Kabanata 2
"Manuel, di mabuti ang kalagayan ng iyong tiya. Pumunta ka muna sa Hacienda Ignacio at manghingi kay Mang Pito ng halamang gamot" utos ni Donya Floresca.
"Masusunod po ina, ayos lang po ba kung maiiwan ko ho kayo rito?" Tanong ni Manuel. Habang inaayos niya ang kwelo ng kanyang polo.
"Oo, dalian mo na at pumunta ka na roon nang makainom na ang tiya mo."
"Opo ina, mauuna na po ako."
Pinapagpag naman ni Manuel ang kanyang coat, isinuot ang itim na sumbrero at kumaripas na papaalis sa silid na iyon. Nilisan niya ang bahay ng kanyang tiya at pagkalabas niya sa tapat ng bahay ng kanyang tiya ay nakaabang sa labas ang kanilang kutsero na si Mang Erning.
"Ginoong Manuel, saan ang ating punta?" Tanong ni Mang Erning at sumakay sa kabayo nito.
Umakyat naman si Manuel sa Kalesa. "Sa Hacienda Ignacio, kailangan kong makahingi ng gamot para sa aking tiyahin."
"Ganon ba Ginoo? Nawa'y di malubha at gumaling na ang kanyang sakit" saad ni Mang Erning at hinampas na ang kabayo at sila'y nakaalis na.
**
HABANG nagkaron naman ng salu-salo sa Hacienda Antonio ay nandon narin ang iba pang bisita.
"Ginoong Ramos! Mabuti't nakadalo ka rito, ako'y nagagalak na makita kita muli. Naalala ko pa nung huling beses tayo magkita simula nung tayo ay nasa kolehiyo pa. Tama?" Bati ni Don Ruperto sa isang lalake na mabalbas at kaedaran niya lang. Lahat sila ay pormal ang kasuotan. Ngayon pa lamang nagkita-kita ang ilan sa mga kaibigan nila noon mula nung sila ay nasa kolehiyo pa.
"Tama ka diyan Don Ruperto. Ngayon lamang ulit din ako nakabisita rito sa Maynila, dahil naging abala rin kami sa amin mga negosyo sa Mindanao" Tugon ni Ginoong Ramos. Si Ginoong Ramos ay hindi na nakapag-asawa pa dahil sa kanyang pagiging abala sa Negosyo nila na paghahabi ng mga tela.
"Masyado kang naging abala sa iyong trabaho hindi ka ba nabuburyo?" Tanong ni Don Ruperto kay Ginoong Ramos.
"Hindi naman, nasanay na ko at napamahal narin ako sa ginagawa ko" sagot ni Ginoong Ramos.
"Isa yan sa magandang maidudulot ng iyong negosyo dahil minamahal mo ang iyong trabaho" singit pa ng isang lalake na di nalalayo sa edad nila. Siya ay si Don Esteban Fuentes. Siya din ay isa sa mga may malalaking impluwensya sa bansa at tulad ng kay Don Ruperto ay mayroon din silan ari-arian sa kanilang probinsya at sila rin ay matalik na magkaibigan.
"Wala ka nang balak pang makapag-asawa?" Tanong ng isang Donya. Siya ay si Donya Lucena Fuentes. Ang asawa ni Don Esteban Fuentes. Sopistika rin ito kung manamit at marami pang alahas ang kanyang suot.
"Hindi na. Sa edad kong ito wala nang magkakagusto pa sa akin. Masaya na ko sa kung anong meron ako ngayon." Sagot pa ni Ginoong Ramos. Napatango nalang ang mag-asawang Fuentes.
"Don Ruperto, Narito na nga pala ang aking magandang anak na si Leana Fuentes." Pang-iba ng usapan ni Donya Lucena.
"Mabuti kung ganon, makikilala ko narin ang mapapangasawa ng aking anak" saad ni Don Ruperto. Itinuro naman ng Donya kung nasan ang dalagitang si Leana Fuentes. Siya ay prenteng nakaupo at nakapatong ang kanyang mga kamay sa kanyang Saya de cola at may bitbit rin na pamaypay. Maayos na nakapusod ang kanyang buhok at nakakadagdag sa kanyang kagandahan ang simpleng make-up sa mukha.
"Leana anak, halika rito." Tawag ng kanyang ina na si Donya Lucena at tumayo naman si Leana at ibinuklat ang kanyang pamaypay saka ipinangtakip sa kanyang mukha. Lumapit naman siya sa kanyang ina na nasa mesa kasama ang iba pa nitong bisita.
BINABASA MO ANG
Wayback to 1940s
Historical Fiction[HIGHEST RANK ACHIEVED: #17 in Historical Fiction 11/25/2017] Tayo'y magbalik-tanaw at tuklasan ang kwento nina Estella Ignacio na isang Nars at Manuel Antonio na isang sundalo, tunghayan kung ano ang mapagdadaanan nila at pagsubok sa pagmamahalan...