SFY---6

5.1K 90 4
                                    

Nakakainis na!! ito na ang pangatlong week na hindi ako pinapansin ng grupo nila kumakalat tuloy yung chismis na binusted daw ako ni Lucas. Ayos diba? LALAKE PA ANG NAMBASTED!! >.<

Pag tinatanong ko naman si Polly pocket wala naman daw sinasabi sakanya yung Eric. UGGGGGGGGGGHHH!! MABABALIW NA KO!!

Iniwan ako ni Polly pocket ngayon sa may library kasi daw mag meet sila nung Eric, pshh!! Inuuna pa niya yun kaysa saking kaibigan niya?!

Dahil wala akong magawa at dahil may 1 ½ hour pa ako bago ang next subject pumunta naman ako sa registrar, icoconfirm ko lang yung nasa isip ko na sinabi k okay Polly pocket nung isang lingo para may reason na rin ako para makausap yung mokong na yun

UGHH!! REASON?! Ganito na ba ako kadesperada? Ok fine! Aamin na ko, crush ko yung weird corn haired dude na yun. Ewan ko kung bakit pero basta bigla nalang, ang gwapo kasi niya pag nakangiti pero mas crush ko yung kambal niya na si Anton. Landi ko lang >////<

“Excuse me? bawal ang students dito”

Pinakita ko yung I.D ko dun sa faculty staff na humarang sakin papasok

“I can see that you’re a student so bawal dito”

UGGH!! Slow minds!!

“I’m the daughter of Mrs. Mendez, I already told her na pupunta ako dito, hindi ba kayo nainform?”

“Walang nasasabi ang Chairman samin about that”

Sa totoo lang hindi ko talaga sinabi kay mama since diba, bawal nga ako dito pero kailangan ko kasing makita yung records nila Anton at Lucas

Sakto biglang may nakita akong faculty na kakilala ko kaya ayun pinapasok ako, nagsorry tuloy yung humarang sakin pero ok lang wala naman silang alam kasi nga DAPAT LIE-LOW ang drama ko this college life pero wala eh

Pumunta ako dun sa mga shelf kung saan nakalagay ang bawat envelop ng mga students dito sa SCA pero school year ng pagpasok ang pagkakaarrange at alphabetical kaya madali lang

Lucas Dy…Lucas Dy…Lucas---


Souvenirs From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon