Lucas’ POV
Sa anim na taong lumipas kahit kalian hindi ako nakalimot
Kahit kalian hindi ko nagawang lumingon sa iba
*flashback*
Christmas eve
“Doc sigurado po ba kayo sa nakita niyo sa test?”
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya sakin, para bang naging isang malaking bangugot ang lahat
“hijo pangatlong beses na kitang pinatest at hindi na ko pwedeng magkamali pa”
“pero doc--”
Napabuntong hininga siya
“Hijo may chance pa naman na mabuhay ka sa operation na gagawin sayo”
“pero 20% lang po yun!”
“kahit na 20% lang yun, chance pa rin yun”
Sino ba naman ang mabubuhay sa operation na 20% lang yung predictable chance na magtatagumpay yung operation
“Sige po pag-iisipan ko”
Umalis na ko sa parang office niya at umupo sa may lobby ng ospital
Hindi pa rin mag sink in sakin lahat ng mga nalaman ko ngayong araw
Una bigla bigla nalang sumakit yung dibdib ko na para bang may unti unting pumipisat dito at dahil sa sobrang sakit sinugod ako sa ospital
Pagkagising ko agad sinabi ng doctor sakin na may malaking butas sa puso ko at kailangan ng immediate operation para dito
BINABASA MO ANG
Souvenirs From You
RomancePano kung ang pagmamahal mo ang magiging dahilan ng iyong kalungkutan? Pipiliin mo bang maging martyr? O mas pipiliin mong magparaya dahil alam mong wala ka nang pag-asa sakanya?