Hugot ni Vice

526 15 3
                                    

Ilang beses na ba ako umiyak? Ilang beses na ba ako nasaktan? Hindi ko na yata kayang bilangin gamit ang mga daliri ko sa kamay.. kasi naman, iibig na lamang ako sa taong may mahal pang iba, iibig na lamang ako bakit sa kaniya pa. Andami naman kasing iba, pero bakit sya pa?

"Hoy girl! Abuso ka na, ang lamig na. Umuwi na tayo." Sabi sakin ng kaibigan kong si Anne.

"Tsk. Buti nga ako, inaabuso ko lang ang kabaitan mo, pero bakit sya, inabuso pati ang pagmamahal ko na hindi naman pala nya kayang suklian?... Tska ano naman kung malamig na? Sanay na ko, sanay na kong cold sya sakin... at ayoko pang umuwi, dahil mag iisa na naman ako." Yung puro bitter na lamang ang lumalabas sa bibig ko. Ganoon talaga, nasaktan eh, hindi naman kasi madali mag move on.

...

Nandito kami ngayon sa backstage, at ang VhongAnne, todo tawanan dahil naghaharutan. Kilitian ng kilitian.

"Hoy, tigilan nyo nga yan." Sabi ko sa kanila.

"Whooo, inggit ka lang, andyan si Karylle oh." Sabi ni Vhong sakin. ( Baysrel!😍 )

"Bakit ba ganon? Kapag iba nangingiliti sayo, tawa ka ng tawa? Pero kapag sarili mo naman kiniliti mo, hindi naman nakakatawa. Ganoon ba talaga? Kailangan mo ang iba para maging masaya?" Sambit ko at natulala sila sakin.

"Brad, masyado ka ng bitter dyan." Vhong.

"Nagiging bitter lang naman kasi ang isang tao dahil sinaktan ng isang gago." Sabi ko at pumunta ako sa dressing room ko.

After patagong pag iyak sa loob ng dressing room, tinawag na kami para sa tawag ng tanghalan.

"Oh ano masasabi mo sa girlfriend mo?" Tanong ko sa contender.

"Hi mahal, mahal na mahal kita." Buti pa sila, maswerte sa kanilang relasyon, habang ako nganga.

"Ang swerte nyo no? Mahal nyo ang isa' isa , habang ako, nganga." Sabi ko sabay cross arms.

Sabay may pa music naman si DJ MOD ng No One Else Come Close.

"Jhong! Paki comfort naman itong si cuttiepie mo!" Vhong.

"Oh buti pa kayo, may care sakin, pero sya wala." Sabay ngiti ko. Pero sa totoo lamang, nagbabadya na ang luha ko na pumatak.

"Move on na...." Sabay tawa ni Vhong.

"Ayoko pa. Gusto ko pa umasa."

"Nasasaktan ka na, gusto mo pa umasa?"Jhong. Nilingon ko silang pareho sabay ngiti ulit.

"Kahit nasasaktan na ko, gusto ko pa umasa... Gusto ko pa maghintay... Baka kasi may magbago pa.. baka sakaling, ma-i-push pa.. maisalba pa."

"Tama na nga yan, nagiging true to life na." Vhong at tumawa.

"Hay, buti nga itong hugot ko, true to life na, eh yung pagmamahalan naming dalawa? Hanggang fantasies lang pala."

Nakauwi na rin, dito na naman ba ako at magmumukmok?

"Meme, tara, g tayo tonight." Pag aaya sakin ni Buern.

"Tinatamad ako, kayo na lamang." Sagot ko.

"Nako, iiyak ka na naman e, halika na."

"Ayos lang umiyak, dahil ang pag iyak ay isang paraan para ilabas ang tunay na nararamdaman."

--

Everyday is a wonderful day, dahil kahit heartbroken ako, nandyan pa rin ang mga fans ko at patuloy na sumosuporta, may pamilya pa rin akong lagi kong kasama, at sila ang dahilan kung bakit nakakaya ko pang ngumiti at tumawa. I have reason to live more, I have reason to live happy..

"Please welcome, Vice Ganda!" Vhong.

"Hi madlang peopleeee!" Bati ko sabay kaway.

"Late ka na naman sis." Sabi ni Anne sakin.

"Mas ayos na yung late, kaysa di dumating... Parang yung pagmamahal nya, akala ko late lang papunta sakin, pero natuluyan ng di dumating.." Hugot #1 today again.

...

"Mahal mo pa?" Tanong ko sa contender na heart broken din pala.

"Opo eh, kaya lang mas mahal nya yung isa." Sagot niya at inakbayan ko sya.

"Di ka nag iisa... Ganon talaga, kahit ilang beses mo pa ipagsigawan ang pangalan nya, kung ang pangalan ng taong mahal nya ang nasa puso at isip nya, paos ka na... Bingi pa rin sya."

"Move on move on." Anne.

"Ayan na naman.... Tungkol na naman sa move on." Sagot ko at naptawa ako ng konti. Baliw kasi itong si Anne.

"Did I say something wrong?, Hahaha. Bakit naka move on ka na ba?"

"Bakit ba lagi nyong tanong kung naka move on na ang isang tao? Bakit di nyo tanungin kung gusto nga ba mag move on?" Tanong kohabang naka pamewang.

"Bakit ikaw, gusto mo ba mag move on?"Anne.

"Hind,. Baka kasi ... Eeeeh! Wag na nga." Pabebe kong sagot. Ungas lang vice, bruk ka na nga. Pabebe pa😐

"But paano kung may isang taong makapag pangiti ulit sayo?" Anne.

Tumingin ako sa cam.

"Eh di pangitiin nya ako, madali lang naman ako pangitiin, madali lang naman ako patawanin, at madali lang naman ako mahalin... Wala naman mahirap, sila lang nagpapahirap... Loyal ako, kapag may mahal ako, dun lang ako..."

"Uy may pinaparinggan!"Jhong.

"Aba't!" Sabi ko at tinawanan ako. Sympre dahil komedyante pa rin ako, pinagtripan ko si jhong.

"Hanggang dito lang! Wala dyan... Hanggang dito lang. Di ka kasali." Sabi ko habang tinuturo ko yung hangganan.

So hanggang kelan ako magiging bitter ng ganito?

"Malapit na ang pasko.." sabi ko.

"Pasko na sinta ko...." Pakanta kong sabi habang naka pikit.

Pagdilat ko nakatingin si Anne and Vhong sakin pati lahat pala.

"Pasko na daw, tol. Umuwi ka na." Sabi ni Vhong sa cam. Binatukan ko nga.

"Pasko na, malamig na naman ang gabi, mag isa na naman ako.. lagi na lang akong nag iisa..." Sabay yuko ko kunwari.. " i need to go." At nag act akong eexit. Hahaha sabay balik.

...

Sana may makapag pangiti na ulit sakin ng ganito ... Sana bago mag pasko, may kasama ako... At sana muli ng umibig ang puso ko.

-----------

Whooo! Lutang! Ano gusto nyo part two?😂
Sino kaya yung nagpaiyak kay meme sa storya na ito?😂

VIRENCE ONE SHOTS STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon