Pinayungan ako papunta ni Lucas sa puntod ni kuya, umuulan parin kasi hanggang ngayon
Since may parang bahay naman yung puntod ni kuya kaya ok lang kung magstay muna kami dito
Umupo ako sa isang side sa tabi ng puntod ni kuya at umupo rin si Lucas sa kabilang side
“Ehem! Kuya ni Cassy sor--”
“Kuya Josh nalang”
“Tss”
Tinignan niya ko ng masama at ganun rin ako sakanya
Una siyang umiwas ng tingin sakin at tumingin lang ng diretso sa labas
“Ano…uhm..ku-kuya Josh”
Halatang halata sa boses niya yung panginginig at kaba di ko tuloy maiwasan hindi mapangiti
“Sorry po sir kasi nasaktan ko yung kapatid mo alam ko na ako yung may mali sorry talaga at napaiyak ko pa siya pero ano…uhm..sir…hindi ko mapapangako na hindi ko na ulit siya masasaktan at mapapaiyak pero gagawin ko ang lahat para sumaya siya”
Napatingin ako sa side niya ganun parin siya nakatingin lang ng diretso sa labas habang seryoso parin yung itsura niya
Medyo gumaan na yung loob ko sakanya kasi hindi ko talaga ineexpect na after nung mga sinabi niya kanina sakin ay magkakaroon pa siya ng lakas ng loob para kausapin ako
Tsaka ang nakakatawa pa mas inuna niyang magsorry kay kuya kaysa sakin (^_^)
“Baka matunaw ako Cassy tama na yan”
Iniwas ko yung tingin ko sakanya at yumuko nalang, alam ko kasing namumula na ko sa sobrang kahihiyan >///<
Hindi ko pala napansin na habang nag-iisip ako ay nakatingin parin ako sakanya
BINABASA MO ANG
Souvenirs From You
RomancePano kung ang pagmamahal mo ang magiging dahilan ng iyong kalungkutan? Pipiliin mo bang maging martyr? O mas pipiliin mong magparaya dahil alam mong wala ka nang pag-asa sakanya?