Chapter Twenty Four:

662 17 6
                                    

--- Adrian's POV ---

"Alex? Why do you look like me?" Sobrang laki ng aking gulat at pagtataka sa aking kaharap ngayon. Pati si Alex na alarmang-alarma sa mga nangyayari ay parang naguguluhan narin.

What does he mean that I look like him, I don't look like him at all!

Sabi na nga ba at iyon ang kanyang iniisip. Mabuti nalamang at ginawa ko itong kuwarto na ito para pag eksperementuhan dahil sa nalaman ko kay Spence nang makuha ko ang aking kaluluwa sa kanya sa pamamagitan ng napaka sakit na paraan. At hindi ko nagustuhan ang paraan na iyon dahil sa kailangan naming iwan ang aming katawan at maglakabay sa isipan namin.

Nilabanan ko pa ang aking sariling kadiliman kung saan ay ilang ulit akong muntik mamatay dahil hindi ko akalain na ganun pala kalawak at kalakas ang aking kadiliman. Pero sinabi ni Spence at Zeth na wala pa sa kalahati ang kadiliman na iyon at ang iba pang natitirang parte nito ay nasa isang tao.

Nang matalo ko ang aking sariling kadiliman na sinabi ni Spence na iyon ang parte ng aking nakaraan kung ilang ulit ako nawalan sa sarili at tangkaing sirain ang mundong aming pinanggalingan. Well, parang napaka cliche naman ng ganoong storya. Hindi lang pala sa Anime maririnig iyon kundi isa palang totoong nangyari. At naalala ko ang mga bagay na iyon.

Naalala ko din na may mga tao akong naiwan sa kabilang mundo at naghihintay sa aming pagbabalik. Naroon ang mga ilang tao na gumagabay sa akin dati at nagpalaki sa akin. At naalala ko ang isang babae na nagturo sa akin ng pag-gamit ng iba't-ibang patalim at kung paano mag nakaw ng walang nakakaalam sa mga kastilyo at sa kung saan-saan pa. Naalala ko na ang pangalan niya ay Rose. Kamusta na kaya siya? Buhay pa ba siya? Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa babaeng iyon simula nang makuha siya at nakatakas mula sa mga organization na nagsasagawa ng kakaibang eksperimento sa amin at sa mga tao nila.

At, naging mas malapit na sa akin si Spence at lagi kaming magkasama nitong mga nakaraang araw. At paminsan-minsan ay lumalabas kami.

At balik tayo sa nalaman ko na isang salamangka mula kay Spence na kung saan ay gagawa ka ng isang 'base' at sa base na ito ay kailangan may gawin kang spell na kung saan ay ipagsasama mo ang iba't-ibang psychic spells at telepathic abiltiies ng iyong sarili. Gamit ang tubig at hangin, maari kang gumawa ng waves na kung saan ay mag bibigay ng amplifying effect sa paligid.

At balik ulit tayo kay Alex na armado na ng kanyang abilidad. Isang psychic na gumagamit ng kadilim si Alex at sa pag gamit ng iba't-ibang klase ng awra ay kaya niyang maging mas malakas o mas mabilis. Pero hindi pa iyon alam ni Alex na mas maganda.

Kung titignan mo naman ang binata ay hindi bakas sa kanya ang pagiging isang failed experiment kundi isang magandang labas. Bakit kaya nila sinabi na failed experiment ang mga ito? Malalaman natin.

Spence, Can you do Spatial Magic again?

Isa sa mga magagandang abilidad ni Spence bilang isang warlock ay ang kanyang spatial magic na kung saan kaya niya gumawa ng bagong mundo base sa kanyang ilusyon. Kaya rin niyang baguhin ang law of physics kung nasa kanya ang buong lakas niya. At dahil nakuha niya ang ibang kakayanan ko ay naging isang black seraph siya. Na ikinatuwa ko dahil pareho kaming isang seraph. Fallen seraph nga lang ako.

Ok.

At sa isang iglap ay bumalik kami sa lugar na kung saan ay nagpakitang gilas kaming lahat. Ang mga guho ng gusaling nakatayo dito na parang isang napaka saganang bansa ito at napaka daming aktibidades ang nagaganap kung saan-saan.

"Is this one of your tricks Tam-tam?" Tanong niya sa akin. At hindi ko nalang ito sinagot at umupo ako sa isang bato na kung saan ay nakikita ko parin si Alex.

Not Your Ordinary Gangsters - Ravamping + EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon