Kabanata 11
"SUSMARYOSEP! MANUEL?! ANONG KAPUSUKAN ITO?"
Bigla naman akong napaayos sa pagtayo, gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko ng makita si Donya Floresca. Ang magulang ni Manuel. Pakiramdam ko napakalaking kataksilan tuloy ang ginawa namin.
"Ama, Ina."
"Anong namamagitan sa inyo? At bakit siya nandito?" Tanong ni Donya Floresca na nanlalaki ang mga mata at salubong ang kilay animong may ginawa kaming mali. Napayuko ako, isang kahihiyan itong madatnan kami ng Ina niya.
"Ahm, señora m-mali p-po ang iniisip niyo, ano po kase---" Jusko, eto na kinakabahan ako. Ayokong makarating 'to sa pamilya ko.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko" madiin na saad niya at pinandilatan niya ko ng mata. Jusko, napahiya na naman ako. Ikaw kase Estella sabat ka ng sabat di ka naman kinakausap. Hay.
"May namamagitan ba sa inyo, Manuel?" Pag-uulit ng kanyang Ina.
"Meron" sagot agad ni Manuel. Nanlaki naman din ang mata ko sa sagot niya. Ipapahamak talaga niya 'ko ng di oras!
"Sumusuway ka na ba sa utos ng iyong Ama, Manuel? Alam mo namang magagalit sa'yo ang ama mo." Ako yung natatakot sa magulang ni Manuel. Samantalang siya parang di ninenerbyos at kampante lang.
"A-Ang ibig ko pong sabihin ay meron siyang kailangang ibigay sa akin kaya siya naparirito" tumikhim naman si Manuel mukhang pati siya ay lutang. Nakayuko lang ako dahil parang nakakatakot tingnan si Donya Floresca.
"Ayusin mo nga muna ang sarili mo Manuel magsuot ka nga muna ng damit!" Napasilip naman ako at doon ko napansin na wala pa nga siyang suot na pang-itaas. Jusko, malamang iisipin ng magulang ni Manuel ay gumagawa kami ng milagro.
Nakayuko lang ako at tahimik di ko magawang makaimik. Naiwan naman ako rito habang si Manuel ay lumabas nitong silid at sinunod ang utos ng kanyang Ina. Gusto ko ng magpalamon sa sahig na tinatapakan ko ngayon.
"Estella? Ano nalang iisipin ng pamilya mo, ng nobyo mo, ng buong angkan mo. Alam mo ba na bilang isang nag-iisang anak na babae----" ang dami pang sinabi ni Donya Floresca na puro pangse-sermon sa'kin pero ang tanging nasa isip ko lang ay yung idadahilan o ipapalusot ko.
"Ah mali po kase talaga ang iniisip niyo. Yung nangyare po kase ay aksidente----" sasabihin ko na sana yung dahilan kung pano yung nangyare bago niya kami madatnan pero pinutol ni Donya Floresca ang sasabihin ko.
"ANO?! SINASABI MO BANG AKSIDENTE LANG ANG NANGYARE SA INYO NG ANAK KO?" gulantang na saad ni Donya Floresca. Napatango nalang ako, nakakagulat naman kaseng reaksyon iyon. Naaksidenteng natapilok lang di naman nasagasaan.
"Hindi isang aksidente iyon, hija! Ginusto niyo iyon na gawin! Ang sinasabi niyong aksidente ay isang kapusukan! Hindi niyo alam na isang malaking responsibilidad ang haharapin niyo." Napapikit nalang ako, jusko mukhang iba na naman iniisip niya. Hay.
Napatampal nalang ako sa noo. "Manuel! Halika rito, may pag-uusapan tayo." Tawag naman sa kanya ng Ina niya at agad naman siyang pumunta. Di naman kami makasingit sa sasabihin ni Donya Floresca dahil sa walang humpay ang pag-sermon niya.
"Hindi ba't ikakasal na kayo sa magiging asawa ninyo? Alam niyo bang isang kataksilan iyang ginawa niyo?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Donya Floresca. Sinasabi ko na nga ba iba talaga ang nasa isip niya, nako.
"At ikaw Manuel, wag mo naman buntisin ang mapangangasawa ng kaibigan mo! Isang kataksilan iyan! Kataksilan!!" Dahil sa sinabi ni Donya Floresca literal na napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko naman inasahan na hanggang dun lilipad ang isip niya.
BINABASA MO ANG
Wayback to 1940s
Ficção Histórica[HIGHEST RANK ACHIEVED: #17 in Historical Fiction 11/25/2017] Tayo'y magbalik-tanaw at tuklasan ang kwento nina Estella Ignacio na isang Nars at Manuel Antonio na isang sundalo, tunghayan kung ano ang mapagdadaanan nila at pagsubok sa pagmamahalan...