Kabanata 1
Year 1940
Sa isang bayan sa Manila. Kilala ang bayan na Don Antonio ang lugar kung saan pinamumunuan na mayamang angkan na noon pa ma'y ay mayroon silang lahing kastila naipasa na rin sa sunod na henerasyon ang kayamanan ng kanilang angkan. May munting salu-salo na naganap at ang namumuno sa Hacienda Antonio ay si Don Ruperto Antonio.
"Magandang tanghali! Halina kayo at sumalo sa aming tanghalian" anyaya ni Don Ruperto Antonio. Isang siya sa mga taong may malalaking impluwensya sa bansa at ang kanyang pamilya rin ay isa sa mga tinitingala dahil sa angking yaman nila at mayroon silang iba't-ibang lupain sa probinsya nila na noon pa ma'y pamana na sa kanila.
"Nagagalak kami sa inyong imbitasyon Don Ruperto. Ilang taon rin ang nagdaan nang mula tayo huling nagkita. Kumusta ang iyong pamumuhay rito sa Pilipinas?" Tanong ng isang lalaki na nasa 40 na ang edad ay siya naman ay naupo at maraming putahe ang nakahanda sa kanilang mahabang mesa.
Siya ay si Don Romulo Ignacio isang matalik na kaibigan ni Don Ruperto Antonio na galing pa mula sa espanya. Isa siyang purong pilipino mula noon ay pabalik-balik na siya ng punta sa bansa.
"Mabuti naman at ganoon parin tulad ng dati. Kahit ilang taon na ang lumipas hindi parin kumukupas ang aking pagkagandang lalake" biro naman ni Don Ruperto at nagtawanan sila.
"Masasabi kong wala ka paring pinagbago. Mukha ngang alagang-alaga itong mansyon" Puri ni Don Romulo habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng mansyon.
"Oo, ito nga ay alagang-alaga dahil ito ay isa sa mga iniingatan ko mula sa ninuno ko." Saad ni Don Ruperto. Napalingon naman sina Don Ruperto at Don Romulo sa gawing nasa bukana ng pintuan at may isang babaeng nakasuot ng traje de mestiza katerno ang saya de cola at pamaypay pang dala, sopistikada at mestisa na papalapit sa gawi nila.
"Hola amigo! Como estas?" (Hello my friend, How are you?) Bati ng isang Donya.
Siya si Donya Victorina Ignacio, siya naman ay asawa ni Don Romulo siya naman ay pilipino na may dugong kastila.
"Hola Amiga! Kamusta? Mabuti at nakasunod ka rito. Ako'y nagagalak na makita ko kayo pareho muli. Batid kong hindi niyo kasama ang inyong anak? Nasaan siya?" Tanong ni Don Ruperto kay Donya Victorina.
"Pagpaumanhin ngunit hindi makakasalo si Estella sa ngayon. Katatapos niya lang din magtanghalian. Ngunit, makakasunod parin siya at pupunta rin mamaya rito" pagkukwento ni Donya Victorina at siya naman ay pinaghila ng isang katulong ng upuan sa tabi ni Don Romulo at siya ay naupo.
"Nasan siya sa ngayon?" Untag ni Don Ruperto at nagsandok sa kanyang hapag-kainan.
"Siya ay nasa Hacienda at nagpaiwan, mukhang nahihiya siyang makisalo sa ngayon. Alam niyo namang batang iyon. Mahiyain. Ngunit huwag kayong mag-alala Don Ruperto ay makikita niyo muli siya. Sa ngayon ay mukhang naninibago lang din siya sa mga tao na nakilala niya rito sa Pilipinas, bata pa lamang siya ng huling makita niyo siya hindi ba Don Ruperto?" ani Don Romulo.
"Oo, at nais kong kamustahin ang batang iyon. Sa tingin ko kahit sa kanyang pagdalaga ay nadala niya parin ang kanyang pagkamahiyain"
"Nasan nga pala ang iyong anak na si Manuel at Mario at saka ang iyong asawa? Don Ruperto? Matagal na panahon narin nang makita ko sila." Tanong naman ni Donya Victorina at pinunasan niya ang kanyang labi gamit ang isang puting tela.
BINABASA MO ANG
Wayback to 1940s
Historical Fiction[HIGHEST RANK ACHIEVED: #17 in Historical Fiction 11/25/2017] Tayo'y magbalik-tanaw at tuklasan ang kwento nina Estella Ignacio na isang Nars at Manuel Antonio na isang sundalo, tunghayan kung ano ang mapagdadaanan nila at pagsubok sa pagmamahalan...