Kabanata 9
"Maari ko bang hingin ang kamay mo at nang maisayaw ka, Binibining Estella?"
Inilahad nalang niya ang kamay niya at tiningnan ko iyon. Mukhang ako nga ang masusurpresa. Hindi ko naman din inasahan na siya pala ang susurpresahin at di ko din inasahan na siya pala ang sasayaw sa'kin.
"Anak? Tanggapin mo na ang kamay ni Leonardo. Magsayaw na kayo" natauhan naman ako at napilitan nalang na abutin ang kamay ni Leonardo at nagsayaw sa gitna ng waltz.
Ngiting-ngiti naman siya at ngumiti nalang din ako, "kaya ako lalong nahuhulog lalo sa'yo Binibining Estella dahil kahit sa simpleng ayos mo lang ay napakalakas ng alindog mo." Tinititigan naman ako ni Leonardo at napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Pormal din ang kasuotan niya ngayon na di nalalayo sa kasuotan ng mga kalalakihan.
"Hindi na 'ko makapaghintay na maging asawa ka." Aniya. Napayuko nalang ako, hindi na siguro mangyayare iyon. Dahil hindi naman talaga ako ang nakatakda para sa kanya dahil pinagkasundo lang kami.
"Paano kung hindi maituloy ang kasal?" Pasimpleng tanong ko.
"Mangyayare at mangyayare ang kasal, Binibining Estella. Hindi ako makakapayag na hindi matuloy iyon. Alam mo bang matagal ko ng ginusto pa 'yon?" Sagot niya.
"Edi magpakasal ka sa iba. Matagal mo na palang gusto mai-kasal" pilosopong ani ko.
"Sa'yo lang ako magpapakasal. Sayo lang at wala ng iba" hinawakan naman niya ang baba ko at iniangat niya ng mapatingala ako at magkasalubong ang tingin namin.
"Ayoko pang ikasal. Isa pa, hindi kita gusto" walang alinlangan na sabi ko. Napabitaw naman siya sa baba ko.
"Kung hindi mo ko gusto, gagawa ako ng paraan nang sa gayon ay ika'y mahulog sa'kin." Banat pa niya sabay ang pag-ngisi.
Natapos narin ang sayaw namin ni Leonardo. Saglit lang iyon dahil idinahilan ko na sumasakit ang paa ko. Umupo muna ko at kumain muna kami. Ang iilan ay nagpatuloy pa rin sa pagsayaw.
Sa di kalayuan ay napansin ko na papalapit si Manuel sa gawi namin. Napayuko ako. Ayan na siya, Estella.
"Ina, pupunta po muna ko sa palikuran" akmang tatayo ako ng magsalita si Ina.
"Mamaya ka na umalis sa kinauupuan mo tapusin mo muna ang iyong kinakain hindi magandang tingnan iyan." Kung tutuusin lahat sila ay natapos na sa pagkain habang ako ay hindi pa.
"Ina, mukhang tinatawag na po 'ko ng kalikasan. Ina lalabas na!" Palusot ko, hinawakan ko pa ang tiyan ko banda. Konting arte ko pa rito pwede na ko maging isang aktres sa teatro.
"Susmaryosep, ang iyong bibig Estella" Napailing-iling nalang sakin si Ina.
"Nasa kalagitnaan tayo ng hapag-kainan. O siya, dalian mo na dumiretso ka na" agad naman na akong tumayo para dumiretso sa palikuran. Hindi ko rin maintindihan sarili ko kung bakit iniiwasan ko siya. Hindi ko rin gusto na maglandas ang daan namin. Palagay ko, pag naglandas na naman ang daan namin ay mabubuko ako at pag nangyare iyon pwede rin akong mahuli at mapagkalaman, at sakin ipapataw ang parusa na di naman ako ang may gawa.
Patungo palang ako sa palikuran ng may nakabunggo sa'kin. "Paumanhin po binibini." Napatingin naman ako sa suot niya. Kapareho ko siya ng suot, siguro isa rin siya sa mga nagsisilbi sa mga bisita.
Napatingin din siya sakin, "bago ka lamang taga-silbi, binibini?"
Napatango naman ako sa kanya. Ngayon kailangan ko na naman magtago. Tsk
"Susana! Kumilos-kilos ka nga. Huwag kang tumanganga at makipagdaldalan diyan! Marami pang mga bisita ang wala pang pagkain." Napalingon naman kami sa pinanggalingan ng boses na iyon, tingin ko ay siya ang mayor doma.
BINABASA MO ANG
Wayback to 1940s
Historical Fiction[HIGHEST RANK ACHIEVED: #17 in Historical Fiction 11/25/2017] Tayo'y magbalik-tanaw at tuklasan ang kwento nina Estella Ignacio na isang Nars at Manuel Antonio na isang sundalo, tunghayan kung ano ang mapagdadaanan nila at pagsubok sa pagmamahalan...