SFY---21

3.6K 59 7
                                    

“Gago ka pre ibang tao yung nasuntok mo”

“Eh tanga to eh, haharang harang”

“Tangina pare, maganda to oh”

“Alam na!”

Napatingin naman ako dun sa babaeng tinulak ko at nagulat ako nung Makita ko kung sino

“Me-megan?”

Kitang kita rin sa mata niya yung pagkagulat pero after kong sabihin ang pangalan niya everything went black

LUCAS’ POV

Tangina! Naiinis ako sa sarili ko hindi ko alam kung bakit mas inuna ko pa si Megan kaysa sa babaeng mahal ko.

Oo mahal ko na talaga si Cassy, seryoso ako sakanya pero nung tawagan ako ni Megan parang may kung anong tumulak sakin na puntahan agad siya para bang may responsibilidad pa ko sakanya. AY EWAN!

Hindi pa siya pumapasok simula kahapon at hindi niya sinasagot yung mga text at tawag ko sakanya. Ang gago ko kasi

Nagmamaneho na ko papuntang school ng may Makita akong babaeng tumatakbo sa gilid ng kayle

“Megan?”

Hininto ko ang kotse sa may gilid at bumaba ako para sigawan siya

“MEGAN!”



Pagkasigaw ko agad naman siyang lumingon at tumakbo pabalik sakin

Nagulat ako ng bigla nalang siyang sumakay sa kotse ko at muka siyang takot na takot at may nakita pa kong sugat sa braso at binti niya

“Ayos ka lang? Sinong may gawa nito sayo”

“Cassy….si cassy….si cassy”

Souvenirs From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon