang way rin. Kinakabahan ako sa ideya kong ito, pero basta gusto ko makasama itong mahal ko... Susugal ako.

Nag punta sya sa botique na pang lalake habang ako, nandoon rin pero hindi kami magkalapit.

Lumingon ako sa kanya at nginitian ako.. umiwas ako ng tingin at dun ako ngumiti.


Pumipili kunwari ako ng damit, ng mapansin kong lumapit sya sakin.

"Baby,,ayos ba ito?" Tanong nya na pasimple at sinulyapan ko naman yon.

Nag hahanap hanap wari ako ng damit at sumagot ako.

"Oo, bagay yan sayo." Sagot ko at umalis ako sa pwesto ko.

Nag diretso ako sa hanay ng mga heels at ng makapili ako, bumalik ako sa kanya at nakita ko syang naglalakad.

"Baby, palitan mo di bagay sayo yung kulay." Sambit ko at nilagpasan ko sya.

Mula sa malayo, pinag mamasdan ko sya. Nakatalikod sya at hapit sa kanya yung damit nya,. Napangiti ako habang pinag mamasdan ko sya.

Sana balang araw, yung pag gagala namin sa ibang bansa, yung malaya kaming nag de-date sa ibang bansa, ganon din kami kalaya dito sa Pilipinas.


"Tss. Pants na naman binili mo, bumili ka naman ng short." At umalis agad. Gago. Hahahaha.

Dahil sa request ng jowa ko, namili ako ng short.

Naglalakad na naman ako at nagkasalubong kami sa gitna at binulungan ko.

"Kita tayo sa counter." Sambit ko.

"Ako magbabayad." Bulong nya habang nag nag ce-cellphone

.

.

Nang makalayo na ko, nakatanggap na ko ng text.

From: baby
Ako magbabayad. Hindi ikaw. Final na to.

Kinuha ko na yung mga napili ko at pina hawak ko sa guard ko,.

"Kuya, pakidala na lang po sa counter.. si terrence daw po magbabayad. Una na ko sa sasakyan."




.
.
Pag dating sa bahay na di ko namalayan dahil nakatulog ako sa sasakyan, hinanap ko si Terrence.

"Oh mahal, gising ka na pala." Sabi nya habang nag pupunas ng katawan , kakatapos maligo.


"Sorry." Sabi ko.

"Saan?"

"Ang lakas ng loob ko mag aya mag mall, pero hanggang doon di naman tayo magkalapit." Sambit ko.

"Ayos lang baby,. Kasama naman kita... Teka, yung pinamili mo, eto oh." May kinuha syang paper bag at nilabas yung mga binili ko.

"Sinunod mo tlga ang gusto ko mahal ha?" Sabi nya habang nakangiti ng nakakaloko. Hinampas ko nga sa binti.

"Eh sympre, jowa ko may sabi. Makakatanggi ba ako?" Sabi ko at nilapit ko yung mukha ko sa kanya at humalik ako sa pisngi nya.

"Wag kang ganyan, baby. Baka di ako makapag pigil." Hahahaha



.

.
.

.

"Mahal!"

"Oh? Nandito lang ako, makasigaw mahal ah" sabi ko at sinalubong nya ako ng halik.

"Tara, sa mall." At hinawakan nya ako sa kamay.

"Whuy, whuy, teka----

"Hindi ka pwede humiwalay sakin ngayon." At ngitian nya ako ng nakakaloko.

"Huy, anong balak mo?" Tanong ko.

"Aamin tayo sa mga tao." Sabay wink.

"Ano??!" Pasigaw kong tanong at tumawa sya.

.
.
.

"Bahala sila, basta tayo masaya. Wala naman silang magagawa kahit mambash sila, basta papatunayan natin na mahal natin ang isa't isa."


-----------

Emeged! Leeeyym! Bengga! Hahahahaha. Kailangan ko lang itong ilabas sa utak ko😂 May part two.😂 Mas hopia po yung part two, kasi aamin nga sila diba!😂

VIRENCE ONE SHOTS STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon