Nandito ako sa mall ngayon para mamili ng gamit namin para sa paglipat namin sa bagong bahay
Hindi ko kasama sila daddy dahil susunduin nalang daw niya ako mamaya dahil tulog pa si Lucy at walang magbabantay dito
Habang namimili ako sa may department store ay may nakita akong isang pamilyar na muka
Lumapit ako sakanya para matignan siya mabuti
“Megan?”
Humarap sakin yun babae at nakita ko na sobrang laki na ng tiyan nito parang anytime pwede na siyang manganak
“Cassy?!”
Ngumiti ako sakanya at ganun din siya
“Kamusta ka na? You look beautiful”
“Salamat ikaw din, ilang buwan na yan?”
“Nine, actually next week na yung nakatakdang panganganak ko, medyo excited na nga ako eh”
Kitang kita sa muka niya yung saya ng isang ina
“For sure excited na rin si Lucas diyan?”
Biglang nawala sa muka nito ang ngiti
“Lucas? Don’t tell me hindi mo alam?”
“Anong ibig mong……sabihin?”
Bumuntong hininga ito at tumingin sakin
BINABASA MO ANG
Souvenirs From You
RomancePano kung ang pagmamahal mo ang magiging dahilan ng iyong kalungkutan? Pipiliin mo bang maging martyr? O mas pipiliin mong magparaya dahil alam mong wala ka nang pag-asa sakanya?