SFY---35

4K 75 1
                                    

Tapos na ang one moth vacation namin at back to school nanaman

Pero hindi pa rin ako tinatawagan ulit ni Lucas simula ng gabing yun

Kailangan ko siyang Makita, kailangan ko siyang makausap

Gusto kong malaman kung anong ibig niyang sabihin sa mga sinabi niya sakin

Papalapit na ko ng school ng bigla kong maramdaman na para akong masusuka

Agad akong dumeretso sa cr

Ilang araw na kasi akong hindi kumakain ng matino at puro inom pa ang ginagawa ko sa bahay

Hindi kasi ako makatulog sa tuwing iniisip ko yung mga sinabi sakin ni Lucas

Bumalik na ko ng classroom at nakita kong wala pa rin si Lucas

Dumating na yung prof pero wala pa rin ni isang sign na nandyan na siya

30 minutes before the time nakita kong bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki

“Lucas?”

Dumerederetso lang siya sa isa naming classmate at agad pinalayas sa upuan nito

Umupo naman yung classmate namin sa tabi ko kung saan dapat nakaupo si Lucas

Tumingin lang siya sakin at ngumisi

Pinagmasdam ko siya, nakita kong pumayat siya at binalik din niya yung dating kulay ng buhok nito na yellow

Anong nangyayari? Naguguluhan na ko

After ng class ay agad tumayo palabas si Lucas

Tinawag ko yung pangalan niya pero di man lang siya lumingon sakin

Hahabulin ko sana siya pero naramdaman kong nasusuka nanaman ako kaya dumeretso ako sa comfort room

Pagkalabas ko ay agad akong pumunta sa garden, nagbabakasakaling nandun siya

At di nga ako nagkakamali

Souvenirs From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon