---- Third Person's POV ----
"Buhay pa siya, alam ko na buhay pa siya, nararamdaman ko ang kaniyang presensya, pero malabao lang." Ang sinasabi ni Spence sa sarili niya habang lumilipad siya kung saan-saan sa iba't-ibang lugar. Halos may tatlong araw na ang nakalipas mula nang mawala ng kaunti ang presensya ni Adrian mula nang gamitin niya ang isang mahika laban sa matanda na ama pala nila Seth at Zeth.
Huminto si Spence sa isang maliit na bayan kung saan dinala siya ng enerhiya na nararamdaman niya at sinusundan niya. Napansin niya na may dalawang nilalang din dito na parang nagtatago.
Sinundan niya ang presensya na iyon at nang makita niya ay hindi na siya nagulat. Nakita niya ang dalawang babae, ang isa ay may asul na buhok at mahaba, ang isa naman ay may pula na buhok pero maikli lamang ito. Pareho sila na maputi at maganda, pero may pagkakaiba naman sila dahil sa tangkad at sa kilos.
"Asis, Jass!" Sigaw ni Spence sa dalawa. Lumingon naman ang dalawa at napansin ni Spence na parang namimili sila. "Ano ang ginagawa niyo dito?" Tanong ni Spence.
"Spence? Ikaw? Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ni Jass.
"Hinahanap namin ang boss namin. Simula nang bigla nalang siya nawala noong niligtas natin siya sa kaibigan niya, hindi na namin sila nakita." Sagot ni Asis kay Spence at mukhang malungkot.
"Kaya pala bigla din kayo nawala noon." Comento ni Spence sa dalawa na tumango lamang. Teka, may kasama pa ba kayo? Ang iba?" Tanong ni Spence ulit.
"Kasama namin ang tatlo sa mga dating Shadows, may hinahanap lang kaming tao." Si Asis nanaman ang sumagot dahil naging-abala na ulit si Jass sa pagpili ng mga prutas.
"Yung nawawala ba ay isang lalake na laging may hawak na smart phone?" Tumango lamang si Asis sa tanong ni Spence sa kaniya. "Kung siya lang pala ang hinahanap mo, siguro ay hanapin ninyo ang isa sa mga kasamahan ko sa bahay noon. Ang pangalan niya ay Lance.
*
"RICKEN!!!!!!" Sigaw ni Lance sa kung saang gubat man sila napunta. "Buwisit, bakit ba ako pumayag na sumama sa mundo nila? Kung magkakahiwalay pa pala kami?" Sabi nito sa sarili at sumigaw nanaman siya para tawagin si Ricken.
Naglakad pa siya ng ilang metro habang ginagamit niya ang matutulis na kuko niya para hiwain at gumawa ng daan sa isang masukal na gubat. "Ricken!" Sigaw nito ulit at nang hindi na ito nakapag pigil ay binago niya ang mata niya na parang dragon at may kulay green na mapula-pula at bigla niya sinigaw ang pangalan na may kasamang dagundong at nagsiliparan ang mga ibon sa gubat parang nayanig ng kunti ang lupa. "RRRRIIIIIIIIICCKKKKKEEEEEEEEEEENNNNNNN!!!!"
Ilang segundo pa at lumabas si Ricken sa may kaliwa niya. "Ano ba? Bakit mo kailangan gawin iyon? Hindi ko naman ginusto na makasama dito. Utang ko ang buhay ko sa iyo, pero hindi mo naman ako kailangan isama dito dahil hindi naman ako nararapat dito!" Sigaw nito kay Lance.
"Hindi ko naman akalain na pati ikaw ay isasama nung Gate na iyon! Kargo ko ang buhay mo ngayon kaya sana, wag kang umalis sa tabi ko!" Paliwanag ni Lance kay Ricken na mas lalong sumama ang tingin sa kaniya.
"Oh? Tapos? dahil ikaw ay isang halimaw na kayang patayin ang iba pang halimaw sa buwisit na gubat na ito?" Mabilis na sabi niya kay Lance at lumapit ito sa kaniya, at dahil halos magkasing tangkad ang dalawa, mas mataas lang si Lance ng ilang milimetro. "Kaya kong alagaan ang sarili ko, baril lang at kutsilyo lang ay kaya ko na protektahan ang sarili ko." Sabi nito at pinagdiinan niya ang salitang alagaan at protektahan para mapaisip niya kaya niya alagaan ang sarili niya sa lugar na ito.
Nag kibit balikat nalang si Lance at huminga ng malalim at nilabas din ito. "Ok sige, pero sana naman wag ka lalayo, ayaw ko na may mangyari sayo, dahil tiyak na pag nalaman ito ng boss mo, papatayin ako nuon." Sabi niya kay Ricken na parang wala lang. Ikinagulat naman ito ni Ricken dahil ang pagkakaalam niya ay patay na ang boss niya. Naglakad lang palayo si Lance.
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Gangsters - Ravamping + Editing
FantasySa isang fiction na mundo kung saan maraming bagay ang maaring mangyari. Paano kung ang taong mamahalin mo ay isa mong rival sa isang madilim na mundo, at hindi lang basta-basta na tao, kaibigan mo pa at higit sa lahat. Hindi mo siya Kauri. Ano ang...