Fangirl💕

545 13 3
                                    

"Yenyen, kanina pa kita kinakausap!" Sambit sakin ni Choleng.

"Tungkol ba kasi saan?" Tanong ko habang nag susulat pa rin ng storya na wala namang saysay..

"Tungkol sa bagong iinterviewhin mo." Saad nya pa.

"Sino?" Tanong ko.

"Hindi mo ba alam?" Sya. Napakunot noo ako.

"Anong hindi ko alam?" Tanong ko pa na naguguluhan. Mula sa kusina, tumungo naman sa pwesto naman si Mariah.

"Hindi mo nga alam bruh.. hindi mo talaga alam?" Mariah.

"Alin ba? Sinong iinterviewhin at kelan?" Tanong ko.

"Bumalik na sya.." Mariah.

"Oh tapos?" Tanong ko. Wala akong interes pag usapan ang tungkol sa kanila o sa kanya.

"Di ka ba masaya?"

"Hindi. Hanggang ngayon may sakit dito sa puso ko. Oo fan lang tayo, pero kasi biglang nang iiwan sa ere ng walang pasabi. Yung taong ang tagal mong naksundo at naka close, biglang di magpaparamdam. " Binagsak ko yung ballpen at paalis na sana ako ng pigilan ako ni Choleng.

"Ats naman.. hindi mo man lang sya iwewelcome?" Choleng.

"Hindi mo ba sya namimiss?"Mariah.

"Araw araw namimiss ko sya.. sila. Pero hindi ko alam kung kaya ko bang harapin pa sila."

.

Badtrip. Kikilos na naman akong maaga. . Napalingon ako sa malaking box na puro tungkol sa pagiging fangirl ko.

Ilang taon na ang lumipas simula ng umalis sya ng bansa, habang yung isa hindi na din namin alam kung saan namalagi.

Sila yung love team na hinahangaan namin noon, basta nakakakilig sila. Una nga, patagong relasyon lang, pero napag alaman namin na sila nga talaga, hanggang sa umamin sila.

Puro banners, t shirts na may pirma nila, yung photo album na puro pictures nilang dalawa. Basta mga collection. Kahit ang jersey nya, tinago ko pa..

"Yen! Ang tagal mo!" Si Cey, kaibigan ko, fan din nila.

"Tinatamad ako kumilos. Ikaw na lang mag interview." Sabi ko.

"Nako, pwede naman eh, pero ikaw ang inaasahan nila doon. Ikaw ang sinabihan." Cey.

Matapos ko mag asikaso, nag diretso na ko sa hall kung nasaan sya.

As always, maraming tao, marami pa rin nakasuporta sa kanya,.

Nag palakpakan ang mga tao ng dumating na sya, ang iba nag sigawan pa. Mukhang nasabik ang karamihan na makita syang muli, matapos ang ilang taon na wala sya dito sa Pilipinas.

Ngunit, nawala man sya ng ilang taon dito, hindi pa rin nagbabago ang postura nya, ganon pa rin sya manamit, nananatili sa kanya ang pagiging unkabogable, isa pa rin syang unbeatable.

Napansin ko rin na parang tumanda sya. (Peace meme! Haha)
Ngunit, maganda pa rin sya at hindi na ko magtataka kung bakit na fall itong si ama sa kanya.

Pag lapit nya sakin, ngumiti ako, pero hindi katulad ng ngiti na nagagawa ko dati sa tuwing nag fa-fangirl ako.

"Good morning, Vice." Bati ko at nakipag beso sya sakin.

"Good morning too. "

"So simulan na natin ang interview?" Sabi ko at umupo na ko sa couch. Tumango naman sya at umayos na rin ng upo.

"So how was your life in Australia?" Tanong ko.

"It's really fine, masaya naman ang naging buhay ko doon and it's nice to be back here, walang nagbago sa mga tao, malugod pa rin nila akong tinanggap." Saad niya.

VIRENCE ONE SHOTS STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon