I meet a Laddie

585 21 31
                                    

Nandito na naman ako sa airport kung saan kami nagkita dati. Napabuntong hininga ako at napapikit ng aking mga mata. Kamusta na kaya sya? Maayos kaya sya? Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko magmula ng maiwan ko sya... Or should I say Iniwan ko talaga sya. 21 years old na ako ngayon, and I am only 14 ng makasama ko sya... While his age is 7 years old only.

Sumakay na ko sa sasakyan at nagsimula na akong mag drive.

"Hi," bati nya sakin habang kumakaway. Kaya I waved back. Ang cute nya. Lumuhod ako para maka level ko sya.

"Mag isa ka lang po dito sa airport? Bakit po wala kang kasama? Wala kang family?" Pag uusisa nya sakin na ikinatuwa ko naman.

"Meron, pero mas gusto kong magsolo ngayon. May problema lang kasi." Sagot ko at hinawi ko ang buhok nya na humaharang sa mukha nya.

"Eh bakit ikaw, mag isa ka dito? Nasaan ang mga kasama mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ah wala eh, naiwan sa England. Nandito ako sa Philippines para mag vacation lamang." Sabi nya sakin na nananatili pa ring nakangiti.

"Ang tapang mo naman, kaya mong mag byahe mag isa. Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"I'm Terrence Bill Romeo, pero Rence na lang tawag mo sakin, ikaw ano po pangalan mo?" Tanong nya at humawak sya sa kamay ko.

"Vice, yun na lang tawag mo sakin." Yun lamang ang sinagot ko.

"Hihihi. Okay. Sana magkita pa ulit tayo, Vice. I need to go." Sabi nya sakin at nag wave na habang kinukuha ng driver ang mga gamit nya. Nag wave na rin ako at ngumiti. Pag alis ng sasakyan nya, ang pag dating naman ng sundo ko.

Oh god Terrence. Napapikit ako at napahawak ng mahigpit sa manibela.
Kaya ayokong bumalik dito sa Pilipinas, dahil hanggang ngayon, nasasaktan ako para sa kanya... Dahil sa ginawa ko sa kanya...

"Terrence!" Tawag ko ng makita ko syang naglalakad sa daan na pawis na pawis.

" Hiii Ate Viceeeee! Namiss kita!" Bati nya sakin at kumapit pa sa rails ng gate. Binuksan ko naman iyon at niyakap ko sya ng mahigpit.

" I miss you too. Mukhang pagod na pagod ka ah,. San ka galing? Gusto mo mag juice tayo?", Tanong ko at tumango naman sya. Kaya inaya ko sya sa loob bahay.

Kwento sya ng kwento, dahil nga bata sya, nkikinig na lamang ako. Mga kwento nyang nakakaloka,.

" Tas alam mo ba ate Vice, hinabol akong aso kanina. Napa akyat nga ako sa puno ng bayabas eh. Hahahaha." Kwento nya sakin habang tawa sya ng tawa sa sarili nya.

"Baka kasi takbo ka ng takbo kaya nga." Sagot ko naman at tumango tango sya.

Napag alaman kong ilang block lang din eh bahay na nila, malapit lamang sa bahay ko.

Naging close kami, kahit pa sabihin mong bata sya. Oo may pagka makulit, pero yung araw ko, parang hindi kumpleto kapag wala sya, kapag hindi sya pumupunta para kulitin ako. Tska hindi naman kasi sya mukhang bata, ang tangkad nya...

"Oh bat wala ka kahapon? Di mo yata ako kinulit kahapon?" Tanong ko sa kanya at niyakap nya ako sa bewang.

"Eh kasi si tita eh, inaya ako mag mall, eh ayaw ko sa mall eh. Mas gusto kong kasama kita. Mas nag eenjoy ako." Sabi nya sakin at kinagat ako sa tyan sabay tinawanan ako. Batang to!

"Nag punta ka palang mall, hindi mo man lang ako binigyan ng pasalubong..." Sabi ko wari na nagtatampo. Umupo ako sa sofa at sya naman nanatili na nakatayo at naka ngiti sakin.

VIRENCE ONE SHOTS STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon