--- Adrian's POV ---
Nagising nanaman ako mula sa isang panaginip na matagal ko nang nakikita. Ano kaya ang ibig sabihihn noon? Wala lang siguro. Pero, sino kaya ang lalakeng iyon at bakit parang pamilyar ang lugar na iyon.
Kung babalikan ko ang panaginip ko, parang nasa isa akong malawak na hardin na kung saan ay napaka lamig kahit na nasisinagan ito ng araw. Sa gita ng malawak na hardin na iyon, may parang isang bahay na kung saan ay may mga upuan ang nakalagay at may mga ilang tao ang nagkukuwentuhan doon.
Parang kilala ko sila, pero parang hindi din. At sa isang banda ng hardin na iyon ay may isang lalake na nakatayo at nakatingin sa langit. Mahaba ang kanyang buhok na kulay pula at bakas sa kanya na payapa ang kanyang kalooban. Tumngin siya sa akin, at pag may sasabihin na siya ay bigla nalang ako magigising o kaya naman ay may matinis na ingay ang sumusulubong sa akin.
Kaya siguro ay hindi maganda ang aking umaga. Dahil sa panaginip na iyon, at dahil sa sobrang ingay ng mundo! Kailangan ko pa ba pumasok sa paaralan? Ano ba ito, ilang taon na ako oh! Hindi na ako nababgay sa mga paaralan. Pero dahil sa kailangan ko magtago dahil narin sa malalaman nila na kakaiba kami.
Pero, sino ba ulit ang taong nag bigay sa akin ng ganitong oras? Ah, oo, tama, sila Gilliam, Saleh, at Seth pala. Ang tatlong iyon talaga. Kahit kailan ay pasaway. Kahit pa noong nasa kabilang dulo kami.
Teka, kabilang dulo? Hindi kami orihinal na tao dito sa mundong ito. Paano kaya kung pumunta ako sa lugar na iyon? Malalaman ko kaya ang sagot na ko doon?
Ah, pero sarado na ang mga pintuan para makapunta sa kabila. At hindi ko alam kung paano . Pero, kung may pag-asang bumalik kami sa mundong iyon, bakit hindi nalang kami bumalik lahat? Ang pagkakaalam ko ay naroon ang iba pa naming kasamahan.
Teka, sinu-sino ulit ang mga iyon? Bakit parang hindi ko sila matandaan?
Ito ba ang sinasabi nila na parang kulang ako? Siguro nga. Oh well, hindi naman sa mamatay ako agad diba?
Maghahanda nalang ako para sa pag ligo ko nang maramdaman ko na may mga tao na sa aking kuwarto. "Good Morning Sleeping Beauty" sabi ni Saleh na parang nasa magandang mood ito.
"Whatever Saleh, umalis ka na at akoy papasok pa." Sabi ko sa kanya na hindi parin maganda ang gising ko.
"So do you want to know where one of your soul is?" Sabi niya sa akin. Pero, bakit bigla niyang sasabihin sa akin ang ganitong bagay kung sa mga nakaraang araw ay sinasabi nila na hindi pa panahon o kaya'y dapat gawin ko itong mag isa?
"Pray tell" at umupo ako sa harap niya at pinaupo ko siya dahil alam ko na mahaba-haba ito.
Hindi parin ako mapakali sa mga narinig ko kahit nasa klase na ako. Kasama ko ngayon ang dalawang kaibigan ko. Pero para akong wala sa sarili.
Dahil sa sinabi ni Saleh kanina, hindi ko alam kung an ang ibig sabihin noon. Kaya pala ang tapang niya magsalita, hindi niya sasabihin kung saan talaga nakalagay ang parte ng kaluluwa ko. Binigyan niya lang ako ng clue kung anong klaseng tao ang may hawak sa isa sa mga kaluluwa ko.
"Hindi biro na ang nakakuha ng isa sa mga parte ng kaluluwa mo noon ay ang isang bata na nakakita sa atin habang nakikipag laban sa isang organisasyon sa ibang bansa noon pa. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa batang iyon, pero marahil buhay pa siya. Kung patay na ay, mahihirapan ka sa pagkuha ng parte ng katauhan mo."
Hindi parin mawala sa isip ko. Kailan nangyari ang bagay na iyon? Bakit hindi ko maalala. At sino ba ang batang iyon? Saang bansa naman iyon? Ang daming tanong ang kumakalat sa aking isipan.
Hindi ko pinadama sa iba ang aking pag-iisip. Naging masayahin ako kahit na gulong-gulo ang aking isip. Bakit parang ang daming nawawala sa akin.
Habang naglalakad ako pauwi, naramdaman ko ang isang bagay na parang kilala ko. Lumabas sa isang madilim na parte ng parke ang isang lalake na kilala ako pero hindi ko siya nakikilala.
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Gangsters - Ravamping + Editing
FantasiSa isang fiction na mundo kung saan maraming bagay ang maaring mangyari. Paano kung ang taong mamahalin mo ay isa mong rival sa isang madilim na mundo, at hindi lang basta-basta na tao, kaibigan mo pa at higit sa lahat. Hindi mo siya Kauri. Ano ang...