Chapter 33: Near End - Madness

448 19 0
                                    

--- Adrian's POV ----

*BACK TO PRESENT*

Ano na ang nangyari sa akin? Nakikita ko ang aking sarili habang sinasaktan ko ang mga pamilya ko. Pero bakit parang hinang-hina ako? Tinignan ko ang sarili ko, nakita ko ang mga kamay ko na may pagka transparent, ibig sabihin nasa astral form ako.

"Ano ang nangyari sayo _________?" Tanong sa akin ng pamilyar na tao sa likod ko. Humarap ako sa kaniya at napansin ko ang isang babae na nasa kaniyang kabataan, pero dahil sa ikinikilos nito, halata ko na mas higit pa doon ang edad niya.

Napatingin lang ako sa kaniya nang parang hindi ko siya kilala. Nabakas ko sa kaniya ang kunting pagkagulat, pero sinubukan niya na hindi ito ipahalata. "Ako ang namumuno sa pagitan ng batawa mundo. Ako ang 'Pillar of Dimension' kapatid ako ni Gate" Sabi sa akin ng babae.

"Sino si Gate?" Tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya at lumapit sa akin. Tinapik niya ang parang hangin at parang tubig ito na nagalaw. May mga ripples na nangyari at parang isang TV ito na kumilos. Nakatingin ako ngayon sa isang lalake na may mahabang buhok. Hindi matatangi sa kaniya na malakas ito at alam niya ang gagawin sa bawat atake ng kalaban. Lalo na kapag nawawala siya at lumilitaw sa mga kulay itim na hugis na kaniyang ginagawa, minsan naman ay parang naglalaho nalang siya.

"Siya ba ang Gate?" Tanong ko sa kaniya. Tumango lang ito.

"Bakit ka narito sa lugar na ito?" Tanong sa akin ng 'Pillar of Dimension'.

Umiling lang ako at sinabi sa kaniya na hindi ko alam. Nanahimik lang siya sandali atska ngumiti sa akin. "Halika." Sabay hatak sa akin at para kaming lumutang sa ere paangat sa isang lugar na medyo madilim. Tulad kanina, tinapik lang niya ang hangin at gumalaw ito na parang tubig.

Ilang sandali pa at may lumitaw na parang isang parke o isang hardin na puno ng bulaklak. Napapalibutan ito ng mga bundok at may nakikita ako na parang talon sa hindi kalayuan. Lumapag kaming dalawa sa sahig na gawa sa parang brick na kulay dilaw at pula. Maganda ang pagkakagawa rito at maaliwalas tignan.

Nadama ko bigla ang hangin, masarap sa pakiramdam at medyo malamig ang simoy. Mabango din ito dahil saiba't-ibang bulaklak na nakikita ko. Naglakad lang kami. Matapos ang ilang metro na paglalakad ay napunta kami sa isang parang gezebo at may nakita ako doon na mga tao, umiinom sila ng tsaa.

"Narito si ______ para bisitahin tayo." Sabi ni 'Pillar of Dimesnion. At napatingin naman ang tatlo na nasa loob ng gazebo. Sabay silang ngumiti at tumayo na parang nagagalak sila sa nakikita nila.

"Sino sila?" Tanong ko sa babae na katabi ko.

"Yan ang Namumuno sa 'Pillar of Karma'" Sabi niya sa tinuturo na isang lalake na sobrang tangkad na parang mas mataas pa sa isang basketball player. Mayroon itong makinis na medyo maintim na kutis, at itim na buhok. Kung titignan mong mabuti ay kulay pula ang kaniyang mata. Nakasuot ito ng isang puting pantalon, at puting parang polo na simple lang. "Kapatid siya ng Reincarnation." Sabi niya at yumuko na parang pag-galang at ganoon din ang ginawa ko kahit na hindi ko alam kung ano ba dapat ang gagawin.

"Ang isa naman ay ang 'Pillar of Seasons'" Ang isa naman ay isa ding lalake na matangkad pero hindi kasing tangkad nung sinasabi ng babae na katabi ko na haligi ng Karma. Maputi naman ang isang ito na may itim na buhok din na parang nakaayos na parang pupunta sa isang pormal na handaan. Nakasuot naman siya ng isang itim na pantalon at mayroon itong puting sando na naglabas ng kagisigan niya. Hindi tugma ang kakulitan niya sa ayos ng kaniyang buhok dahil parang makulit ito. Tulad ng isa, may pula din itong mata.

"Sa tingin ko ay hindi pa bumabalik ang kaniyang memorya." Sabi ng lalake na sobrang tangkad. Tumango naman ang isa. "Hindi pa naman siya patay diba?" Tanong ulit nito.

Not Your Ordinary Gangsters - Ravamping + EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon