Chapter Thirteen: Angel Fall

896 21 2
                                    

----Alex's POV----

"Very interesting." Nakita ko lahat ng nangyari gamit ang mga salamin ni Shiela at Ashly. Isa sa mga abilidad ni Shiela ay mag labas ng mga parang salamin na 'golem' kung saan ay puwede niya itong magamit para makita ang mga nangyayari sa paligid niya. Nagsisilbi itong parang satelite service sa amin in real time.

Si Ashly naman ay may kakayanan gawing parang 'non-existent' ang mga bagay na hahawakan niya sa loob ng binigay niyang oras. Kahit pa isa itong building ay kaya niyang gawing parang nawala siya sa mundo sa loob ng ilang oras.

Nakita ko kung paano ang naging labanan ng dalawang grupo. Hindi ako makapaniwala dahil ang akala ko na nag-iisang grupo na narito sa syudad ay dalawa pala at bago pa kami dumating dito ay may dalawang grupo na ang naglalaban, pero ayon sa mga nakita ko at narinig ko, parang hindi alam ng Shadows ang grupo na iyon.

Magaling din magtago ang mga iyon. Pero, base sa mga nakita ko, para silang kami, pero mas gamay nila ang kanilang abilidad.

Hindi mapakali ang awra na nararamdaman ko sa dalawang bata nang narinig nila ang boses ng babae na umatake sa kanila. Nakita ko narin kung sino ang pumatay sa taong lobo na nagligtas sa dalawang kasama ko.

Kaya pala kakaiba siya, kasama siya ng mga Ala Ravus.

"Those guys called Ala Ravus, if I recalled correctly, they are an independent organization that we thought was lost for how many decades now." ang sabi ni Prof Anibru sa telepono. Nasa isang mainit na bansa sila ngayon, dahil may nakuha silang lead na kung saan makikita nila iyon doon dahil sa mga kakaibang nilalabas na kakayahan nito.

"So they are around before long?" Tanong ko sa telepono.

"Yes, though there are reports that the organization doing the expirement with you guys until now says that they have been wiped out in the face of the planet." Huminto siya sandali at nagsalita ng ibang lengwahe. May kinausap siya sandli. "Sorry about that."

"It's fine, could you continue prof.?"

"Sure." At huminga siya ng malalim. "Reports say that most of the genes that you guys have came from them and they are trying to destroy the community that would use human experimentation that would only be beneficial to them." maganda naman pala ang kanilang mithiim. "But, they are still pure monsters and would mindlessly kill someone just to acheive their goal."

"But, it's the human's fault that they were enrage." Paliwanag ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa. Kaya napag isipan ko na tapusin na ang tawag sa kanya para mas makapag focus na siya sa kanyang ginagawa.

Nung pumasok ako sa silid aralan na kung saan magsisimula ang unang klase, nakita ko si Erwin na as usual nakatingin sa bintana. May parang band aid siya sa kanyang ilong. Style ba ito o napaaway si Erwin? Pero, kung titignan mo siya ay parang ang gwapo parin niya.

Umupo na ako sa usual na upuan ko dahil nasa gitna namin si Tam-tam pero parang wala pa siya.

"Morning." Ang bati sa akin ni Erwin pero hindi siya tumngin sa akin.

Kaya binati ko narin siya. "Morning too."

Hindi ako mapakali sa katahimikan naming dalawa. Dahil sa dalawa lang kaming dalawa at higit pa sa lahat ay mag partner na kami sa boung semester ng school na ito! Sa unang isip pa lang sa bagay na iyon ay parang nahihilo na ako.

"Oi Erwin! Pansinin mo naman si Alex!" Pang aasar ng isa sa mga lalake sa amin. At nagtatawanan pa sila. Halatang ang kikitid ng utak ng mga ito pag dating sa dalawang lalake na mag partner. Ayaw ko sana mang lait pero. . . .

Not Your Ordinary Gangsters - Ravamping + EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon