I will never forget that day >///////<
Kahit na it’s been weeks since that day minsan lang naman kasi yun maging sweet kahit na minsan showy yan at para na nga daw siyang bading mahal ko pa rin yan
Nandito kami ni Polly pocket sa may library may pinapagawa kasing research paper yung sa English namin kaya ayan nangangarag na kami
“Girl anong topic ba binigay sayo ni sir?”
“HCM pero base sa mga nababasa ko sakit yun sa puso pero bakit naman ganito yung ipaparesearch ni sir kung wala namang connection sa course natin?”
“Ewan ko pa dun, may topak na ata eh buti ka nga yan yung naassign sayo sakin kasi premarital sex”
Medyo hininaan ni Polly pocket yung pagkasabi niya nung last two words
Kung tutuusin ayos na yung topic ko kasi specific kind na siya kaysa naman yung kay Polly pocket masyadong malaki yung scope nung sakanya
Habang nagpapatuloy ako sa pagbabasa may naramdaman akong kamay na tumakip sa mga mata ko
“Ang bastos, kitang nagbabasa ako oh”
Narinig kong tumawa ng mahina yung hinayupak na nilalang na nang-istorbo sakin
“Hulaan mo kung sino ako”
Ang arte kailangan hulaan?
Base sa boses niya masasabi kong isa siyang lalaki pero hindi naman siya si Lucas
“Troy?”
Dahan dahang nawala yung kamay sa mga mata ko
Napatingin ako sa likod at isang lalaking may malapad na ngiti ang tumambad sakin
“GALING AH!”
BINABASA MO ANG
Souvenirs From You
RomancePano kung ang pagmamahal mo ang magiging dahilan ng iyong kalungkutan? Pipiliin mo bang maging martyr? O mas pipiliin mong magparaya dahil alam mong wala ka nang pag-asa sakanya?