Something I Need

466 15 2
                                    

"mommy? Mommy vice wake up na!" sabi ng isang bata na nasa edad na limang taon. Hawak nya ang pisngi ni vice habang naka unan ito sa dibdib nito at pinag mamasdan.

"mommy vice wake up na, today is daddy's birthday po diba?" sabi nito. Nagmulat naman si vice at niyakap ang bata.

"good morning mommy!" sabi nito at ngumiti. Kumunot noo naman si vice.

"Ang kulit kulit mo, natutulog pa ko oh." sabi niya dito. Umalis naman sa pagkakayakap ang bata. "Sorry po" sagot nito at bumaba ng kama. Bubuksan na nya ang pinto ng kwarto ng tawagin sya ulit ni vice.

"Asia Samantha Lucille.." lumingon sa kaniya ang bata na nag gigilid na ang luha. Bumangon sya at ngumiti, "I'm just kidding, baby Asia. Give me a tight hug?" sabi niya at naka spread ang kaniyang mga braso.

Lumapit naman sa kanya na patakbo ang bata at niyakap nya ito. "Good morning baby Asia..good morning sa baby ni mommy vice.." sabi niya at ngumiti. Tinignan nya si Asia at nag luluha na ang mga mata nito.

"Hey baby don't cry na, I'm not mad" nakangiti nyang sabi dito. Pinunasan nya ang luha nito.

"Mommy naman eh, Akala ko nagagalit ka sakin kasi po ginising po kita" sabi ng bata at napatawa naman sya.

"Hindi ah. Ang aga mo ko ginising today, wala ka naman pasok. Saturday pa lang baby oh." sabi niya dito at hinagod ang buhok nito. Napa pout naman si Asia.

"You forget mommy? Birthday ni daddy today." Asia. Napangiti naman sya at hinalikan sa noo ang bata. "Sige baby, punta ka na sa room mo,. Mag aasikaso muna ako then bibisita tayo kay daddy mo ha?" Hinalikan nya ulit ito at umalis naman na si Asia.

"Asia" tawag nya dito ulit at lumingon ito. "Po mommy?"

"I love you baby" nakangiti nyang sabi dito. "I love you so much mommy ko".

May dala silang basket na puno ng pagkain. Nilapag nila iyon sa damuhan at naglatag naman ang bata ng blanket. Si vice naman nag sindi ng kandila at naglapag ng bulaklak sa isang lapida.

"Happy Birthday.. Four years na ang nakalipas ng mawala ka.." hawak nya ang lapida at pinag mamasdan nya ang pangalan nito. Tumabi naman sa kaniya ang bata at sumandal sa balikat nya.

"Malaki na si Asia, miss ka nitong batang to oh.. namimiss ka na naming dalawa." sabi niya at ngumiti. Tumingin sa kaniya si Asia at pinunasan ang luha niyang pumapatak sa kaniyang pisngi.

"Daddy, miss na miss ka na namin ni mommy. Happy birthday daddy..i love you."Asia.

Niyakap ni vice ang bata at hinalikan nya sa noo ito.

After ng pagkagaling nila sa sementeryo ay nag diretso sila sa mall at nag punta sa time zone para makapag laro si Asia.

"Mommy, I want ice cream po..I will wait you na lang po dito sa timezone, bebehave po si Asia" nakangiti nitong sabi at yumakap kay vice sa bewang.

"Really sure baby? Sige, wait mo dito si mommy. Mag behave ka dito anak ha? Saglit lang ako." Hinalikan nya ang anak sa noo at umalis. Namili siya ng ice cream at ng pop corn nito.

Habang namimili naman sya ay may taong familiar syang nakita. Napatigil sya at pinag masdan nya ito. Ibang iba na ang dating nito. Mas mukha ng disenteng tignan. Bumilis naman ang tibok ng puso nya ng magtama ang kanilang mga paningin.

Agad naman syang umiwas at nagtungo kay Asia. "Baby, food mo oh." iniabot nya ang ice cream dito at pinunasan ang pawis. Pinag mamasdan nya ito at ngumiti.

"mommy? Something wrong? Ang tahimik mo po kasi eh tapos kanina mo pa ko pinag mamasdan." sabi ni Asia sa kaniya. Umiling sya at bahagyang ngumiti. Niyakap nya ito at humalik sa noo.
"I love you anak."

VIRENCE ONE SHOTS STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon