Simula ng malaman namin na buntis ako ay hindi na umalis sa tabi ko si Troy
Nung unang beses na nalaman ito nila mama ay nagalit sila pero nung sinabi naman ni Troy na siya ang nakabuntis sakin at pananagutan daw niya ay pinatawad na ko agad nila mama
At isa pa nandito na to eh, wala na silang magagawa
I’m now two months and two weeks pregnant at ngayon ang alis namin ni Troy papuntang states, dun kasi binabalak nila mama na manganak ako para daw iwas sa gulo at chismis
Hanggang ngayon hindi pa rin alam ni Lucas ang tungkol dito at wala akong balak ipaalam sakanya
“Basta Cassy, pag may nangyari tawag ka lang sakin ha? Mamimiss kita”
“Ano ka ba Polly pocket wag ka na ngang umiyak, sige ka maiiyak din ako tapos malulungkot din tong inaanak mo”
“Tama na nga yan, ang dradrama niyo talagang mga babae---AARAY!”
Pinalo ni Polly si Troy sa ulo
“Ikaw kasi masaya dahil makakapagsolo na kayo ni Cassy! Sus if I know simula ng malaman mong ikaw yung makakasama ni Cassy sa states hindi ka na makatulog sa sobrang excited”
“Pano mo nalaman? Stalker kita no?”
Pumagitna ako sakanila dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao dito
“Tama na nga yan, ikaw Polly magpapakabait ka ha? Sumunod ka sa states pag sinaktan ka ni Eric okay?”
“Yes ma’am”
Isa to sa mamimiss ko, kahit ganito tong babaeng to isa siya sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon kinakaya ko pa rin
Tumingin ako kay Troy at hinawakan siya sa braso
BINABASA MO ANG
Souvenirs From You
RomancePano kung ang pagmamahal mo ang magiging dahilan ng iyong kalungkutan? Pipiliin mo bang maging martyr? O mas pipiliin mong magparaya dahil alam mong wala ka nang pag-asa sakanya?