Today

588 21 4
                                    

Nagsimula lang ang lahat sa pagbuo ng isang barkada, una tuksuhan, asaran, may mga bully, pero doon nabuo ang magandang pag sasamahan namin, isang buong barkada na puro kakatawanan....

Pero ngayon, wala ako sa mood para makisama sa kung ano mang nilalaro nila ngayon. Pinapanuod ko lamang sila na naglalaro habang natatawa.

"Ayaw mo makisama sa paglalaro?" Tanong sakin ni Buern. Umiling ako.

"Hindi, kayo na lamang, gusto kong mapag isa." Sagot ko at ngumiti. Napakunot noo naman sya, at tumawa ako.

"Wala akong problema, gusto ko muna mapag isa, dito basa basa lang ng wattpad." Sabi ko at tuluyan syang umupo sa tabi ko.

"Wala ba talaga? Mukhang di kayo magkausap eh."Buern.

"May hindi lang kami pagkakaintindihan, but everything is going well, may konting tampuhan lamang." Sabi ko at tinignan ko sya, lumingon din ako sa mga kabarkada namin at nag uusap, kumaway ako sa kanila ng lumingon sila sa gawin namin ni Buern.

"Hooooy ! I share nyo yaaaan!" Sigaw nina Anne at Karylle, kahit kailan talaga.

"Wala kami pinag uusapan na importante, maglaro kayo dyan." Sagot ko ng nakangiti.

"Whuy! Anong drama dito?" Singit ni Archie.

"Eto kasi, ayaw magkwento" turo sakin ni Buern. Inirapan ko, andaldal ni bakla.

...

"Okay Fine, nalimutan nya yata na monthsary namin ngayon, kahit text man lang kanina, di man lang ginawa.. kakaloka." Sabi ko at tinawanan nila ako.

"May nag eemottteeee dittttoooo!!!"Archie. Binatukan ko nga.

Ganoon pa rin , di nya pa rin ako pinag mamasdan... Hala, ano ba ginawa ko?..

...

Nagkakatuwaan sila habang nag babasa ng mga tanong na nasa fishbowl.

"Ikaw Terrence, ang nakuha mong tanong ay, handa ka bang masira ang image mo sa mga studyante dito para lamang sa taong mahal mo?" Tanong ni Karylle sa kanya.

"Hindi. Dahil isa akong MVP ng school, mas mahalaga ang basketball, kaysa sa kanya." Sagot nya na di ako tinitignan.

Ganon ba yon? , Siguro nga. Kasi samin naman, wala naman magseseryoso samin...

At yon, di ko namalayan, umiiyak na pala ako, yumukyok ako sa desk para di halata kahit na umiinig ang balikat ko.

"Hoy, sino nang away kay Vice?" Sabi ni Vhong at nilapitan ako.

"Babe, " kilala ko kung sino yon, si RR... Nilingon ko sya at yumakap ako.

"Bakit ba ayaw nya ako pansinin? Ano ba nagawa ko babe?" Tanong ko kay RR. . .

"I don't know, Babe." RR. Nakatayo sya habang yakap ko sya sa may bewang, pinapaiyak na naman ako ng lalaking mahal ko.

..

"Tama na ang PDA!" Tignan mo! Nakuha pa nyang sumigaw ng ganoon.

"Kapag ikaw naunahan na naman ng iba, sinasabi ko sayo Rence!" Sabi sa kanya ni Anne. Wala kaming klase ngayon eh.

"Babe, ialis mo muna ako dito oh, please?" Sabi ko kay RR. Umiling sya, it means, hindi papayag yung lalaking yon..

Kung ako nga, proud ako sya ang boyfriend ko, pero sya hindi proud na ako ang girlfriend nya. Okay fine, bakla ako, .. kaya sguro di nya ako mipagmalaki, at ngayon lang sya nagkaroon ng ganitong relasyon.

Kaya naka sekreto ang relasyon naming dalawa.

"Una na ko, puntahan ko pa ang girlfriend ko." Sabi nya at napalingon ako, ang sama ng tingin sakin. ANO BA KASI GINAWA KO?!!!

VIRENCE ONE SHOTS STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon